Chapter 11

226 6 9
                                    

Chapter 11: Scream

"H-ha?" Lumayo ako sa kaniya ng nanlalaki ang mata.

"You're kidding right?" At this moment, we stopped dancing.

"What?" Nanghahamon ang mga titig niya sa akin.

Ano bang pinagsasasabi mo?! Nababaliw ka na ba?!

Sa puntong ito, nauubusan na ako. Tinalikuran ko siya ng walang pasabi at umalis. Narinig ko pa ang sabay-sabay na singhap ng mga bisita nila. Wala na akong pakialam basta makaalis lang dito. Sigurado akong bubungangaan ako ni Mama dahil sa eksenang 'to pero kailangan kong makatakas sa pesteng kahihiyan na ito.

Dumating ako sa lamesa namin na nagpupuyos ang galit.

Umupo ako at inilingan si Mama. Tinaas niya ang kilay niya at wala ng sinabi pa.

Ano you?! Alam niya bang gusto ko siya?! Kasi kung oo, dapat hindi siya gumaganyan ganyan! Nakakairita! Pinapaasa niya ba ako?! Kasi kung oo, puwes gumagana!

At naiinis ako dahil ang dali dali kong mapaniwala!

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at ikinalma ko ang sarili.

Nakikita ko pa si Zeus na patingin tingin sa'kin. Mayroon ding nakikisagap ng balita dahil narito sila sa harap ni Mama at nagtatanong-tanong.

Napairap na lamang ako sa patingin tingin nila sa'kin.

Hindi ako mataray pero dahil sa nangyari kanina eh nagtatataray ako kani-kanino.

Nagtama ang paningin namin ni Zeus. Kinindatan niya ako pero hindi ako kinilig! Mas lalo lang akong nainis sa pinagagagawa ng lalaking ito.

Inirapan ko siya. He chuckled and it makes me want to punch him!

Ugh!

Natapos naman agad ang party at dahil pagod na din si Calix kakasayaw.

"Ikaw." Kinurot ako ni Mama sa may tagiliran.

"Aray!" Mahina kong ani nang makarating kami sa Parking lot.

"Ang harot harot mo na ah," pinameywangan niya ako, "sinong gusto mo, si Zeus o si Poseidon?"

Namilog ang mata ko at agad na umupo sa may backseat. "Ma, wala!" Tinulungan ko siyang ilagay si Calix sa may tabi ko.

"My gosh, I knew it!" She giggled. "Ang crush mo ay si Zeus. Am I right?" She asked.

Namilog ang mata ko at nagkunwaring walang naririnig.

"Bilisan mo na Mama, uwi na tayo." Inalis ko ang coat ko at inilatag sa katawan no Calix.

"Trice, my dear." She squinted her eyes and didn't said anything.

As soon as she gets inside and sat down, she ordered our driver tl drive fast.

"Mag-uusap tayo mamaya." Pagbabanta niya sa akin. Ngumiwi ako at tumango na lang.

Hindi ko talaga alam kung bakit gumaganoon si Zeus. Mas lalo akong naiirita sa mga pinagagagawa niya.

Tinatanong niya pa ako kung a-agree daw ako kung makikipag-date sa kaniya.

Syempre hindi! May gusto ako sa kaniya pero hindi ako papayag.

Dahil sa naiisip, agad akong namula at ngumuso.

Kahit naiinis ako, alam kong sa pinakamaliit na bahagi ng puso ko ay masaya ako. Kasi, hindi ko alam kung pabiro iyon, o hindi pero masaya ako dahil inaya niya ako. Kahit hindi siya seryoso ayos lang sa akin.

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon