Chapter 3
"Bakit ba sunod ka ng sunod sakin?" Iritang sabi ko. Kahapon pa siya, sunod ng sunod sa akin.
"Paki mo ba! Hehe so ano ngang pangalan mo?" Nakangiting tanong niya sakin. "Nakita kong lumabas ka sa bahay ni nanay idang. Apo ka ba niya? Ilang taon kana?" Walang humpay na tanong niya. Napakadaldal naman nito. Bwisit.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad. Nakasunod parin siya sakin habang nag lalakad sa tabing kalsada. May nararaanan din kaming mga kabahayan.
"Magandang umaga, lolo pedring!" Sigaw niya sa isang matandang lalaking nakaupo sa isang rocking chair sa balkonahe ng kanilang bahay marahil ay nag papaaraw. "Magandang umaga din, hija! Napakaganda mo ngayon!" Sigaw din ng matanda.
Napalingon naman ako sa kaniya, na kumakaway kaway pa. Tss. Quit popular huh. Mas binilisan ko na lang ang aking pag lalakad.
"Salamat ho!" Sigaw niya habang tumatakbo pasunod sakin. "Hoy, mr. Sungit! Hintayin mo ko!" Humahabol pa rin siya. "Ano ba!? Hoyyy.."
Napahinto ako ng mapansin tanggal na pala ang pag kakabuhol ng sintas ko.
Hindi agad napansin ng babae na lumuhod ako kaya tumama ito sa akin. I glared at her. Nag peace lang ito at ngingiti ngiti. So annoying mas makulit pa siya kay Sent.
Napatingin ako sa likod ng binti niyang medyo namumula at may maliit na sugat. Taka naman akong nag angat ng tingin sa kaniya.
Pero nakangiti lang ito at hindi iniinda ang nasa binti niya.
I didn't bother to ask kung anong nangyari sa binti niya mamaya mamisinterpret niya pa and i dont care.
Nag patuloy lang ako sa paglalakad kahit wala naman akong patutunguhan.
"Alam mo ba masarap yung tinapay sa bakery ni Lola Ester, baka gusto mong itry?" Bigla bigla na lang nitong sabi.
"Where is the nearest Pay Phone Machine here in your town?" I'll ask, kailangan kong maki balita kanila Jai at Sent.
Parang nag isip muna ito bago sunagot. "Hmm sorry walang ganoon dito ehh." Halos sabonutan ko na yung sarili ko dahil sa katotohanang uncivilize ang lugar kung saan ako pinatapon ni Daddy para lang tumino, na in the first place matino naman talaga ako.
"Pero sa tindahan nga ni Lola Ester may telepono siya baka gusto mong makigamit hehe mabait naman yung si Lola Ester medyo masungit lang siya sabi ng iba pero para sakin mabait naman siya haha." Halos hindi na siya huminga sa haba ng sinabi niya.
"And where is that bakery? Kailangan ko lang talagang makitawag." Mariin akong napapikit. Hindi ko man gustong humingi ng tulong sa babaeng to pero siya lang ang kilala ko dito and i admit it, wala kong choice kung hindi lumapit sa kaniya.
Nanguna ito sa paglalakad. May kalayoan din yung sinasabi ni Miles na bakery ni Lola Ester.
Mukhang maling idea na sa kaniya ako nag tanong, feeling ko ano mang oras ay dudugo na ang tenga ko sa kapapakinig sa pinag sasasabi niyang sobrang nonesense, simula sa kung anong inalmusal niya kanina hanggang sa kung paano namatayan ng kuko sa paa yung kapitbahay nila.
Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na yung sinasabi ni Miles na bakery. Medyo may kalumaan na ito ngunit maamoy ang bagong lutong mga tinapay sa paligid nito. No wonder kung bakit halos ipagmalaki ni Miles ang tinapay dito, amoy palang sobrang nakakatakam na.
"Magandang umaga, Lola Ester!" Masiglang bati ni Miles sa matandang babae.
"Mas maganda ka sa umaga, Hija." Abala ang matandang tinatawag ni Miles na Lola Ester sa pag wawalis ng harap ng kaniyang tindahan, lumapit ito sa amin. Nag mano si Miles kay Lola Ester hindi ko tuloy alam kung mag mamano din ba ako o hindi. Hindi ko naman kasi madalas gawin iyon or let just say hindi talaga ako nag mamano kahit kanino, even with my own Parents.
BINABASA MO ANG
Searching for Miles
Teen FictionHe is a bad ass. A Rule break. A thinkheaded. He lives in his own world. No one can ordered him around. He is Adrain Aquino. Nasa huling taon na si Adrian ng high school at may huling pagkakataon upang wag ma kick out sa school at mapabilang sa...