Dream Date: Part 1

55 5 1
                                    

Chapter 3

Sa sobrang excited ko sa date namin ni Gabb ngayon ay mulat ako hanggang hating gabi, napuyat tuloy ako at nahuli ng gising. Nakakahiya dahil pagkagising ko ay siyang katok naman ni mama sa kwarto ko para sabihing nasa baba na si Gabb my prince charming, inaantay ako.

"Ma, wait lang pakisabi. Mabilis lang ako." Agad kong tinungo ang banyo at naligo. Baka umalis bigla si Gabb kapag nainip kakahintay sa'kin. Ang dami kong naiisip na posibleng mangyari sa date namin mamaya. Before kasi kami magdate ay papanoorin ko muna ang game nila. Varsity member kasi si Gabb sa basketball team ng school namin. May friendly game sila today with Saint Joseph Academy.

Binilisan ko na nga ang pagkilos baka mainip ang prince charming ko. Base pa naman sa observation ko ay may pagkamainipin si Gabb.

After 25 minutes ay ready na din ako. Simple lang ang get up ko, jeans lang tas yung favorite kong polo-shirt. I look fine naman ng tingnan ko ang sarili ko sa salamin. Itsurang nerd pa rin naman. Wala namang bago, 'yung pisngi ko lang na matik na namumula tuwing maiisip si Gabb at ang puso kong feeling racer sa lakas ng kabog.

"Sorry kong napaghintay kita," bungad ko kay Gabb na nasa sala at nagbubuklat ng family album namin. Nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti sa'kin. Biglang slow motion ang lahat. Parang huminto ang oras at ang buong mundo at kaming dalawa lang ang tao. Ang gwapo ni Gabb sa suot niya, ang hot at yummy pa.

"Goodmorning, baby. Pasensiya ka na kung maaga kitang sinundo. Excited kasi ako sa date natin."

Muntikan ng malalag ang panty ko sa muling pagngiti niya sa'kin. Kaytagal kong inasam na ngitian niya ng ganyan. Nakakapanghina pala ang kiligin baka mamaya ikamatay ko pa 'to.

"Excited din naman ako." Nahihiyang pag-amin ko.

"I'll make you the happiest today, baby." Kinilig ako sobra sa sinabi niya. Hihimatayin yata ako, hindi ko lubos maisip na kami na ng ultimate crush at magdedate kami ngayon araw mismo ng mga puso.

Naku! Naku! Yung puso ko, malalaglag na. Bakit ba kasi ganito ang epekto ng simpleng paghawak ni Gabb sa kamay ko. Hindi pala simple 'to kasi pangarap ko 'to, ang mahawakan niya ang kamay ko ng ganito kahigpit.

"Baby, ano favorite food mo?" tanong ni Gabb na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay ko. His hand perfectly fits with mine. Tadhana talaga kami at meant to be together forever.

Nasa loob kami ng sasakyan. Mayaman pala sila Gabb. Nagulat nga ako kanina, I thought maglalakad lang kami hanggang school pero pag labas namin ay may naghihintay ng magarang kotse at may driver pa na englishero.

"Pansit, baby." Nahihiya pa akong tawagin siyang baby.

"Bakit naman pansit, baby?"

"Kasi pampahaba daw iyon ng buhay." Sagot ko. Talaga bang nag-uusap kami ng ganito na parang kami na eversince. Unti-unting natutupad ang mga pangarap ko.

"From now on, pansit na rin ang favorite food ko, baby." Kyaaaa! Kailangan ba talagang palaging may baby? Kilig meter: 10000000000.

"Bakit naman?"

"Para humaba ang buhay ko. Para mahaba rin ang panahon na makakasama kita."

RIP, Shaira. Namatay sa kilig.

Noon, nilalagpas lagpasan niya lang ako, pero ngayon magkahawak kamay na kami at nagkukwentuhan. Natitigan ko na siya ng malapitan, yung mata niya na kay pungay, yung pisngi niya na kay sarap pisilin, at yung kamay niya na ikakaatake ng puso ko sa sobrang higpit ng hawak.

Ngumiti lang ako. Deep inside gusto ko ng mag-head bang sa kilig. Yung puso ko, leading na sa karera sa loob ng dibdib ko.

"Baby, alam mo bang lahat mali?"

"Huh?"

"Ikaw lang kasi ang tama na nag-eexist sa mundo ko."

Hanggang mamaya patay na talaga ako sa kilig.

Buti na lang nakarating na kami ng school. It's Valentines Day at kasama ko si Gabb. Wala ng mas piperfect pa sa moment na 'to.

Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan, parang may kuryente sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin. I know, it's Gabb. Siya talaga ang nakatadhana sa'kin.

Napupuno ng hearts ang paligid, ang saya sa paningin ng mga pulang puso na nakakalat sa paligid. Madami ding booths para sa Valentines Fair this year, iba iba mula sa Marraige booth, Love booth to Dedication booth.

May lumapit na schoolmate ko sa'kin.

"May nagpapabigay po." Inabot niya sa'kin ang isang bouquet of red roses. Nag-alangan pa akong tanggapin.

"Sa'kin galing 'yan."

Nalaglag na ng tuluyan yung puso ko sa sinabi ni Gabb. How sweet! Langgam is in the air. Tinanggap ko na yung bulaklak.

"Thank you."

May card pang nandun. Binasa ko.

You got that smile that only heaven can knows...

❤Gabb

Napangiti ako. Ganun pala ang tingin ni Gabb sa ngiti ko. Pero bakit kaya ngayon lang niya ginawa to. Classmates kami from first year to fourth year, edi sana matagal na kaming naging masaya at matagal na din sana natupad ang mga pangarap ko.

"Baby, may surprise pa ako sa'yo. Tyaran... !" Another kilig hit. Hawak hawak niya ang dalawang damit, couple shirts. Yung isa may nakaprint na I'M THE BOSS at yung isa naman ay I'M HER SLAVE.

"Tig-isa tayo. Susuotin natin mamaya after the game."

"Thank you." Hindi ko alam kung ano sasabihin ko maliban sa thank you. Gusto kong mag-ILoveYou pero nahihiya ako.

"Thank you lang, baby?" Nakangiting tanong ni Gabb at itinuro ang kanang pisngi niya. Gets ko naman ang gustong mangyari ni Gabb, pero kaya ko ba? Baka magcollapse ako bigla sa kilig.

Pikit-mata...

Kinakabahan...

Dumapo yung nguso ko sa pisngi niya. Kyaaaa. I'm on cloud nine.

Thank you God sa blessing.

Kahit kunin niyo ako ngayon hindi ako magrereklamo, pero next tine na lang pala, may date pa kami ng baby ko.

Baby Gabb is hart hart hart. ❤❤❤

Ms. Assuming Meets Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon