PROLOUGE

21 1 2
                                    

Prolouge

I can hear her soft chuckles..

I can smell her sweet smell..

I can see her smile from ear to ear because of me..

I can almost feel her soft cold lips and suddenly...

"Haaaaaa!" Isang napaka lalim na hininga ang pinakawalan ko. Para bang nahulog ako galing sa pinaka mataas na gusali. Nagtaas baba ang aking dibdib na pilit pinupuno ng hangin. Pilit ko ring iminumulat ang aking mata ngunit nasisilaw lamang ako. It was quit. Nang biglang umalingaw ngaw ang maraming yabag papalapit sa akin. Napaka ingay. The beeping sound gives chills down in my spine. Nakakabingi.

Where am i?

"Doccc! Gising na po ang anak ko!" Malakas na sigaw ng isang babae. "Ohh my God!" Nag simula na itong humagulgol.

Mommy..

"Check his vital sign. Monitor all the pressure." Sigaw ng isang lalaki.

Pero anong ginagawa ko dito?

"M-mommy..." Mahina at halos walang tinig na sabi ko. Lumunok muna ako ng isang beses ngunit wala pa ding tinig na lumabas saking bibig.

"M-mommy..." Sinubukan kong muling mag salita.

"Ohh my God! Adrian, Anak! How are you! Anong gusto mo? May masakit ba sayo?" Wala paring tigil sa pag iyak si Mommy habang mahigpit na hawak hawak ang kamay ko ramdam ko ang init ng kaniyang palad. "Docc ang anak ko!"

"T-tubig.."

Nag madali namang kumuha si mommy ng basong may lamang tubig at cotton balls upang basain ang nanunuyot kong bibig at lalamunan. Hindi ako makakilos sa sobrang sakit ng aking katawan. Nakakahilo ang mga taong abala sa kani kanilang trabaho, nakakasulasok ang sari saring amoy na halos masuka ako.

Ilang minuto ang lumipas na katahimikan na ang namayani sa loob ng kwarto. Lumabas ang Doctor sa kwarto kasunod si Mommy upang pag usapan marahil ang aking kalagayan. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Mahimbing na natutulog si Andy sa sofa na hindi nalalayo sa aking hinihigaan. Ngunit wala si daddy.

"Salamat sa Dyos at gising kana anak." Sabi ni mommy pag kapasok niya. "A-akala ko hindi kana magigising pa." Nag cracked ang boses ni Mommy ng muling mag salita at doon na nga sunod sunod na tumulo ang kaniyang luha. "A-akala ko.." huminto siya.

"Asan ako mom? And where's dad?" Sa tanong ko palang na iyon ay mas lalo siyang napahagulgol. Maririnig sa pag iyak niya ang labis na pagdadalamhati. Tanging pag iyak lang ang kaniyang naisagot ngunit pinilit parin niyang mag salita at sabihin ang dapat kong marinig.

"H-He's gone, anak." Parang tumigil ang aking pag hinga. Pilit kong iniintindi ang sinabi ni mommy pero paano.

"H-how? Magkasama lang kami ni daddy mom! Magkausap pa kami! P-paanong nangyari wala na siya?! Nooo! Hahanapin ko siya!" Malakas na sigaw ko. "S-sa bahay ni Lola Idang, doon kami huling nag usap. Pupuntahan ko siya mom!" Sabi ko habang pilit na inaalis ang mga nakakabit sa aking katawan. Agad namang nag sipasok ang mga nurse upang pakalmahin ako.

"Bitawan niyo ako! Ano ba! Mom! Tulunga mo ko, hanapin natin si dad! S-si Miles? Where's Miles? " Pilit akong pinapahiga at pina paghinahon ng mga nurses. Wala namang magawa si mommy kung hindi ang umiyak ng umiyak habang yakap yakap si andy na nagising dahil sa labis na ingay.

"Anak, please.. magpagaling ka muna. Mas makakabuti sayo kung magpapahinga kana muna." Habang sinasabi ni mommy ang mga bagay na iyan ay naramdaman ko ang matulis na bagay sa aking balat na siyang nag pamanhid sa aking buong sistema. Bumigat na ang talokap ng aking mata.

Daddy..

Miles..

Asan na kayo?

--

Hi! Let's all together find out kung ano bang nangyari sa daddy ni Adrian.

Sino nga ba si Miles.

Sana magustuhan niyo po ang aking story mga ginoo at binibini 💙

Searching for MilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon