JAIRAH'S POV
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay agad na bumungad sa'kin ang sinag ng araw
"tangina!" sigaw ko
Bakit ba kasi hindi ko sinara ang kurtina bago matulog? At bakit ba kasi nakapuwesto ang kama ko sa harap nang bintana na to
"shit!..." mahinang singhal ko ng pilitin kong tumayo pero sakit lang sa tagiliran ang natamo ko
"buwesit ka, Gun!" muling bulyaw ko
Nang dahil sa buwesit na lalaking yun ay nabaril ako sa tagiliran
At dahil sa hindi ako makatayo ay tinawagan ko na lang si Vanvan, isa sa mga matalik kong kaibigan
"hello, good morning" bati niya sa kabilang linya
"hello" bati ko at muling naramdaman ang sakit sa tagiliran ko
"ok ka lang ba? nasaan ka?" tanong niya
"Oo, nasa spain pa ako" sagot ko
"kelan mo ba balak umuwi?" tanong niya
"umuwi naman na ako ah, nung binyag ni enzo" sagot ko
God I miss that kid, ano kayang magandang iregalo sa kaniya pag nagkita ulit kami?
"Oo nga umuwi ka nga nun, pero ilang taon na ang nakalipas. kailan mo ba balak mag-stay dito?" pagputol ni Vanessa sa iniisip ko
"gusto mo akong mag-stay sa eroplano?" tanong ko at natawa
"Jairah tigil-tigilan mo ako" sabi nito sa kabilang linya "Nakipag-away ka nuh?" tanong niya at isang buntong hininga lang ang sinagot ko sa kaniya
"papuntahin ko na ba diyan si Abi? para may katulong ka?" tanong niya
Si Abi?
"nasa greece siya diba?" tanong ko
"So...at sa tingin mo hindi siya maghahanap ng eroplano papunta diyan sa spain para tulungan ka?" Sabi nito
"Oo nga nuh?" sabi ko at sarkastikong ngumiti
"sige sige, papuntahin mo na" agarang dagdag ko pero sa totoo lang ayoko ko siyang pumunta dito, ni makita nga ayaw ko eh
"sige, bye bye" paalam niya sa kabilang linya
"bye bye, si abi ah tawagan mo" sabi ko at agad na binaba ang tawag bago hinagis ang telepono ko kung saan man
Makalipas ang ilang oras ay tanghali na dito sa Spain at hindi pa rin ako kumakain
Nagulat naman ako ng may nag door bell sa labas ng penthouse ko
"bakit ngayon pa?" tanong ko at dahan-dahang tumayo sa kama
"sandali lang yawa!" bulyaw ko habang nasa kalagitnaan ng hagdan dahil sa muli na namang pinindot ng tao na yun ang door bell
Nag buksan ko ang pinto ay binalot na agad ako ng pagkairita. Galit at pagkairita ang nararamdaman ko nang magtama ang mga kulay asul niyang mata at ang kulay berde kong mata
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong ni Abi at naglakad naman na ako palayo para makapasok na siya
Nang marating ko ang sala ay agad akong umupo sa sofa at binuksan ang tv
"ang kalat ah" bungad na sabi niya ng marating din niya ang sala
Makalipas ang ilang minuto at pumunta na rin siya sa sala na may dalang pagkain
BINABASA MO ANG
Happiness in Españia
RomanceBest Friend Series #2 "haunted and traumatized by the past in Españia, but can you changed that and be my happiness in Españia" PUBLISHED DATE: 2-25-21