Moon 2

21 4 0
                                        

Wanub

"Salamat sa inyong pagdating, aking mga kapatid, at sa iyo, Generalis." (Heneral)

"Wala iyon, Princeps Wanub. Tungkulin kong pangalagaan kayong mga custos mula sa lux (liwanag)." Yumuko si Dagat at muling nagsalita, "Kung gagambabalain muli kayo ng Princeps ng tenebris (kadiliman) ay naandito lamang ako." Tuluyan siyang umalis. Bihira lang siyang magsalita ngunit kapag siya'y nagsalita na ay tiyak akong ikaw ay mapapahanga. Bigla nalang siyang naglaho. Naglaho? Paano, gayong kami lamang na may mga dugong bughaw ang nakagagawa niyon? Nakapagtataka na itong nangyayari.

Lumapit si Liyab sa akin. Ang isang sakim kong kapatid. "Huwag na kayong magpasalamat. Ginawa ko lamang iyon para naman ako ang maging heredis (tagapagmana) ng solio filios reginae." (trono ng inang reyna).

"Pilak!", Narinig kong sumigaw si Vitrin, ngunit hindi ito pinansin ng aming bunsong kapatid at sinumbatan ang sakim.

"Kay sakim mo pa rin, Liyab. Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw pa ang nanguna sa amin na makapunta sa lugar na ito. Ikaw ay isang bida-bida na kung saan ay naghahagilap lang pala ng walang kuwentang pansin. Alam naman natin na hindi ikaw ang karapat dapat sa trono ng Reginae."

Pinutol agad ni Musika ang tensyon sa pagitan nina Pilak at Liyab. Kahit kay gandang pagsamahin ng kulay nila ay hindi pa rin sila pupuwedeng paglapitin dahil gulo ang kahihitnatnan 'pag nangyari iyon. "Hali na kayo. Nakakapagod ang labang iyon at ayoko ng panibagong laban ngayong araw."

"S-sandali, Musika," pagtigil ni Krisantimo dahil maghahanda na sanang maglaho ang ilan sa amin. "Nais ko lamang ikuha si ina ng krisantimo. Nasira ang kaninang ginawa ko." Hinayaan na namin siya at agad naman siyang humagilap ng mga iyon. Sadyang ganiyan si Krisantimo. Kasama niya si Musika, Vitrin, at Martinez sa pagiging isang napakahinhin at mabuting diwata. Hindi ako kasama roon dahil kawawa ang makakatapat ko. Minsan nga'y natanong ko sila kung paano magkaroon ng mahabang pasensiya. Si Musika naman ay mabait kaso nga lang ay may naging hindi magandang pangyayari sa aming dalawa kaya kami'y hindi puwedeng paglapitin. Namana niya ang pagiging tagapangalaga ng sining sa aming ina.

Napabuntong hininga na lamang ako at nang matapos si Krisantimo ay agad kaming nagtungo sa domum.

Lilak

Ilang beses na ba namin sinabihan ni Krisantimo si Wanub na magkaroon ng kaunting pasensiya sa mga lobo? Kahit kailan talaga itong kapatid kong panganay. Si Wanub, ang diyosa ng mga buwan. Ang kasamahan nina Liyab, Lamig at Pilak sa mga walang pasensiya. Mabuti pa si Vitrin na kahit itim na itim ang suot na bistidang kay haba ngayon at disyosa ng kamatayan at buhay ay mabait pa rin kahit kakaunti. Mabuti pa kami nina Campis, at Liwayway, nakakapagtimpi kahit papaano.

"Bakit parang kay tagal ni ina! Nakakabagot na rito. Nais ko nang kumain, kanina pa kumakalam ang aking tiyan!", inis na sambit ng bunso. Aaminin kong mas gusto kong kasama si Lamig at Liyab kaysa sa kaniya. Mabuti na lamang at ako'y pangatlo sa magkakapatid at si Musika't Lamig ang katabi ko ngayon habang naghihintay dahil kung hindi'y mababatukan ko si Pilak! (Ang puwesto namin ay paikot sa parihaba naming hapag-kainan at sunod-sunod mula sa matanda hanggang pabata kaya nasa unahan sina Wanub at Pilak, ang pinakamatanda at pinakabata.) Si Liyab kasi'y mapanghusga lamang at si Lamig ay magagalitin, ngunit parehas silang hindi mainipin. Kaylala talaga kapag bunso, pasaway at makulit. Dapat sa apatnaraan niyang taong pamumuhay ay nakakapagtimpi na siya. Haays! Nababaliw ang katulad kong limang daang taon na. Hehe.

"Ang ingay talaga ng pangit!", bulong ni Krisantimo. Tama nga naman. Si Krisantimo'y mataray ngunit napakabait. Mana sa kapatid niyang si Musika na kay taray ngunit kay Wanub lang siya nagtataray matapos ang nangyari. Mabait naman ngunit mataray pero hindi naman katulad ni Pilak na kapag tinarayan ka ay lagot ka agad!

Island Series 01: WANUB (Moon)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon