Chapter 43-The Destiny

66 1 0
                                    

Author's POV
Habang patuloy si Samantha sa pagtingin nya sa litrato nila ni Gael sa cellphone nya ay hindi nya namalayan na may humawak na sa balikat nya Kaya ng lingunin nya Ito.

"Ayyy,palaka"gulat na sambit ni Samantha."Rafael?"tanong ni Samantha.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Rafael at umupo sa tabi ni Samantha.

"Wala,gusto ko lang magpahangin"sagot ni Samantha at pinunasan ang luha sa mga Mata.

"'bat umiiyak ka?"tanong muli ni Rafael.

"Wala napuling lang ako"simpleng sagot nya.

"Hayy,hindi ka pa din talaga nagbabago,hanggang ngayon ayaw mo pa rin may makaalam tungkol sa love life mo"sambit ni Rafael.

Hindi maiwasan ni Samantha na yakapin si Rafael dahil kahit naman niloko sya ni Rafael ay naging mabuting boyfriend Naman si Rafael kay Samantha,at Kung tutu-usin unang heartbreak ni Samantha si Rafael nung mag-hiwalay silang dalawa.Kaya Naman napayakap si Samantha kay Rafael at nang-yakapin nya si Rafael ay agad na umiyak si Samantha dahil Hindi pa rin nya makalimutan ang away nila ni Gael kanina.

Habang magkayakap ang dalawa ay Hindi nila napansin na nakita sila ni Gael at dahil doon ay agad na pumunta si Gael sa kinaroroonan nila Samantha at Rafael,Hindi namalayan ni Samantha na nasa likod na pala nya si Gael kaya naman ng makita Ito ni Rafael ay idinistansya na nya agad ang sarili nya Kay Samantha.At nang maka-alis na si Samantha sa yakap ni Rafael ay nagulat sya ng biglang hilain ni Gael ang kamay nya dahilan para mapatayo si Samantha sa kinaroroonan nito.

"Gael"gulat na sambit ni Samantha.

Nang mapatayo si Rafael ay agad namang inilipat ni Gael si Samantha sa likuran nya at sinuntok nya agad si Rafael at nagulat si Samantha dahil sa pangyayaring Yun.

"Gael,tama na"awat ni Samantha sa boyfriend nya at hinawakan na nya ang kamay ni Gael at hinila papuntang sasakyan.

Nang maka-alis na sila ay nagsimula na Ang bangayan ng dalawa.

"Bakit mo kasama Yun?"agad na tanong ni Gael.

"Gael,it was just coincidence"sagot ni Samantha.

"Coincidence?wag mo nga akong gawing tanga Samantha"sigaw ni Gael.

"Gael,kung ayaw mong maniwala Hindi kita pipilitin para maniwala"sambit ni Samantha.

"Samantha,Alam Kong niloko kita,pero pwede ba wag mo akong lokohin"pagmamaka-awa ni Gael.

"Lokohin?seryoso ka ba?Gael,oo gusto Kong gumanti sayo dahil niloko mo na Naman ako, matatanggap ko pa Kung nung unang beses mo ako niloko,pero Gael again for the third time lolokohin mo na Naman ako.Ilang beses ba Ang target mo Gael?ilang beses mo pa ba ako lolokohin?"sigaw na tanong ni Samantha.

Huminto muna si Gael sa tabi para Hindi sila mabangga.

"Samantha,humingi ako sayo ng tawad"sambit ni Gael.

"Tawad?bakit yang tawad mo ba maitatama yung pagkakamali mo?maibabalik ba ng sorry mo yung tiwala ko sayo?"tanong ni Samantha.

"Samantha,isang beses Lang Yun,kailangan ko pa ba i-explain sayo?"tanong ni Gael.

"Bakit hindi ko kaya tanungin yung sarili mo?bakit hindi mo kaya itatak sa isip mo yung sinabi mo na pumayag ka na makasama si Jasmine ng dalawang gabi"sigaw muli ni Samantha.

"Samantha,hindi ko naman kasa---"Ang naputol na sambit ni Gael.

"Alam mo Gael,Wala na 'tong patutunguhan.Mabuti pa mag-usap nalang tayo kapag may matino ka nang sasabihin sa akin."sambit ni Samantha at bumaba na ng kotse.

Endless LoveWhere stories live. Discover now