Musika
Minsan, napapaisip ako, kailangan bang magtago ng sikreto sa isang tao para lamang may mailigtas? Masakit para sa akin na anak ni Ina ang pagtaguan ng sikreto ngunit ako'y nagmana sa ama ko, kay Kalasag na diyos ng digmaan na siyang ama naming labing isa. Mana ako sa kaniya, nakuha ko ang kapangyarihan niyang makabasa ng isipan ng tao, diwata, at imortal o mortal na nilalang. Tanging ako lang ang nakamana nito.
Sabi ni Ina, ako raw ang pinakamalakas sa aming labing-isa, 'di ko alam kung si Dagat na ang pinakamalakas dahil ipinaalam na ng reyna na siya ay aming kapatid. Hindi man deretsong sinabi ni Ina o sinabi talaga pero sa pagtawag pa lamang ni Dagat sa kaniya na ina ay imposible namang hindi namin maunawaan. Handa naman akong tanggapin na hindi ko ang pinakamalakas o mapakapangyarihan. Basta ang akin lang ay maging payapa ang buhay ko. Tulad na lamang ni Wanub. Dati kami'y magkasangga ngunit ngayon ay nag-iiwasan. Si Wanub ay katulad kong simple lamang, si Wanub ay tahimik katulad ko at ang hangad ay maging mapayapa ang buhay at walang pakialam sa kapangyarihan at sa trono ni Ina. Ang gusto lang ay ang buo at tahimik ang pamilya, at ang kaligtasan at kapayapaan. Si Wanub na inakala ng lahat na siya ang panganay.
Sa 'ming magkakapatid o sa labing-isa, si Wanub ang pinakamagaling makipaglaban. Kung talino lamang sa pagsugod o pakikipaglaban ay siya ang nakaaangat. Ako, ako ang pinakamakapangyarihan. Sabi ni Ina, ang sining ay malakas kumpara sa mga sinasabing ito ay wala lamang. Sining ang bumubuhay sa mga tao, sa mga trabaho'y laging pumapasok ang sining. Kung wala ang trabaho'y paano na ang ikinabubuhay ng tao?
Bumalik tayo sa kapangyarihan, ang kapangyarihan na aking taglay ay kakaiba at hindi iyon alam ni Ina. Hindi ko rin alam kung paano ko ito nalaman at nagawa. Basta na lamang itong sumulpot sa aking buhay. Hindi ko maipapaliwanag ngayon ngunit delikado na yata ang kapangyarihan ko. Hindi lahat ng sobra ay hindi delikado.
Sumunod naman ay si Lilak, si Lilak ang pinakadelikado sa aming magkakapatid. May ibang kapangyarihan si Lilak na kayang kumitil ng sarili nitong buhay lalo na kapag natapatan ni Wanub. Kapag nagsanib puwersa silang dalawa, kapangyarihan nila ang tatalo sa buhay nila. Si Lilak na siyang pinakamatagal matalo sa laban ngunit kapag ang kapangyarihan niya ay sumobra na at kinain na siya ng kaniyang kapangyarihan ay matatalo siya. Sumunod si Lamig, si Lamig na hindi kayang pigilan ni Vitrin kung gugustuhin ni Lamig na tanggalan ng hangin ang isang paligid. Mamamatay kung walang hangin, ngunit kaya naman ni Krisantimo itong pigilan dahil siya ang nangangalaga ng mga halaman at iba pa. Ang mga halaman na siyang nagbibigay ng hangin para tayo'y mabuhay Si Lamig, kung paghawak lang ng kapangyarihan ng ayos ang usapan, tiyak na siya na ang panalo. Kaya niyang kontrolin ito hindi katulad ni Wanub at ng ilan sa amin, katulad ko.
Si Krisantimo, ang pinakakaibig-ibig sa amin. Napakamahinhin kahit siya'y nagtataray ngunit pabiro lang iyon. Siya ang—sabihin nating, pinakamaganda. Kaibig-ibig siya lalo na't kasing tamis ng kaniyang pag-ibig ang mga asukal. Mapagmahal siya at maunawain, nga lamang, mababaw ang luha. Nakapagbibigay suya ng kagalingan at panibagong buhay ngunit 'di katulad ni Vitrin, nababawasan ang kaniyang araw ng buhay kapag may binuhay siya at kapag may pinagaling ay nalilipat ang sakit o sugat nito sa kaniya. Si Campis, kung sa bilis lang naman ay siya na ang iyong hanapin. Siya ang pinakamabilis gumalaw sa aming lahat, hindi man s takbo ngunit sa bilis ng pakiramdam at sa bilis niyang humawak ng kahit anong sandata. Si Liyab, ang pinakasakim, kahit ganiyan siya ay siya naman ang pinakamatalino sa amin. Minsan na siyang nagmahal na siyang lalong nagpatibay ng galit sa kaniyang puso. Si Luciano, ang minsan na ring minahal ni Wanub. Si Luciano na isang masamang diyos ng buwan at ng kadiliman. Si Liyab ay nanatili lamang na nakatingin kay Luciano habang minamahal nito si Wanub. Si Liyab na siyang pinakapinamumuhayan ng galit ay siyang pinakamatalino at siyang karapat-dapat na maging reyna... para sa akin. Siya ang dapat dahil nakikita ko na siya ang mas nararapat dahil sa katalinuhan niya at sa puso niyang alam kong may itinatago pang kabutihan. Hindi ko nga lang maisip kung bakit hindi ko mabasa ang kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Island Series 01: WANUB (Moon)
FantasíaThis is all about Wanub, the goddess of moon who fell in love with a man but it is wrong, so the punishment is hunting her precious life. - Si Wanub, ang isang diwata na siya ring diyosa ng buwan ay naatasang mangalaga sa isang isla. Kasama niya ang...