Chapter 1: Playmate

JAIRAH'S POV

"Mommy dun!" sigaw ko kay mommy habang hinihila ang kamay niya papunta kay daddy

Pumunta kami ni mommy dita sa military base kung nasaan si daddy para bisitahin siya

"daddy!" sigaw ko at agad na binitawan ang kamay ni mommy para tumakbo papalapit kay daddy

"Hi" masayang bati nito sa'kin bago ako binuhat at hinalikan sa pisngi

"Hi" bati nito kay mommy bago ito hinalikan sa labi

"bumisita lang kami kasi miss ka na daw niya" sabi ni mommy

"talaga ba?" tanong ni daddy at agad naman akong tumango bago siya hinalikan sa pisngi

"busy si daddy dito eh, sinong lalaruin mo?" tanong ko at napanguso naman ako dahil dun

"Darioh!" napalingon naman ako ng marinig iyon at nakita ang isang lalaki na may kulay berde na mata at may buhat-buhat na bata

kulay violet yung mata niya...

"Hi!" sigaw ko dun sa bata pero agad itong yumakap sa daddy niya

"Hi" bati ni daddy dun sa lalaki

"this is Jairah my daughter and Jada my wife" pagpapakilala sa'min ni daddy

"Hi po" bati ko sa kaniya

"oh! this may daughter, Pacifica Abigail Romero" pagpapakilala niya sa anak niya at humarap naman ito sa'min

"Hi po" mahinang bati nito bago bahagyang niyuko ang ulo

"violet talaga ang mata niya?" tanong ni mommy at tumango naman yung lalaki

"I am ayden" sabi nito

"Nice to meet you" masigla kong sabi sa kaniya at ginawa ang lagi kong nakikita na ginagawa ni mommy everytime na nasa office siya at yun ay ang shake hands

"Hey, Sea may playmate ka oh" sabi nito kay pacifica

"Laro tayo" sabi ko at binaba naman ako ni daddy ganun naman ang ginawa ni tito ayden kay pacifica

"tara!" sabi ko at hinawakan ang kamay nito at pumunta sa office ni tito Jack

"Tito!" sigaw ko at nilapitan naman niya at binuhat habang si pacifica ay nakatingin lang sa'min binaba naman ako ni tito

"who's this?" tanong nito ng lumuhod ito sa harap namin ni pacifica

"This is pacifica my friend" pagpapakilala ko sa kaniya

"H-hi" bati ni pacifica kay tito jack

"Violet eyes, you must be sea" sabi nito at tinignan naman siya ni pacifica

"you know me po?" tanong nito at tumango naman si tito jack

"yeah...your sea romero anak ni ayden romero-"

"and kaibigan ko" pagputol ko sa sasabihin ni tito

"yeah and kaibigan ni Jairah trinidad" sabi nito

"dun kayo maglaro" sabi nito sabay turo dun sa isang space sa labas ng office

"anong gusto mong laruin?" tanong ko sa kaniya pero tinitigan lang niya ako

"okay ka lang ba?" tanong ko

"O-Oo" sagot niya

"habulan tayo" sabi ko "taya!" sigaw ko at dinikit ang palad ako sa balikat niya bago tumakbo

Habang tumatakbo ay nilingon ko naman siya at nakita na naglalakad lang siya

"bakit ka naglalakad! tumakbo ka!" sigaw ko bago muling tumakbo

Muli ko naman siyang nilingon at nakita na naglalakad pa din siya papunta sa'kin kaya naman agad ko siyang nilapitan

"bakit ba ayaw mong tumakbo?" tanong ko at tinignan naman niya ako bago tinuro ang paa niya na may benda

"ano nangyari?" tanong at lumuhod para tignan yun

"n-nahulog ako-"

"okay ka lang ba?" tanong ko at tumango naman siya

"namumula mo yung pisngi mo, pagod ka na ba?" tanong ko at muli naman siyang tumango

"Halika dun" sabi ko at inalalayan ko naman siya maglakad

"kung may benda yung paa mo, bakit hindi mo sinabi sa'kin? edi sana hindi kita pinatakbo" sabi ko

"bawal ako tumanggi" sagot niya ng maiupo ko na siya sa may semento sa labas ng office ni tito jack at sinandal siya sa pader

"puwede kang tumanggi, lalo pag ayaw mo o kaya hindi puwede" sabi ko

"hindi mo puwedeng gawin lahat ng gusto ng ibang tao, dapat sundin mo kung anong gusto mo at alamin mo kung kaya mo o hindi" dagdag ko at tumango naman siya. umupo naman ako sa tabi niya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya

"ang ganda ng mata mo" sabi ko

"k-kulang sa melanin" sabi niya "maganda naman kahit ganun, kung ano man yung melanin" sabi ko at ngumiti naman siya

"nandito lang pala kayo"

"mommy!" sigaw ko at umupo naman ito sa tabi ko at binigyan ako ng zesto

"ito sea oh" sabi nito at inabutan din si pacifica

"t-thank y-you po" sabi nito at ngumiti naman ito

"favorite ko yung mango ikaw anong favorite flavor mo?" tanong ko kay pacifica

"strawberry" sagot nito

"mali pala yung flavor na nakuha ko" sabi ni mommy at napatingin naman ako sa iniinom ni pacifica at nakita na apple ito

"O-okay lang po" sabi nito kay mommy 

Tinalikod naman ni mommy si pacifica sa kaniya at tinali ang buhok nito

"ayan" ani ni mommy at tinignan ko naman si pacifica

"mas maganda pala pag nakatali yung buhok mo eh" sabi ni mommy

"t-thank you po" sabi ni pacifica bago nilingon si mommy at niyakap ito

"oh you're welcome" sabi ni mommy bago niyakap si pacifica pabalik

"mommy lalaro lang kami" sabi ko at tumayo naman na si mommy at iniwan na kami

"tagu-taguan tayo" sabi ko kay pacifica at tumango naman siya

"ako muna taya, magtago ka na" dagdag ko bago humarap sa pader at tinakpan ang mata ko

"tagu-taguan maliwanag ang buwan, pag bilang kong tatlo nakatago na kayo, isa dalawa tatlo" lumingon naman na ako matapos kong sabihin yun at nagsimula ng hanapin si pacifica

"sea!" sigaw ko at unang tinignan ang office ni tito jack pero wala siya dun

"sea" bangit ko ulit sa pangalan niya at muli siyang tinignan sa sumunod na opisina at sa sumunod pa

Nang hindi ko pa rin siya nahahanap ay sinunod ko na ang office nina daddy at tito ayden

"yes, jai may kailangan ka?" tanong ni tito ayden sa'kin

"wala po" sagot ko at nagsimula na ulit sa paghanap kay pacifica

"sea! sea!" sigaw ko at pumunta na training ground

"jai, bawal ka dito" sabi ni tito jack at tumango na lang ako bago muling hinanap si pacifica

Pumunta na muna ako ng banyo para mag-cr at sakto naman dahil paglabas ko ng cubicle ay nakita ko si abi na nakatayo sa may lababo

"sea..." ani ko at humarap naman siya sa'kin

"I found you..." ani ko bago kinurot ang pisngi niya

Happiness in EspañiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon