Chapter 2: Comport

JAIRAH'S POV

Makalipas ang ilang taon ay nanatili kaming magkaibigan ni abi. balak din ng mga magulang namin na next year ay sa iisang school na lang kami pag-aralin sa Lakewood University

"Sea!" sigaw ko ng makita si abi na pinapanood sina daddy na nag-te-training

"H-hi" bati niya sa'kin ng maka-upo na ako sa tabi niya

"ito oh" sabi ko at inabot sa kaniya yung strawberry flavored na zesto

"t-thank you" sabi niya at umupo naman ako sa tabi niya at inuman na din yung zesto ko

"bakit ba lagi kang nauutal? may problema ka ba sa pagsasalita?" tanong ko sa kaniya

"d-di ko din alam" sagot niya

"kinakabahan ka ba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya

"Ohhhh, di ka naman dapat kabahan eh" sabi ko at inakbayan siya bago tumingin sa mga mata niya

"maganda siguro ang mommy mo" sabi ko sa kaniya

"yeah..." sabi niya at ngumiti

"Sea" napalingon naman kami dun at nakita ang daddy niya

Tumayo naman kami at nilapitan si tito ayden

"Hi tito" bati ko 

"nandito mommy mo" sabi nito kaya abi at humarap naman si tito ayden at bumungad sa'min ang mommy ni abi

"Hi po" bati ko sa kaniya

"Hi..." ani nito at hinalikan naman niya si abi sa pisngi

sabi ni abi dati violet daw ang mata ng mommy niya pero bakit kulay brown ang nakikita ko

"ano pong color ng mata niyo?" tanong ko "it's brown" sagot nito

"anong name mo?" tanong nito "jairah po" sagot ko at tinignan ko naman si abi

"you liar" paglabi ko sa kaniya

"Huh?" tanong niya

nagpaalam naman kami ng mga magulang niya at agad ko namang hinawakan ang kamay niya para ilayo siya dun

"sabi mo violet ang mata ng mommy mo, eh brown naman ang kaniya eh" sabi ko at nagkibitbalikat naman siya

"Gusto mo mag laro ulit?" tanong ko at tumango naman siya

"since may pilay ka pa din, tagu-taguan na lang ulit" sabi ko at tinakpan ko naman na ang mga mata ko habang siya naman ay nagsimula ng magtago

Nagsimula naman na akong maghanap at katulad nung una naming laro ay nahirapan na naman akong hanapin siya

magaling siyang magtago

Makalipas ang ilang minuto hindi ko pa rin nahahanap si abi

"Oh! hi" bati sa'kin ng mommy ni abi ng magkasalubong kami ng dumaan ako sa opisina ni tito ayden

"hello po..." bati ko pabalik at nagsimula na ulit maghanap

Maya-maya pa ay pumunta na ako ng banyo para tignan kung nandun siya pero sa kasamaang palad ay wala siya dun

"tito..." pagtawag ko sa atensyon ni tito ayden at lahat naman sila ay napatingin sa'kin

"mahilig po ba is sea sa mga eroplano?" tanong ko at tumango naman si tito at umalis naman na ako dun at pumunta sa base ng air force

"I hate you!" rinig kong sigaw ng isang matinis na boses

"I hate you so much!" sigaw pa niya at ng silipin ko iyon ay nakita ko si abi na sumisigaw habang ang mga stealth

"Hindi ko naman ginusto to!" sigaw niya at nakita ko naman ang sugat sa likod niya na animoy pinalo ng ilang ulit

"sea..." ani ko at nilingon naman niya ako bago niyakap

"wag mo kong iiwan please" sabi niya habang umiiyak sa balikat ko

"Hindi...hindi kita iiwan" sabi ko at niyakap siya pabalik

"silong tayo dun" sabi ko at tumakbo naman kami sa isang shed dahil sa bigla na lang bumuhos ang ulan

"anong nangyari sa likod mo?" tanong ko habang nakasandal kami sa pader nung shed

Imbis na sagutin ako ay nanatili lang siyang nakayuko. hinawakan ko naman ang kamay niya

"nandito lang ako" sabi ko sa kaniya at tumignin sa langit

"alam mo ba kung bakit may pilay pa din ako kahit ilang taon na ang lumipas?" panimula niya at tinignan ko naman siya

5 years old kami ni abi ng magkita kami dito sa military base at ngayon ay 7 years old na kami at may pilay na naman siya sa kanang paa

"hindi mo naman kailangan sabihin-"

"hinuhulog ko yung sarili ko sa hagdan..." pagputol niya sa sasabihin ko

"akala ko kasi pag-gising ko nasa tabi ko si mommy para alagaan ako...pero wala eh"

"sabi ko baka busy lang siya kaya ginawa ko ulit, wala talaga eh" pagtapos niya

"naiinis ako sa sarili ko jai..." sabi niya bago tinakpan ang mga mata niya gamit ang palad at umiyak

"naiinis ako sa sarili kasi bakit ganito" dagdag niya at niyakap ko naman siya

"tama na sea...tama na" sabi ko para lang pakalmahin siya at hindi ko na rin maiwasan ang maiyak

"ahhhhhh!" sigaw niya kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya

"Sea? Jai?" napatingin naman ako dun at nakita si tito ayden at si daddy

Umayos naman ng upo si abi at pinunasan ang luha niya

"daddy!" sigaw niya sa isang masayang tono kaya naman nagtaka ako

"sea!" sigaw ni tito ayden bago kami lapitan at ganun na rin si daddy

"anong ginagawa niyo dito?" tanong ni daddy sa'min

"naglalaro po kasi kami eh biglang umulan kaya sumilong na muna kami" sabi ni abi at tumawa

Kanina lang...Ano bang nangyayari Sea

"daddy tara" sabi ni abi at hinila ang ama sa may ulanan

"okay ka lang ba? ba't umiiyak ka?" tanong ni daddy sa'kin pero imbis na sagutin siya ay nakatingin lang ako kay abi na masaya at tumatawa habang nakikipaglaro sa ama niya sa ulan

"Puwede bang...mag sleep over si sea sa bahay?" tanong ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko

"sure..." sagot niya bago ako halikan sa noo

"sea!" sigaw ko at sumama sa kanila at ganun na rin si daddy

"taya!" sigaw ko ng mahawakan ko si daddy agad naman niyang hinabol si tito ayden na buhat-buhat si abi

"daddy bilis!" sigaw ni abi habang tumatakbo ang daddy niya

"taya" sabi ni daddy ng mahawakan nito ang kamay ni abi

"daddy taya!" sabi ni abi ng mahawakan ang ama

"hoy! darioh" sigaw ni tito ayden at hinabol si daddy

"daddy! bilis ang bagal mo!" sigaw ko at binuhat naman ako ni daddy bago tumakbo

Maya-maya pa ay nagpahinga na muna kami bago pumunta sa office ni tito ayden at kumuha ng mga towel at para mapalitan ang benda ni abi sa paa

"mag sleep-over ka sa bahay" sabi ko kay abi at tumingin naman ito kay tito ayden

"sure you can go" sabi ni tito ayden

"yes!" sigaw ko at niyakap si abi

Napatingin naman samin sina daddy at tito ayden ng sabay kaming bumahing ni abi

"ayan na...ayan na" sabi ni daddy

"kinabukasan sakit na yan" sabi ni tito ayden at tumango naman si daddy bago ako binuhat at pinalitan na ng damit

"see you sa bahay!" sigaw ko kay abi ng sasakay na kami sa sasakyan namin

"see you!" sigaw niya bago kawayan at sumakay papasok sa sasakyan nila

Happiness in EspañiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon