Chapter 3: Jada Trinidad
JAIRAH'S POV
Dahil sa hindi ako makahintay ay sinundo na namin si abi sa bahay nila
"Sea!" sigaw ko ng lumabas na siya kasama ang daddy niya. bumaba naman ako sa kotse namin at pinuntahan siya bago niyakap
"okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya
Naglakad naman na kami papunta sa sasakyan namin
"take care of my daugther" sabi ni tito ayden kay mommy at ngumiti naman si mommy bago tumango
"don't worry, I'll protect her the way she did" sabi nito at ngumiti naman si tito ayden bago hinalikan si abi sa noo at sinara ang pintuan
"Hi..." ani ni mommy kay abi at hinawkan ang pisngi nito
"you look exactly like her" sabi nito habang nakatingin kay abi at hinagod-hagod ng isang kamay niya ang buhok nito
"mommy..." ani ko at tumingin naman sa'kin si mommy
"oh!" ani niya at tinanggal na ang kamay sa pisngi ni abi
"diretso na muna tayo sa mall bago sa bahay" sabi nito at ngumiti naman ito sa'kin bago kay abi
"sea, laro tayo" sabi ko bago kinuha ang ipad ni mommy at pinindot ang isang app para laruin namin
Maya-maya pa narating na din namin ang Deluxe Mall na pagmamay-ari namin
"ano bibilhin natin mommy?" tanong ko sa kaniya habang magkahawak ang kamay namin at ang isa ko namang kamay ay hawak ang kay abi
"bibili tayo ng damit, toys, tsaka pagkain" sabi niya at napangiti naman ako ng marinig yung salitang laruan
Nang makarating kami sa isang shop kung saan binibili ni mommy lahat ng damit ko
"ito, bagay sayo to" sabi ni mommy kay abi
"ito din, tsaka ito" dagdag nito
"sukatin mo" sabi ni mommy sa kaniya
"mommy ako?" tanong ko at nilabas din ni mommy ang damit na susukatin ko
"here..." ani niya at pumasok naman kami ni abi sa magkaibang fitting room
"wow...bagay sayo" sabi ni mommy at nilabas ang phone niya para picturan si abi
"sama ka jai" sabi nito at tumabi naman ako
"smile" ani nito at ginawa namin ni abi
"isa pa" sabi nito at nag peace pose naman kami ni abi
"sukatin niyo pa yung iba" sabi nito at agad naman naming sinunod ni abi bago niya binili ang mga damit
Sunod naman kaming pumunta sa toy store
"sea, look" sabi ko at pinakita sa kaniya ang isang hamster na stuffed toy
"kamukha mo" dagdag ko at natawa naman kami parehas
"cute..." napatingin naman ako dun at nakita si mommy na nakangiti habang nakatingin sa'min
"Mommy I want this po" sabi ko pinakita sa kaniya ang isang panda na stuffed toy
"ano pa?" tanong nito at napatingin naman ako abi "ito din" sabi ko at tinuro si abi at natawa naman si mommy dahil dun at nginitian ko naman si abi na nakangiti din
"ikaw, Sea anong gusto mo?" tanong nito kay abi at inilahad naman ni abi sa kaniya yung hamster na stuffed toy na binigay ko sa kaniya kanina
"okay" ani nito at kinuha ang stuffed toy na gusto namin at binili na
BINABASA MO ANG
Happiness in Españia
RomanceBest Friend Series #2 "haunted and traumatized by the past in Españia, but can you changed that and be my happiness in Españia" PUBLISHED DATE: 2-25-21