Chapter 5

13 1 0
                                    

"Hindi ka ba naaawa sa anak mo?" ang agad na bungad sa kanya ng kanyang ina pagkapasok niya sa kusina kukuha sana siya ng tubig sa reef. Nabigla siya sa tinuran nito kaya natameme lamang siya sa tanong nito at tinapunan lamang niya ito ng makahulugan na tingin.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo para kang nagtrabaho magdamag?" naguguluhang tanong nito.

Wala parin siyang maisip na ibang sasabihin dahil ang totoo hindi parin siya maka get over sa muli nilang pagkikita ni Elias. Pakiramdam niya tila hinigop nito ang tubig niya sa katawan dahil mula ng makita niya ito parang palagi nalang siyang na dedehydrate at palaging tubig ang laman ng utak niya.

"Bella, huwag sanang sasama ang loob mo pero kailangan mong turuan ang anak mo kung paano makisama sa ibang bata. Halimbawa na lamang sa tito Arnold niya. Sa katunayan, kahapon naglalaro sila pagkatapos-"

"Mom, hindi na po bata si Arnold. Kung may makakaintindi man sa kanilang dalawa si Arnold 'yun dahil bente anyos at binata na siya. Sampung taon lamang ang anak ko." wika niya na may halong pagdedepensa sa anak na hindi man lang pinatapos ang ina sa iba pa nitong sasabihin.

Tila dismayado ito sa sinabe niya. "Hija. Alam ko. Pero alam mo naman ang kondisyon ng kapatid mo kung tutuusin malaki lang ang edad niya pero bata parin ang pag-iisip ni Arnold. Baka nakakalimutan mo na special ang kapatid mo. Anak, mas normal si Lianne kaysa sa tito Arnold niya. Anak, huwag mo naman sanang isipin na may favoritism ako dahil pare-pareho ko kayong mahal. Ang sinasabe ko lang naman na turuan mo ang anak mo makisama sa ibang tao. Alam ko naman na maayos ang pagpapalaki mo sa kanya kaya lang nasanay siya na walang kalaro at walang kaibigan kaya hindi pa siya marunong makisama at makipaglaro sa iba. Laging pikon at napakaikli ng pasensya tuwing matatalo. May pagkakataon din na hindi marunong mag share ng laruan." napakahaba nitong wika.

"Naiintindihan ko po, mom. Sorry." paumanhin niya.

"Salamat naman at nauunawaan mo ang punto ko. Ang sa akin lang naman, okay lang na may pagkakataong hindi marunong makisalamuha 'yang anak mo maiintindihan ko pa 'yun kasi lola niya ako at alam ko ang pinanggagalingan niya kaya ganyan ang behavior ng bata. Kaya lang, hindi dapat nagtatapos sa punto na tayo-tayo lang ang dapat na makakasama niya. Anak, alam ko kung anong hirap ang pinagdaanan mo noon pero kung ano man 'yun hindi mo kailangang iparanas ang bagay na 'yun sa anak mo. Huwag mo siyang ikulong sa bahay. Huwag mong limitahan ang buhay niya, ang galaw niya, ang mga taong dapat lang niya makita at makilala, at higit sa lahat huwag mong limitahan ang mga pangarap niya." mahaba nitong payo sa anak.

"Mom, hindi ko naman po nililimitahan ang buhay at pangarap ni Lianne. Ginagawa ko lang 'to lahat para sa ikabubuti niya." wika niya. "Lalo na ngayon at nakalabas na ang walanghiya niyang ama." dagdag niya ngunit anang isip niya lamang.

"Nandun na ako anak. Ina rin ako. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng isang ina at kung paano natin sinisigurado ang seguridad ng mga anak natin. Tayong mga nanay, segurista tayo sa lahat ng bagay basta pagdating sa mga anak natin kabisadong kabisado ko 'yan. Pero huwag sobra. Sakto lang dapat. Tulad natin mga tao lang din ang anak natin. May pakiramdam at minsan nasasakal kapag sobra na ang pagmamahal natin sa kanila. Anak, mas mag go grow ang anak mo sa ibang mahahalagang aspeto sa buhay kung i eenrol mo siya sa paaralan kung saan may teacher at may makakasalamuha siyang ibang bata. Unti-unti mahahasa ang social skill at maging ang emotional skill ni Lianne. Alam mo, para mas lalong lumago ang  development ng isang tao kailangang lumaki at dumami ang mga tao sa paligid niya." puno ng impormasyon at pangaral na mahabang wika nito.

Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok ng kanyang laway dahil sa mga sinabe ng ina niya. Umandar na naman ang pagiging psychologist nito. Kung nakapagtapos lang sana ito ng college baka ganap at isa itong magaling na psychologist kaya lang maaga itong nabighani sa kaguwapuhan ng kanyang ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Accidentally Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon