Chapter 5
I woke up early in the morning to prepared a food for Miles. Kahit papaano ay gusto kong mag pasalamat sa lahat ng naitulong niya sa amin noong mga panahong nasa Hospital si Lola.
Hindi ko inaasahan na sa ilang araw na pag tulong ni Miles sa amin ni Lola Idang habang nasa ospital ay masasanay akong kasa kasama siya. Hindi na nga tuluyang bumalik si Daddy katulad ng sinabi niya bago umalis. Palagi naman, ano pang aasahan ko kahit noon pa man ay mas mahalaga na sa kaniya ang trabaho kaysa pamilya. Napabuntong hininga na lang ako.
Matyaga ako ngayong nakaupo bench na malapit sa play ground kung saan ko unang nakita si Miles. Katabi ito ng Primary School na palagi niyang pinupuntahan kaya nag babakasakali akong makita siya at makausap upang makapag pasalamat man lang sa lahat ng kabutihang ginawa niya at pag mamalasakit para kay Lola Idang at sa akin.
Tanaw ko mula sa malayo si Miles habang may buhat buhat na dalawang malaking karton. Hirap na hirap itong bukas ang exit door ng primary school na katabi ng playground. Kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya.
"Ako na diyan." Agad kong kinuha ang dalawang malaking karton na hawak niya. Shit! Ang bigat pala nito. Taka ko naman siyang tinignan.
"Salamat naman!" Napabuga pa ng hangin si Miles pag ka abot na pag ka abot niya sa akin ng mga karton.
"Nakaya mo to?"
Abala siya ngayon sa pag hilot ng balikat niya at dalawang braso.
"Oo, kailangan yan. Wala namang kukuha sa patahian. Kaya nag prisinta na ko."
"What's this?"
"P.E uniform ng mga bata, diba nga may upcoming event sila. Family day ata yun. Basta ganon. Nako! Panigurado masaya yun." Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Dapat kasi humihingi ka ng tulong. Hindi yung palaging ikaw na lang ang nag bibigay." Inakay na ako ni Miles papasok sa loob ng primary school.
Katamtaman lang ang laki nito para sa hindi karamihang populasyon ng mga naninirahan sa probinsyang ito."Oo nga pala, bakit ka pala andito? Siguro inaabangan mo ako no." Nakangiting sabi nito. Para pa itong kinikilig at tinutusok tusok ang tagiliran ko.
"Ikaw ahh." Asar pa niya.
"Ano ba? Dont do that." Inis na sabi ko. Baka mabitawan ko pa yung dalawang karton na hawak ko ang bigat pa naman tapos kikilitiin niya pa ako. "Hindi naman sa ganoon, i mean napadaan lang ako, tapos nakita kita."
"Sus. Palusot pa hihi " nag tatatalon ito sa hallway ng school habang maganda ang pag kakangiti.
Oras pa ng klase kaya, walang estudyante ang pakalat kalat ngayon. Pumasok kami sa isang faculty room, itinuro sa akin ni Miles kung saan ilalapag yung mga karton.
"Salamat talaga, Adrian. Hmm sobrang init no." Tumango lang ako. Nagulat ako ng makita kong tinatanggal na ni Miles yung suot niyang kulay sky blue na cardigan. Hindi ko na tuloy alam kung saan babaling. Naka ilang lunok ako habang pinang iinitan ng pisngi. Shit!
"Kukuha lang ako ng maiinom, ha. Dito ka lang hintayin mo ko." Inayos niya ng tupi ang cardigan niya at pinatong sa lamesa.
"Y-yeah, sure. Thanks." Nagkanda utal utal kong sabi.
Lumabas na siya ng faculty room. Woohh! Parang ang init nga. Pagkabalik niya may dala na siyang dalawang bote ng orange juice.
"Thanks." Sabi ko pag kaabot niya sakin ng juice.
"Maam Eva? Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Miles sa Teacher na lumilinga linga sa pintoan ng faculty room.
"Ahh si Enzo, nakita niyo ba?" Baling niya sa amin. Pareho kaming na pailing ni Miles.
BINABASA MO ANG
Searching for Miles
Teen FictionHe is a bad ass. A Rule break. A thinkheaded. He lives in his own world. No one can ordered him around. He is Adrain Aquino. Nasa huling taon na si Adrian ng high school at may huling pagkakataon upang wag ma kick out sa school at mapabilang sa...