Labyu Daw

124 7 0
                                    

Chapter 2

"Bessy! Niyaya niya ako mag-date! Pwede na akong mamatay! Pwede na kong kunin ni Lord! Dininig niya na ang matagal ko nang dinadasal!"

Nag-dududa yung tingin sa'kin ni Jiosa.

"Sure kang niyaya ka niya mag-date o baka naman guniguni mo lang 'yun? Ano ba Shai, tigilan mo nga paghampas sa'kin." Hindi ko mapigilan eh, kinikilig ako.

"Hihimatayin ba ako kung hindi totoo? Nagsisimula na ang forever namin, bessy. I told you, gusto niya rin ako. Mahal niya rin ako."
Kanina bigla na lang akong nahimatay at pagkamulat ko ng mata ko ay nasa clinic na ako. Kayo na lang ang yayain ng ultimate crush niyo na makipagdate sa kanya, yung crush mong araw araw na yata na ginawa ng diyos ay ini-stalk mo baka hindi lang kayo himatayin.

"Niyaya ka lang mag-date, mahal ka niya agad? Baka trip ka lang niya. Nakakapagtaka naman na bigla ka na lang niya napansin. I smell something so malansa."

"Alam mo kanina lang frustrated ka kasi walang nangyayari sa lovelife ko tapos ngayong may mangyayari na ang dami mo namang iniisip na kanegahan. Maging masaya ka na lang for me, bessy."

Nakakapagtaka nga pero naniniwala akong walang imposible, lalo na sa pag-ibig. Naniniwala akong kami ang nakatadhana para sa isa't isa. May forever, kami ni Gabb ang magpapatunay na may forever. Wag kayong bitter diyan.

"Nakakapag-duda lang kasi, bessy. Paano ka niya tinanong?"

Nilabas ko yung ticket sa bulsa ko at pinakita 'yun kay Jiosa. Nanlaki ang mata ni dyosa.
"Totoo ba 'to? Sino nagbigay sa'yo nito?"

"Oo, ticket daw 'yan papasok sa puso niya." Waahhh! Kinikilig nanaman ako. Ang sweet niya, kasing sweet ng candy.

"Alam mo bang limited ang ganyang ticket para sa friendly game ng HAA at SJA? Nakakainggit ka naman, bessy!"

Sinaway kami ng nurse dahil ang ingay daw namin. Si bessy kasi nagtitili ng makita 'yung ticket na bigay sa'kin ni Gabb. 

Bumukas ang pinto at may tatlong prinsipe ang iniluwa nun. Syempre ang pinakagwapo ay ang prince charming ko.

"Hi, baby!" Laglag panty ko, laglag panga ni bessy ko. Binati lang naman ako ni Gabb ko.

"Bessy, kurutin mo nga ako dali. Arayy~" kinurot nga ako ni Jiosa. Totoo nga nasa harapan ko si Gabb.

"Okay ka na? Akala ko hindi pa matutuloy ang date natin bukas." Sabi ni Gabb at dinaiti yung kamay niya sa may noo ko.

"Bessy, uwi na ako hah." Biglang nagpaalam si Jiosa nauuwi na at basta na lang lumabas ng clinic.

"Ang cute ng friend mo, Shaira. Anong pangalan niya? Pahinge naman ng number." Nakangiting tanong ni Clark, isa sa mga barkada ni Gabb.

"Namamanyak ka nanaman, Clark." Binatukan ni Joseph si Clark.

"Namu, sakit nun. Type ko eh."

"Ingay! Istorbo kayo sa'min ng baby ko. Tara na nga baby, hatid kita sa inyo." Tamang hindi lang ako makapagsalita sa takbo ng nangyayari. Kung panaginip 'to, gisingin niyo na ako baka bangungutin ako.

"Naks, baby baby ohh!" pang-aasar ng dalawa kay Gabb.

Inalalayan naman ko ni Gabb palabas ng clinic. Perfect gentleman talaga siya. Chancing din 'to kasi hinahawakan niya braso ko. Bitbit pa niya bag ko, kiligmatch na ito.

Hinatid niya nga ako hanggang sa bahay. Napanis ang laway ko dahil hindi ako makapagsalita kanina. Ninamnam ko lang yung moment na magkasama kami. Nagtaka pa nga ako kung bakit alam ni Gabb ang bahay namin. Tinanong ko siya, sabi niya madami daw siyang sources. Kahit matagal ko na siyang kilala since classmates kami mula first year ay napansin kong may pagkamadaldal pala si Gabb. Ang dami niyang kwento.

Patulog na sana ako nang biglang tumunog ng pagkalakas lakas yung celphone ko.

"Yes, hello?" Unknown number kasi ang nakarehistro sa screen.

[Baby, don't forget may date tayo bukas.] Muntikan kong mabitawan yung phone ko kasi nagulat ako sa boses ni Gabb. Ang cute talaga ng voice niya.

"Ah-h o-oo naman, Gabb." 'Yan nanaman yung pagkabulol ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

[Goodnight. Labyu, baby.]

Nabitawan ko na nga 'yung phone ko. Nag-labyu siya sa'kin. Ang saya ko, magpapakain ako. Libre ko kayo.

KAMI NA!

---

Author's Note: Happy Puso Day! Bawal ampalaya today. Haha. ❤❤❤

Ms. Assuming Meets Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon