Chapter 4:

13 3 0
                                    

Nadatnan ni Bella ang sarili sa loob ng kanyang kotse habang tahimik na umiiyak. Walang humpay ang pagtulo ng kanyang luha kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya inaasahang muli niyang makikita si Elias ang taong minsan ng sumira sa kanyang buhay at ang lalaking naging dahilan para maglaho at tuluyan ng hindi maabot ang iba pa niyang pangarap sa buhay. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin siya kung bakit nakalabas ng piitan si Elias. Mabigat ang kinaharap nitong kaso laban sa kanya kaya suntok sa buwan para sa kanya ang mapaniwala na makakalabas ito.

"Paano nangyari 'yun!" nagngingit na kanyang wika. "I hate you!" dagdag pa niya habang sinusuntok-suntok ang manibela. Ngunit taliwas sa nararamdaman niya ang huli niyang sinabe para dito.

Aaminin niya na habang umaandar ang katarayan niya kanina ay hindi niya maitatangging hindi niya naiwasan ang sarili na obserbahan ang pisikal nitong anyo. Mahirap mang ipaliwanag pero mas lalo lang itong gumawapo kumpara noong una niya itong nakita the night before ang kahalayang ginawa nito sa kanya. Hindi halatang nakulong ito dahil wala namang bakas ng mga tattoo ang matipuno nitong pangangatawan na hapit na hapit ang abs nito sa suot nitong fitted shit. Malinis at makinis din ang balat nito na tila ba'y alagang-alaga ito sa loob. Bukod doon ay kumuha din ng kanyang atensiyon ang mapupungay nitong mga mata pati na ang kulay mansanas nitong mga labi.

"Ang guwapo sana kundi lang rapist." pairap niyang wika.

Sandali siyang natigilan ng mapansin ang pag-aapoy ng kanyang pisngi. Dali-dali niyang chineck ang sarili sa rear view mirror.

"What!? Kinikilig ako sa lalaking 'yun? Sa rapist na 'yun? No way! This can't be!!!!!" sigaw niya. "Bella, no! You hate him right? You hate him! Baka nakakalimutan mo na isa siya sa sumira sa buhay mo. Tigil mo 'yan! Hindi maaari. Hindi. Naiintindihan mo? Hindi pwede. Hinding-hindi pwede. No! Period." saway niya sa kanyang sarili habang nagwawala sa matinding inis.

Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya dali-dali siyang naghanap ng tubig sa kanyang pinamili.

"Hay salamat. Diko rin nakalimutang bumili ng tubig. Gosh! Hindi lang ako na stress today muntik na rin akong ma dehydrate!" napapairap niyang wika. "Oh no, it's getting late." nagpapanic siya ng hindi sinasadyang mapatingin siya sa kanyang relo.

Kailangan niya magmadali dahil marami pa siyang dapat asikasuhin sa shop ngunit ang mas inaalala niya ang kalagayan ni Lianne ngayon. Kampante naman siya na nasa pangangalaga ito ngayon ng kanyang mommy. But knowing na nakalabas na si Elias sa kulungan kinakabahan siya sa posible nitong gawin makita lamang nito ang anak niya. Lalo at confident ito na siya daw ang ama ni Lianne. Hindi maiwasang sumakit ang ulo niya sa isiping iyon.

Napaigtad siya ng tumunog ang kanyang cellphone. May tumatawag kaya dali-dali niyang hinagilap iyon sa kanyang bag.

"Hello, madam. Na finalized ko na po ang orders, ready for delivery na din po." ani ni Antonio na nasa kabilang linya.

Medyo nakahinga siya ng maluwag pagkarinig niyon. Kahit papano hindi narin niya kailangang pumunta ng shop kung ganun. Mabuti nalang masinop at mapagkakatiwalaan niya ang assistant niya. "Naku, Toni maraming salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa shop. And I am not really sure kung makakapunta ako ngayon sa shop kasi bigla nalang sumakit ang ulo ko. I think I need some rest." wika niya sa nanginginig na boses.

"Madam, are you alright? Nanginginig po kayo." may pag-aalala nitong tanong.

"Naku, hindi lang katawan ang nanginginig sa'kin ngayon pati ang kaluluwa ko ay nanginginig din sa hindi malamang dahilan." anang isip niya na hindi niya na lamang sinabe dito para hindi na humaba ang usapan.

"I'll be fine. I really just need some rest." pag-uulit niya. "Toni, ikaw na muna ang bahala sa shop. Just call me if you need something. Remember, I count on you." dagdag pa niya saka nanghihinang binaba ang cellphone.

I Accidentally Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon