HINDI niya kayang ipaliwanag ang tindi ng sakit na nararamdaman niya. Parang nagsuntukan ang langit at lupa dahil pakiramdam niya, pinagtataksilan siya ng lahat. Ito na ba ang parusa niya? Ito na ba ang tinatawag na karma? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya?
Parang sobra-sobra naman yata ang parusa niya? Hindi ba puwede na time out muna? Hindi pa nga siya lubusang magaling eh, bakit may panibagong part ng sakit na naman siyang hinaharap ngayon? Wala nang mas sasakit pa sa pinagtataksilan ka ng asawa.
Pero totoo kaya ang sinabi ni Ate?
Sino bang dapat niyang paniwalaan?
Mas lumakas ang hikbi niya nang bigla na namang tumunog ang cellphone niya. Ano bang nangyayari? Bakit sunod-sunod ang tawag na natatanggap niya? Parang hindi na normal ang nangyayari.
Natatakot na siyang tingnan ang cellphone niya. Takot na siyang alamin kung sino ang tumatawag sa kaniya. Takot na siyang malaman pa. Takot na siyang madagdagan pa ang pighati na nasasagupa niya.
Ilang segundo pa ay tumigil na sa pagtunog ang cellphone niya pero ang pag-iyak niya ay mas lumakas pa nang lumakas.
“Mas matatanggap ko sana kung nagloko siya pero hindi niya sinabi sa ‘kin na mahal niya ko kasi ang sakit-sakit! Mas matatanggap ko pa kung nagloko siya kung hindi niya 'ko pinaasa na puwede pa kaming magkaayos!”
Marahas niyang pinunasan ang luhang bumalisbis sa mga mata nang biglang tumunog muli ang cellphone niya. Dulot ng inis at sakit na bumabalot sa buo niyang katawan ay kinuha niya ang cellphone at nilagay sa ilalim ng kama.
“Tingnan natin kung marinig ko pa ang ingay mo.”
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha nang marinig niyang may kumatok sa pinto. Sila lang naman ni Nanang Delia ang nasa bahay kaya malamang na si Nanang Delia ang kumakatok ngayon.
“Vanessa?” tawag ng ginang sa kaniya. “Gamot mo raw sabi ni Sir. Pero kumain muna tayo bago ka uminon ng gamot.”
Hindi na siya nag-abalang sumagot. Kumuha siya ng polbo sa mesa at inayusan ang sarili para hindi siya magmukhang may hinatid sa huling hantungan.
“Puso ko lang naman ang namatay.”
WALANG salitang namutawi sa bibig ni Vanessa habang nasa hapag-kainan sila ni Nanang Delia. Para din namang naintindihan siya ng ginang dahil hindi rin ito nagsalita, hindi siya kinausap.
Panay subo lang ang ginawa niya hanggang matapos siya. Mabilis ang kaniyang pagnguya, ni hindi nga niya malasahan ang kinakain niya o baka puno na ng pait ang katawan niya at pati ang kaniyang pansala ay nadamay pa. Nang matapos siya ay tumayo siya agad upang kunin ang mga gamot niya.
“Vanessa? Ayos ka lang?”
Napahinto siya sa paglakad at napaisip sa tanong ng ginang.
Ayos lang ba talaga ako?
Nilingon niya si Nanang Delia. Wala siyang mabasa na kung anong emosiyon sa mukha ng ginang bukod sa awa. Bakit ito naaawa sa kaniya? Posible kayang alam nito ang ginawa ni Gian? Alam kaya nito ang kalokohan na ginagawa ng asawa niya?
“I’m okay, Nanang,” sagot niya. Gamit na gamit talaga ang mga salitang iyon para sa mga pagpapanggap.
“Sigurado ka?” tanong nito. Tumango siya.
“Nagsuka ka ba kaninang umaga?”
“Opo, pero nasasanay na po ako, Nanang.”
“Ganiyan talaga kapag buntis. Inumin mo na ang mga gamot mo at vitamins mo ha?” paalala sa kaniya ni Nanang Delia. Hindi na siya sumagot para hindi na humaba pa ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
Cutting the Years
Fiksi UmumVanessa Alvarez, the spoiled brat and the black sheep of her clan. She loves playing and teasing her college instructor, Gian. Bunga sa maitim niyang plano, naging asawa ni Vanessa ang isang baklang fashion designer slash teacher na si Gian Saldivar...