Ang Simula

166 6 1
                                    

Chapter 1

Hindi ko kasalanan kung bakit naging nerdy ako. Ang mga tao kasi, nakasalamin lang, nakabraces lang, at hindi lang ma-porma, nerd agad-agad. Hindi ba pwedeng nakasalamin ako kasi malabo ang mata ko, nakabraces ako kasi may sungki ang ngipin ko at hindi ako maporma kasi gusto kong simple lang ako? Hindi ba pwedeng ganon? Hindi naman ako nerd eh, tahimik lang talaga ako at nasa isang sulok,  nakatungo. 

Oh, ayan, nakatingin nanaman sila sa'kin, na para bang may HIV ako. Nakatungo na lang ako na naglakad hanggang sa pinakadulong mesa sa library. 

May kumalabit sa'kin. Iniangat ko 'yung tingin ko, may nginunguso ang bessy kong si Jiosa na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

Dug. Dug. Dug.

Heart beats fast. Sa isang tao lang tumitibok ang puso ko ng ganyang kalakas at kabilis, kay Gabb lang.

Nakanganga si Jiosa sa tabi ko.  Paano ba naman kasi palapit sa table namin ang ultimate crush ko. Napakapit ako ng mahigpit sa palda ko, napatingin siya sa gawi ko at nagtama ang paningin namin. Biglang naging slow motion ang lahat, totoo pa lang may ganitong moments tulad na lamang nang una ko siyang nakita noong first year highschool kami.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Kalma lang, heart. Malapit na siya. Finally, napansin niya na rin ako. Finally, magkakaroon na ng katuparan ang pangarap kung maging kami. Nakangiti siya sa'kin. Finally, nginitian niya na ako ng matamis. Finally...

"Dude! Anong balita?"

Naputol bigla ang magical moment. Hindi pala ako yung nginingitian niya kundi yung mga barkada niya na nakaupo sa kabilang mesa.

"Grabeh, bessy. Ang epic ng lovelife mo, EPIC FAIL!" Nang-aasar na disappointed na sabi ni Jiosa.

Akala ko talaga 'yun na 'yun. Akala ko, finally, napansin niya na ako. Pero kasi yung ngiti, parang para sa'kin 'yun. Baka nga natorpe lang siya. Willing naman akong maghintay hanggang masabi niya na sa'kin na mahal niya din ako.

"Huwag kang ganyan, Jiosa. Kami ang para sa isa't isa, kami ang nakatadhana, at kami ang magpapatunay na may forever." Mahinang sabi ko, baka may makarinig maliban sa'min ni Jiosa.

"Anong petsa na oh, V-day na bukas pero wala pa ring nangyayari sa lovelife mo."

"Tiwala lang. Magiging kami rin, hindi man ngayon, malay mo bukas."

"Grabeh iyang pagsintang pururot mo para kay Gabb. Fourth year na tayo hindi ka pa rin nagkakaboyfriend kakahintay na lapitan ka niya, pero anong nangyayari, wala! Dumamoves ka din kasi hindi ganyang super antay ka pero conservative ka pala. Haynaku. Magbigte ka na!" tumayo si bessy at iniwan ako. Siya pa 'tong frustrated sa lovelife ko. Ako nga hindi nagrereklamo. Kaya ko namang maghintay hanggang finally, magkagusto rin  siya sa'kin.

Tumayo na nga rin ako at nagmamadaling sinundan si bessy palabas ng library. May nakikita akong maraming hearts sa paligid, malamang eh besperas ng Valentines day ngayon. Gusto kong mainggit sa sweet couples na nadaraanan ko pero 'wag na pala may Gabb na ako. Magiging couple din kami. Tiwala lang, Shaira!

Ang bilis naman yata mag-lakad ni Jiosa at nawala na sa paningin ko. Ang isang 'yun talaga.

Nag-ring na ang bell. Hudyat na tapos na ang study period at oras na para sa next subject namin, Physics. Kaya nagmamadali na akong tumakbo papunta sa classroom namin, muntikan pa akong matisod ng malaking bato kasi sa may garden ako dumaan para short cut. Buti na lang at nakaabot pa ako dahil papasok pa lang classroom si Mrs. Anderson, Physics teacher namin.

Nagbigay lang si Mrs. Anderson ng pointers para sa long quiz sa monday at hinayaan na kaming magliwaliw dahil tutal naman daw besperas ng Valentines, gamitin na namin ang time para makapag-tapat sa crushes namin. Kung pwede lang, ginawa ko na. Yung mga kaklase ko naman ayun, kanya kanyang diskarte sa mga nililigawan at gusto nila. May nangharana, nagbigay ng flowers at chocolates, at kung anu-ano pang pakulo para sa araw ng mga puso. Excited sila, bukas pa kaya V-Day.  Nanahimik na lang ako sa upuan habang nagsusulat ng kung anu-ano sa notebook ko.

"Shaira!" May tumawag sa'kin, si Vincent na isa sa mga kabarkada ni Gabb.

"Bakit?" tanong ko. Bibihira ang pagkakataong kinakausap ako ng mga classmate ko. Nakakalungkot nga at hindi kami sa iisang section ni bessy this school year.

"Kakausapin ka daw ni Gabb."

"Ano?" tanong ko baka namamali lang ako ng dinig.

"Sabi ko, kakausapin ka ni Gabb."

"Huh? E-eh b-bakit n-na-na-nam niya a-ako kakausapin?" Nabubol kong tanong kasi naman nakatitig sa'kin si Gabb na nakalean doon sa may wall ng classroom namin sa may last row seats. Ang pogi niya talaga, nang-aangkit yung singkit niyang mga mata.

"Basta lapitan mo na lang siya."

"Sige," tanging naisagot ko.

Lord, eto na po ba 'yung moment na pinakaaantay ko?

Nakatungong naglakad ako sa banda kung nasaan si Gabb. Nahihiya ako na kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Shaira, may gusto ka ba sa'kin?" Hindi ko inaasahang ganun ang magiging bungad na tanong sa'kin ni Gabb. Naramdaman kong nag-iinit yung magkabilang pisngi ko.

"I'm taking that as a yes. Mag-date tayo bukas." Swabeng sabi ni Gabb at may inabot na kapirasong papel sa'kin.

Langit, lupa, impyerno! Bukas katapusan na ba ng mundo?

"Ano 'to?" tanong ko ng magsink-in sa utak ko ang nagyayari. Gusto kong magsisigaw sa tuwa. Ito na yung moment na 'yun, 'yung pinakakaantay ko.

"Ticket yan."

Nakasulat sa ticket yung number tsaka VALENTINE'S FAIR GAME.

"Ticket saan?" Hindi ko kasi alam kung anong ticket.

"Ticket 'yan papasok sa puso ko."

Dug. Dug. Dug. Dug.

MAHAL NIYA RIN AKO. ❤❤❤
Pwede na akong mamatay.

---

Author's Note: Happy Valentine's Day! :)

Ms. Assuming Meets Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon