Chapter 26

149 4 1
                                    

Chapter 26: Evening

"First of all. Gusto kong iexplain saiyo kung paano at bakit inarest ang iyong mother. Si Mayor." Ani Ruella at sumandal sa sofa sa harap ko. Humalukipkip siya at tumitig ng diretso sa mata ko.

Nandito sina Patricia at Ruella sa bahay ko kahit dis-oras na nang gabi. Biyernes na kaya wala rin silang pasok. Dito sila matutulog dahil sasabihin din daw nila kasi kung ano at paano inaresto si Mama.

Hindi ko alam kasi hindi rin ako tumingin sa telebisyon tungkol dito. Puro kasi sila mga kasinungalingan. Nakakatawa.

Lumunok ako at tumango.

"Okay, so here how it goes." Si Patricia. Binaba niya ang tubig at matiim ma tumitig sa akin. "Actually, nagsimula siya noong may nagnakaw ng pera ng Monte Casa. Tapos nagkaroon ng problema doon sa gagawin sanang building."

Tumango si Ruella at inabot ang kaniyang cellphone, pinakita niya sa akin ang clip ng isang lalaking inientorogate.

"H-hindi ko....alam kung sino. Lalaki 'yon eh. Tapos may alias na 'Nardo'." Ani noong lalaking inientorogate.

"Alam mo ba ang tunay na pangalan noong sinasabi mong 'Nardo'." I suppose this man is a detective.

"Wala eh. Ang alam ko lang ay 'Nardo' Domingo ang pangalan noong lalaki."

Pagkatapos n'on, natapos ang clip.

"Mabuti na lang talaga at nasave ko iyan bago idelete ng government." Si Ruella at tinago ang kaniyang telepono.

Napapikit ako ng mariin at napasandal sa couch.

"Pero hindi nila iyan dinis-close sa public. Basta ang sabi lang ng media ay ang Mama mo ang salarin kung kaya't inembistagahan siya." Si Patricia at pinanood ulit ang clip.

"Ang una nilang inimbestigahan ay ang mga properties nang Mama mo. Mabuti na nga at at sa'yo 'to nakapangalan dahil kung hindi, na'ko wala talagang matitira sa'yo ngayon." Umupo ng maayos si Ruella at nagpatuloy sa pag-imporma sa'kin. "Tapos sunod ay iyong mga funds, tapos mga laman ng kwarto ni mama."

"Pero hindi rin iyon ibinalita 'no." Ani niya na sobra ko namang ikinagulat.

Bakit hindi ibinalita?

"B-bakit?" Sambit ko at napakagat-labi na lamang.

"Don't know. Lol." Si Pat at ipinagkrus ang binti.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinilot ang aking sentido.

Kung gusto kong umayos ang aming problema, kahit alam kong ilan pang light years ang agwat noon maging posible, kailangan kong malaman lahat-lahat tungkol sa kaso ni Mama.

Sa ngayon ay hindi pa sapat ang ebidensya nila pero dahil umamin si Mama, sigurado talagang makukulong siya. Na sangayon naman para sa akin.

I don't want things to get more complicated that it already is.

Sure, I don't want me visiting Mama in the jail. Who wants that?

Pero may hinuha na rin naman ako sa pagnanakaw nila. Lalo na't sa gabi-gabing bumababa ako, naririnig ko siyang nakikipagusap sa kung sino sa kaniyang cellphone. Tapos they are also talking about suspicious things.

I didn't confront her because I don't believe myself.

"So, payag ka talagang ipakulong ang Mama mo?" Si Ruella na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

Tumango ako bilang sagot at wala na ring nagsalita sa amin.

"By the way," pagbabasag ni Pat sa katahimikan. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay bilang tanong, "is it true ba na hiwalay na kayo ni ano..?"

Sweet Escape (Monte Casa Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon