Moon 1

25 4 0
                                    

Wanub

"Veni, mi fili. Ut quod amet loqui possumus." (Hali kayo, aking mga anak. May mahalaga tayong pag-uusapan.) Nagtaka ako nang marinig ang mga salita ng inang reyna. Bakit na naman kaya kami pinapatawag ni ina? Siguro nga ay ganoon ito kahalaga kaya't hindi na niya kami hinintay na bumalik pagkatapos gawin ang aming mga tungkulin sa loob ng isang buwan. Nakakapagtaka rin na ganoon ang tono ng kaniyang pananalita, parang siya ay nagagalak. Hindi naman ganiyan ang kaniyang pananalita lalo na kapag siya ay may ipag-uutos.

"Wanub, bakit kaya tayo ipinapatawag ni ina? Iba ang kaniyang tono ng pananalita. Tiyak akong may maganda siyang balita ngayon. Ako ay nasasabik na marinig iyon," may ngiting saad ng aking nakababatang kapatid na si Lilak habang nakatingin sa kaniyang magandang ginawang bahaghari. Si Lilak, ang ikatlo sa pinakanakatatanda sa aming magkakapatid. Siya ang diwata ng bahag-hari, ulan at kalawakan. Ako naman ang pinakanakatatanda sa aming labing-isang magkakapatid. Puro kami binibini, minsan ay masaya at minsan naman ay hindi mawawala ang bulyawan.

"Mabuti pa'y magtungo na tayo sa domum (palasyo). Tiyak na naandoon na sina Pilak at Liwayway. Naiinis talaga ako tuwing nakikita sila." Siya naman ang pang-lima. Ang diyosa at tagapangalaga ng mga bulaklak at iba pang mga halaman, si Krisantimo. Ang pangalan ng bulaklak na paburito ng inang reyna ay krisantimo na siyang ipinangalan sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang aking dalawang kapatid. Mula sa kulay lila na buhok ni Lilak at kulay rosas na buhok ni Krisantimo na nagniningning, ang mapupungay nilang mga mata na kakulay ng kanilang mga buhok at marosas-rosas nilang mga balat at sa mga mapupula nilang labi, handa na kaya sila kung sakaling mapipili sila bilang tagapagmana ng trono ni ina?

"Ano na? Kanina pa kayo hinihintaaaaaay~". Napalingon kami sa sumulpot na si Musika. Ang kaniyang napakalamig at maalong boses na tumutugma sa kaniyang napakagandang mata na nag-iiba-iba ang kulay base sa kaniyang nararamdaman o gustong kulay. At ngayon ay mapula-pulang may kahel ito dahil ito na naman siya, ang kaniyang natural na ugali, ang pagiging maintin ang ulo kaya't parang laging may apoy sa kaniyang mata dahil sa kulay nito. Nakakatuwa lamang dahil siya ang pinaka may magandang kapangyarihan sa amin. Kaya niyang magpalit ng kahit ano, depende sa gusto, niya mararamdaman at sa awiting aawitin nito. Ang kaniyang mahabang tuwid at nakalugay na buhok ay ganoon din. Kung makikita mo siya ay mamamangha ka sa kagandahan niya. Siya ang sumunod sa akin. Para sa aking mga kapatid, mabait siya, ngunit para sa aki'y hindi dahil sa tensyon naming dalawa. Mabait na kung mabait ngunit plastikan na lang kami ngayon.

"Narinig namin ang tinig ni ina, Musika. Nagliligpit na lamang kami ng aming mga ginamit sa loob ng ilang linggo. Mabuti pa'y tulungan mo na lamang si Wanub na mag-ayos," ani Krisantimo habang bitbit ang mga bulaklak na krisantimo na ibibigay raw niya kay ina. Pinagmasdan ko lamang sila. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko kaya dahil ako'y pinanghihina pa.

Nagbuntong-hininga ang kapatid kong si Musika at agad akong tinulungan. Nagbago ang kaniyang kulay at naging kulay lilak katulad ni Lilak. Nakita kong nangagalit ang ginayang si Lilak. "Bruha! Bakit mo ako ginagaya?!" Ayan na naman sila.

Pipilitin ko sanang magsalita kahit hindi pa magaling ang sugat ko sa may pisngi na natamo ko mula sa pakikipaglaban noong isang araw ngunit hindi ko parin kinaya. Mga pasaway ang mga pinangangalagaan kong taga-Luna (buwan). Hindi sila marunong sumunod sa akin lalo na ang mga lobo. Masyado silang naghahari-harian kaya iba ang kanilang sinapit nang dahil sa akin. Nawa'y hindi ito nakarating kay inang reyna. Sana lang.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng aking mga gamit dito. Hindi ko masyadong magamit ang kapangyarihan ko dahil malaki ang napinsala sa akin sa pakikipaglaban. "Eh sa gusto ko. Ano ang pakialam mo doon? At ikaw naman, binibi—Wanub, masyado mo kasing idinadaan sa dahas ang lahat ng bagay. Huwag kang ganiyan, mapapahamak ka." Ngayon ko lamang siyang nadinig na magsabi ng ganiyang mga kataga. Masiyado siyang nag-aalala samantalang lagi kaming magkalayo. May bago sa kaniya ngayon.

Island Series 01: WANUB (Moon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon