Chapter 1

29 5 0
                                    

"Yi, er, san, si... si..." ani ni Lianne habang binibilang ang kanyang mga laruan sa loob ng kanyang Hello Kitty tent. "Mama, ano nga po ba 'yung kasunod ng four sa mandarin?" patakbong tanong ni Lianne sa mama niya nung makita niya itong papunta sa playground nila.

"Wu. Itinuro ko na 'yan sayo ah nakalimutan mo na naman?" naiiritang tanong ni Bella sa anak niya. "Atsaka ang init-init nasa labas ka na naman. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo para ka na namang nilitsong manok." wika ni Bella sa anak ngunit tila hindi nito narinig ang panenermon niya.

"Wu! Tama pala ang nasa isip ko diko lang masabi."

"Naku, ayan na naman po ang style natin. Kunyari hindi narinig ang mga sinabe ni mama. Pumasok kana ang init-init dito oh. Ano bang ginagawa mo sa loob ng tent?" naguguluhang tanong ni Bella sa anak.

"Naglalaro lang po mama. Tsaka nag-aaral pong magbilang sa mandarin."

"Wow! Totoo ba 'yan? Patingin nga." nakangiting wika niya saka nagtungo sa loob ng tent ni Lianne.

"Mama, tingnan niyo po marunong na din po akong magsulat ng Chinese numbers pero hanggang 10 palang po ang kaya ko."

"Wow! Not bad for a young beginner like you, anak. I'm very proud of you." wika niya saka marahang niyakap ang anak.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap. "Of course  mama I will do my best because remember you promised me that if I study  harder we will visit papa and papa would be very proud of me." natutuwa nitong wika.

Sandali siyang natahimik sa mga sinabe nito. "Anak...." napabuntong-hininga siya ng malalim. "Just study hard, okay? Not for me or for your papa but for your own sake. Promise?" naiiyak niyang wika habang malambing na hinimas sa buhok ang anak. "Tingnan mo luma na pala 'tong tent mo. Maybe, we should buy a new one para mapalitan na 'to." pag-iiba niya ng topic para maiwasan ang pagiging emosyonal niya at hindi na humaba pa ang usapan tungkol sa walang sawang katatanong nito tungkol sa ama nito.

"No, mama. Nag lightened lang po ang kulay niya but I can still use this po. No need to buy a new one for me but thank you mama."

Napangiti siya sa narinig mula dito. Alam niyang napalaki niya ito ng tama at isa 'yun sa mga ipinagmamalaki niya. Tulad niya hindi mahilig sa mga materyal na bagay si Bella.

"Mama, ang hirap po kasi talaga mag-aral ng mandarin but i'm doing my best because I wanna see papa badly but I am already tired. Is it okay if I continue this later mama? Nag no nose bleed na po ako eh." naiiling nitong wika.

"Anak, walang bagay na madaling makuha. Lahat kailangan mong paghirapan at bago mo makuha ang tagumpay kailangan mong magsimula sa umpisa at kung hindi mo pag-aaralan ngayon mas lalong hindi ka matututo. But then again don't think about us. Think of yourself. "

"Opo." malungkot nitong wika. "Pero mama hindi naman po tayo titira sa China diba?"

"Anak....."

"Ma, hindi ko lang po kasi maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-aral ng Chinese kung wala naman po tayong balak na manirahan sa China." naguguluhan nitong wika.

"Anak, hindi mo naman kailangang tumira sa isang bansa porke nag-aral ka at alam mo ang lengguwahe nila. Kailangan mo lang mag-aral kasi maganda ang taong maraming alam."

"Tulad po ba ni Dr. Jose Rizal at ni Albert Einstein, mama?"

"Tama. Tingnan mo sila dahil marami silang alam, marami silang naiambag dito sa mundo. At marami sa mga kontribusyon nila ay patuloy na tumutulong at pinag-aaralan ngayon ng maraming tao."

"Do I need to be a hero po ba just like Dr. Jose Rizal at maging scientist po tulad ni Albert Einstein?"

"Lianne anak, nasa sayo 'yun." matipid niyang wika. Saka niya hinimas ang ulo nito. "Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang si mama laging nakasuporta sa lahat ng gusto mong marating sa buhay."

I Accidentally Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon