Prologue

48 6 0
                                    

"Uuwi ka na agad? Kararating mo lang ha." dismayadong tanong ni Clinton kay Bella.

"Pasensya kana insan. Babawi nalang ako sa birthday mo sa susunod. Urgent lang. Tumawag si Mommy si Arnold daw sinusumpong na naman. Alam mo namang ako lang ang nakakapagpatahan dun." paliwanag ni Bella sa pinsan niya na ang tinutukoy niya ay ang adopted brother nila na si Arnold na may autism.

Naintindihan naman agad ni Clinton ang pakiusap ni Bella. "Oh, sige basta sa susunod bawi ka ha." paninigurado pa nito.

"Oo naman. Pangako 'yan." wika ni Bella na nanumpa pa.

"Teka, may dala ka bang sasakyan? Ihatid na kita." alok nito.

"Okay lang, insan. Nakakahiya sa mga bisita mo kung iiwanan mo sila. Mag cocommute nalang ako." tanggi niya.

"Sigurado ka?"

"Oo, 'wag kang mag-alala sa'kin. Ayos lang ako. Sige, see you next time-"

"I'll drive you home. If you don't mind." wika ng isang hindi pamilyar na boses na agad lumapit sa kinatatayuan nila.

"O-okay lang." nauutal at matipid na sagot ni Bella sa lalaki.

"Oh, yes! Tamang-tama. By the way, this is Elias ang isa sa mga owner ng malaking kompanya dito sa atin. Elias, meet Bella my cousin. Bella, si Elias." pagpapakilala ni Clinton sa kanilang dalawa.

"Hi, Gorgeous!" pormal na wika nito saka inilahad ang kanang kamay.

Hindi alam ni Bella kung makikipag shake hand ba siya ngunit may taglay itong mapang-akit na presensiya. Dahan-dahan niya itong tiningnan at kinabisado ang bawat detalye ng mukha nito. Guwapo, matangos ang ilong, may balbas na dumadag sa kaguwapuhan nito at nakakapang-akit ang tingin nito pati na ang mapupulang labi nito at napakaganda nitong ngumiti na mas lalo nitong ikwenaguwapo.

"H-hi." nahihiyang wika niya saka nakipagkamay dito.

"Can I drive you home?" pag-uulit nito sa alok nito.

"H-ha?" wika lamang ni Bella dahil hindi niya alam ang isasagot.
Unang-una ngayon lang niya ito nakita. Aminado siyang mala adonis ang kaguwapuhan nito pero hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito.

"Pauwi narin ako. Pwede kang sumabay sa'kin." pangungumbinsi pa nito.

Tiningnan ni Bella si Clinton. Inaantay niya ang "Go signal" nito since ito naman ang nakakakilala sa lalaki.

"Sige na insan. Sumabay kana kay Elias." wika ni Clinton na agad namang nakuha ang makahulugang tingin ni Bella.

"S-sige."

Kabadong-kabado si Bella habang nasa loob ng sasakyan ni Elias. Mula kasi ng bagtasin nila ang daan patungo sa bahay nito ay panay ang tingin nito sa kanya. At aminado siyang hindi siya komportable sa ginagawang malalagkit na mga titig nito sa kanya. Lalo na at sinabe nito na nais muna nitong dumaan sa bahay nito bago siya ihatid sa bahay.

Ilang minuto lang ay narating na nila ang malaki at magara nitong bahay. Ipinasok nito ang sasakyan sa loob at saka siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"Gusto mo ba ng juice?" alok nito.

Umiling siya sa alok nito. "Elias, ihatid mo na ako sa bahay please? Kanina pa ako inaantay ng kapatid ko." pakiusap niya ngunit tila'y hindi narinig ni Elias ang kanyang pakiusap.

"Matagal na kitang gustong masolo pero hindi ako makahanap ng magandang tiyempo." pag-uumpisa nito na agad siyang pinanayuan ng balahibo.

Lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang malalaki niyang hita.

"Matagal ko ng gustong mahawakan 'to." paos nitong wika saka marahang tinanggal ang butones ng suot nitong pantalon.

"Anong ginagawa mo?" nanginginig at may halong takot na wika ni Bella.

"Hayaan mo akong angkinin ka kahit ngayon lang 'wag kang mag-alala handa naman kitang panagutan." wika nito sa maamong boses saka mapusok na inangkin ang kanyang mga labi.

"Elias!" pagpupumiglas ni Bella.

"Bella...." wika nito sa baritonong boses. Naging malikot ang mga labi at mga kamay nito at nagpupumilit itong marating ang sukdulan.

"Tama na! Please maawa ka sa'kin, Elias!" pagwawala at pagmamakaawa ni Bella ngunit wala na siyang nagawa dahil matagumpay na siyang naangkin ni Elias at sabay nilang natamo ang rurok ng tagumpay.

"Walanghiya ka! Magbabayad ka!"

I Accidentally Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon