Chapter 6-Gael's Love

75 0 0
                                    

Gael's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.Maya maya pa ay tinapik ni Lucas ang balikat ko dahil nakita nya akong malungkot.

"Brad,problema?"tanong nya sa akin.

"Nakita ko si Sam"sagot ko dito,hindi ko alam Kung bakit Hindi ko masabi-sabi kay Lucas Yung nakita ko kanina.

"Brad,tulog ka ba,lagi mo namang nakikita sa Sam"papilosopong Sabi nya sa akin.

"Alam ko,pero hindi Yun Ang ibig Kong sabihin"sambit ko Kay Lucas.

"Brad,alam mo,sampung taon na kitang kilala,sampung taon na kitang kasama at sampung taon ko na din kabisado yang ugali mo,ngayon ko ayaw mong sabihin sa akin Kung ano Yung nakita mo,ok lang,hindi kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo banggitin"sambit nya"at Ito Ang tatandaan mo,ano mang mangyari nandito ako,handang makinig at magbigay NG payo sayo kahit Ang tigas ng ulo mo at hindi ka nakikinig"dagdag nya pa.

Pero bago man sya tumayo ay pinaupo ka muna ulit sya,at sumunod Naman sya.Dahil sa sinabi ni Lucas para bang may multong sumapi sa akin at sinabing sabihin ko na Yung problema ko.

"Bakit?"tanong nya sa akin.

"Lucas,nakita ko si Joshua hinalikan si Sam"sambit ko dito.

"Anong ginawa mo?"tanong nya sa akin.

"Wala"sagot ko.

"Brad,nakita mo ba yung buong pangyayari?"tanong nya muli.

"Hindi"sagot ko.

"Gael,Hindi Naman pala eh,kaya wag kang mag-isip nang Kung ano-ano"paliwanag nya"at Isa pa malay mo"hindi nya tinuloy Ang nais nyang sabihin.

Hindi ko na lamang ikinuwento pa ang iba kong nakita kanina.

"Gael,may bisita ka"sambit ni Lucas sa akin.

Pagharap ko kay Lucas ay nakita ko ang isang babaeng naka-shades,Hindi ko sya mamukaan Kaya tinggal nya Ang suot nyang shades.

"Gael,it's me"sambit nya.

"Alex?"tanong ko.

"Oo"sagot nya.

"Alex?"tanong Naman ni Lucas.

"Paulit-ulit"sambit nito.

Pinaupo muna namin si Alex at pumunta ng kusina si Lucas para ikuha sya nang maiinom.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.

"Well,kauuwi ko lang kahapon from LA,tapos I plan to see Sam kanina pero busy daw sya,kaya pumunta nalang ako dito"paliwanag nya.

"Ahhh,nakita mo na ba si Sam ngayon?"tanong ko.

"Gael,Sabi ko kanina,I planned to meet Sam kanina,nakikinig ka ba?"tanong nya.

"Pasensya na"sambit ko dito.Hindi lang ako makapaniwala na hindi sumipot si Sam kay Alex eh matalik na magkaibigan 'tong dalawang 'to since college.

"By the way,how are you?"tanong nya sa akin.

"I'm fine"sagot ko"kailan mo balak makipag kita Kay Sam ulit?"tanong ko.

"Ahmm,siguro kapag free na ako"sagot nya"bakit?"tanong nya.

Hindi ko nalang sinagot si Alex sa tanong nya dahil dumating na si Lucas.Pumunta muna ako ng restroom.

"Gael,do you still love Sam?"tanong ko sa sarili ko.Mahal ko si Sam pero Yung nakita ko sila kanina ni Joshua para bang bumagsak ang langit sa akin.

Endless LoveWhere stories live. Discover now