Chapter 14

6.2K 266 41
                                    

~~~


One month later...


Darius and Lady Eloise were forced into exile. Everything's going well. I now have my own office. Mayroon na rin akong personal assistant, adviser, at may guards na rin na laging nagbabantay sa akin. Noong una, ayaw ko, but King Terius insisted. Para rin daw sa safety ko, kaya naman pumayag na ako.


I am in my office at the moment, reading some suggestions submitted by the officials and complaints of the people. The King tasked me to review all these suggestions and complaints. He told me to pass the senseful ones to him, and discard the ones that are impossible. 


"Mahal na Reyna!" someone called me from outside of the office.


"You may come in," aniko. 


It's my assistant. Tila nagmamadali siya sa pagpunta rito dahil naghahabol siya ng hininga. 


"What's wrong?" I asked. 


She took three deep breaths before talking. "M-Mahal na Reyna," hinihingal parin na wika niya. "May nagkakalat po ng balita tungkol sa inyo," she said, making my forehead crease.


"Anong balita?" tanong ko.


"May mga nagsasabi pong hindi kayo ang tunay na Reyna. Patay na raw po ang totoong Lady Celestine," aniya. "Masamang espiritu raw po ang nananahan ngayon sa katawan ninyo." 


Well, that's partly true. I'm not the real Lady Celestine. But what the hell? I'm not an evil spirit! How dare they?


"Sinong nagkakalat ng maling balitang iyan?" tanong ko sa kaniya. "Kanino nanggaling ang sabi-sabing iyan?"


"Hindi ko po alam, Mahal ng Reyna. Narinig ko lang po sa usapan ng mga kapwa ko alalay," nakayuko niyang sagot. 


"Ganun ba," mahina kong wika. Nilingon ko ang mga kawal na nakatayo sa gilid. "Please do me a favor," I said to them. "Alamin ninyo kung kanino nagmula ang maling balita na kumakalat." 


"Masusunod po," they replied at naglakad na palabas ng office. 


"Bea," I called my assistant.


"Ano po iyon, Mahal na Reyna?"


"People tend to forget about an issue when a hotter issue comes out," I stated. "So, all I have to do is make another issue so that they will forget about mine." 


"Po?" tila nalilitong tanong ni Bea. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"


"Halika rito," I said, gesturing her to come near me dahil may ibubulong ako. Inilapit naman niya agad ang tainga niya sa akin. "Ipagkalat mo na may six-pack abs ang Hari," bulong ko sa kaniya.

Once Upon a Time in CitadelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon