Chapter 2
Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa bahay. Baka natutulog na sila. Pag bukas ko ng pinto agad namang bumukas ang ilaw. Nakaupo si daddy sa may sala marahil ay hinihintay ako.
"Saan ka galing?!" Malakas na sigaw ni daddy. "Sumagot ka adrian?!"
Tinitigan ko lang siya. Namumula na ang mestiso niyang mukha, halatang nag pipigil ito ng galit. "At uminom ka pang hayop ka!"
Napatingin ako sa may bandang hagdan ng nag mamadaling bumaba si mommy. "Honey, calm down." Sabi ni mommy ng makalapit siya kay daddy. Bahagya pang hinimas ni mama ang braso ni daddy upang pakalmahin ito.
"Yan! Ang ginagawa mo sa anak mo! Kinukunsinti mo, margarita!" Sagot naman ni daddy sa kaniya.
"Aakyat na ko, inaantok na ko dad." Walang ganang sabi ko. Inaantok na talaga ako dahil sa epekto ng alak. Nag simula na kong humakbang paakyat ng hawakan ni daddy ang braso ko ng marahas.
"Dad ano ba?! Nasasaktan ako!" Malakas na sigaw ko habang pinipilit na bawiin ang aking nga braso.
"Talagang masasaktan ka adrian! Kung hindi mo aayosin yang buhay mo! Saan ba kami nag kulang! Bakit ganyan ka!" Sigaw ni daddy sa akin. Nanatili lang akong tahimik. Si mommy naman ay nag sisimula ng umiyak.
"Wala kang pakialam! Buhay ko to! Kaya kung ano mang gusto kong gawin ay wala ka na dun!" Malakas na sampal ang nag pahinto sakin. Napako sa isang direksyon ang aking ulo. Hindi makapaniwala na for the first time, sinaktan ako ng taong tinitingala at hinahangaan ko.
"Tama na please..." Sabi ni mommy habang umiiyak.
"Go to your room. Now! Grounded ka adrian, i will confiscated all your gadget. Ipad mo lang ang matitira sayo. Bukas na bukas dadalhin kita sa bahay ng lola mo." Malakas na sabi ni daddy. Agad agad akong tumakbo papasok ng aking kwarto at nilock ito.
Nakarinig pa ko ng ilang mga katok galing sa labas. "Anak kumain kana ba?" Nag aalalang tanong ni mommy. "Uminom ka ng maraming tubig anak, para hindi ka madehydrate at para wala kang hang over bukas. Please anak."
"Hayaan mo nga siya margarita! Malaki na yang anak mo. Kakain yan kung nagugutom siya at iinom yang kung nauuhaw. Matulog na tayo." Sabi naman ni daddy. Hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip kanila jai at sent.
Kamusta na kaya sila?
Masakit ang ulo ko kinabukasan. Lutang akong pilit na kumakain ng almusal sa hapag kasama sila Mommy at Daddy. Kahit wala talaga akong gana at ang gusto ko lang ay matulog maghapon.
Kung hindi pa ako tinantanan ni Mommy ay wala akong balak na harapin sila lalo na si Daddy dahil paniguradong wala itong ibang gagawin kung hindi ang katakot takot na sermon.
"adrian? Nakikinig ka ba?" Kanina pa salita ng salita si daddy habang nasa bahay pa lamang kami. Marahas na tinanggal ni daddy ang headset na suot ko. "Ano ba dad?!" Malakas na sigaw ko at marahas na kinuha pabalik ang headset ko.
"I was talking a while ago and your not even listening?!" Malakas din na sabi nito.
"Honey, hayaan mo na lang muna ang anak mo, baka tumaas na naman ang dugo mo." Malumanay na sabi ni mommy hinimas pa nito ang kamay at braso ni daddy upang pakalmahin.
"Yang anak mo kasi Margarita masiyadong suwail." Tiim baggang na sabi pa ni daddy. Nakaupo sa tabi ni daddy si mommy sa driver seats. Habang hindi pa umaandar ang sasakyan ay walang tigil ito kakasermon sa akin. Katabi ko naman sa back seats si andy na nakababata kong kapatid.
Walang sawang sermon. Dapat ganito. Dapat ganiyan.
Tss.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nag simula na kaming umandar papalayo sa bahay. Hindi ko maiwasang isipin sila jai at sent. Kung ano na bang nangyari sa kanila pagkatapos ng naging usapan kahapon sa guidance office. Since grounded ako at ipapatapon muna sa bahay ni lola, wala akong access sa aking cellphone kaya hindi rin ako makakuha ng balita sa kalagayan nila jai at sent. Tanging ang aking ipad na lang ang natira sa akin.
BINABASA MO ANG
Searching for Miles
Teen FictionHe is a bad ass. A Rule break. A thinkheaded. He lives in his own world. No one can ordered him around. He is Adrain Aquino. Nasa huling taon na si Adrian ng high school at may huling pagkakataon upang wag ma kick out sa school at mapabilang sa...