Chapter 15-We meet again

59 0 0
                                    

Samantha's POV
Pumunta kami ni Anna sa mall para man lang makapag-bonding bonding ng kaming dalawa lang.Pumasok kami sa Department Store at tamang Tama naman na nandoon din sila Gael kasama Ang anak nila.

"Universe Naman,bakit ngayon pa pwede Naman sa ibang araw nalang,ok na ako eh,naka move on na ako"Sabi ko sa sarili ko.

"Ate,si Gael yun diba?"tanong ni Anna.

"Oo,wag mo nang tignan dumeretso ka nalang"utos ko sa kanya,para kunwari eh Hindi namin sila nakita.

"Sam"tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Huminga ako ng malalim at nilingon ito.

"Sam,don't you remember me?"tanong nya.

"Oh,Andi Montefalco"sagot ko.

Buti nalang at nakisama si universe at Hindi sila Gael Ang nakakita sa akin.

"Ate Yvonne?"gulat na tanong ni Anna.

"Anna,she is one of our investor Andi Montefalco"sambit ko Kay Anna.

"Oh,is that Gael Del Mundo"sambit ni Andi"Gael"tawag nito sa kanya.

At talaga namang ganto Ang destiny ko ngayon universe,pero Wala na akong magagawa nandito na ako sa lugar na 'to eh.

Lumapit si Gael at ipinakilala ang kanyang asawa kay Andi.

"Anna,go ahead look for some stuff,magkita nalang tayo mamaya"bulong ko Kay Anna at umalis na sya.

"Sam,how are you?"tanong ni Gael.

Talaga namang tinanong pa nya ako ng ganun,ano klaseng araw 'to universe bakit ganto,karma ko ba 'to,may ginawa ba akong mali.

Well no choice kaya sinagot ko nalang din sya.

"I'm fine"sagot ko kay Gael,"ahm,excuse me I have to leave,my sister is waiting for me"dahilan ko para makaalis ako.

Pero Ang galing din ni universe.

"Oh your sister is too big enough she can handle her self,why don't we have some coffee"yaya sa Amin ni Andi.

Nakita ko na umalis muna si Alex feeling ko inutusan muna sya ni Gael na umalis.

"Sure"pagpayag ko,may choice ba ako.

Pumunta kami sa may coffee shop dito sa mall at umupo,dahil table for three,wala kaming choice kundi umupo sa apatang upuan dahil halos puno na Ang coffee shop at tamang Tama naman na katabi ko si Gael.My gosh universe Ito ba talaga Yung gusto mo Yung mahulog ako ulit sa taong kinalimutan ko,Yung masaktan ulit ako.

"Mam,sir,this is our menu"sambit ng waiter at binigay Ang menu sa Amin.

"Ms,Samantha?"tanong ng waiter,syempre anak ako ng isang lalaki na merong sikat na kompanya sa Pilipinas kaya kilala talaga ako ng ibang tao.

"Yes"sambit ko.

"Mam,asawa nyo po?"tanong ng waiter sabay turo kay Gael.

"Hindi,hindi ko Yan asawa"agad Kong sagot.

"Ah,pasensya na po"paghingi ng tawad ng waiter.

"Waiter,I want one slice of ube cheese cake and cappuccino"sambit ni Andi.

Andami talagang pagkakapareho ni Andi at ate Yvonne mahilig din kasi si ate Yvonne sa cappuccino at ube cheese cake,at itong lugar na 'to dito din kami pumupunta.

"How about you Sam,Gael?"tanong nya sa Amin.

"Oh,I just want one slice of cheese cake"sambit ko"ako naman bigyan mo Lang ako ng isang coffee latte"sambit ni Gael.

Bigla akong natuwa,dahil Yun din Yung iniinom ni Gael hanggang ngayon pa pala umininom parin sya ng coffee latte.

Maya maya ay dumating na ang order namin.

"Sam,kumakain ka pala ng cheese cake?"tanong ni Andi.

"Ah oo,ito nga Yung lagi naming kinakain ng ex-boyfriend ko naman,tsaka favorite ko rin kasi Ito"sagot ko.

"Oh,sinong boyfriend mo?"tanong nya.

"Wala na,actually I don't remember that he is my first love"sambit ko.

"Oh,may bago ka na bang boyfriend?"tanong nya muli.

"Wala pa,but someone courting me"sambit ko.

Tumingin ako Kay Gael at nakikita ko na para bang nagagalit na naiinis sya,kilala ko si Gael Kaya nyang itago Ang emosyon na nararamdaman nya,Kaya nyang Hindi ipakita ito sa iba.Kaya naka-ngiti Lang sya para Hindi mahalata ni Andi Ang nararamdaman nya.

Sa loob ba namin kasi ng anim na taon na naging mag-karelaayon kami ni Gael eh kabisado ko na Kung paano sya pakakalmahin,Kung ano Yung nararamdaman nya at Kung ano Ang iniisip nya,Yun nga Lang sa kasamang palad Hindi pala kami Ang itinadhana.

Endless LoveWhere stories live. Discover now