Makulimlim na ang langit at mukhang uulan na naman. Kapag talagang nasa ber months na sunod sunod na ang bagyong darating, saan naman Kaya ako sisilong nito ngayon?
Patuloy kong tinahak ang makipot na daan para maka liko sa eskinita na dadaanan nang tricycle, dagdag pahirap pa tong sandamakmak na librong dala ko para sa reporting namin bukas. Kapag talaga nag kolehiyo kana ang dami nang ka ek ekan sa buhay! Hayyy nagugutom na ako asan kaya ako makakabili nang pagkain nito?
Saktong pag labas ko sa eskinita ay plaza na pala ako. Buti naman at dito na ako napadpad, gutom na gutom na talaga ako ehh. Nakangiti kong pinag mamasdan ang mga tinda, may kwek kwek, isaw, turon, squid roll, proven, buko juice at iba pa!
"Ate dalawang kwek kwek nga tapos squid roll, samahan niyo na rin po pala nang buko juice ate huh? With refill ba yan?" Nakangiting tanong ko Kay ate.
" Ayy! Opo ma'am with refill po yan " nakangiting tugod niya naman Kaya natawa nalang ako.
" Ito na po ma'am" sabay abot ni ate sa akin nang binili ko.
Nakangiti ko itong tinanggap
"Salamat ate, mukhang magiging suki niyo ako dito ahh ang sarap amoy palang"" Ay hahaha ito namang si ma'am nambola pa, pero sige balik ka dito bukas ilibre ko na sayo juice mo" nakangiti naman niyang turan.
" Yun ohhh! Hahaha naka libre na agad ako. Sige ate simula ngayon suki mo na ako" sambit ko habang dahan dahang kinagatan ang kwek kwek. Shemay ang init pala, hinipan ko muna bago muling sinubo.
Napatingin ako sa langit nang may pumatak na tubig sa braso ko. Mukhang uulan na yata, kailangan ko nang mag madaling umuwi sa apartment ko kung hindi nako asab ako sa ulan nito!
Nabitin sa ere ang pagkagat ko ulit nang pag lingon ko sa kanan ay may lalaking matangkad, maputi, at nakatingin sa malayo na naka upo sa pa oblong na bench nang plaza. Mukhang malalim ang iniisip nang isang to ano kaya ang problema nito?
Matagal ko siyang tinitigan nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Sinalubong ako nang kulay asul niyang mga mata. Imbes na mahiya at mag iwas nang tingin ay Nginitian ko nalang siya... At hindi ko inaasahang ngingiti siya pabalik!
" HOY! LEXIE ARAYELLAH! NAKIKINIG KABA?! BAT ANG LUTANG MO NA NAMAN NGAYON HUH! ANO NAKAKAKITA KA NA NAMAN BA NANG MULTO?!"
Napaayos ako nang upo nang biglang hampasin nang pinsan ko ang lamesa at talakan ako nang talakan. Napa kurap kurap muna ako bago bumalik sa realiadad.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan, may naisip lang, ito naman napaka OA!" Naiinis na sambit ko sa kanya.
" Hoy! Lexie Arayellah Valle ipapaalala ko lang sayo na nandito tayo para pag usapan ang renovation nang resort mo at hindi para mang ghost trip! kaya umayos ka kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman sumasagot!"
" A-ano, may nakita lang" sabi ko sabay iwas nang tingin. Chismosa ang isang to kaya hindi na ako magtataka kung mag uusisa na naman siya, dahil pag kain yan nang kaluluwa niya!
" Sino? Multo! Hoyy! Ano ba nakakatakot ka naman ehh! Ano ba yan" nanghihintakutan kunyaring sambit niya at sumiksik sa gilid ko.
Napaka OA naman talaga nang isang to.Uminom ako sa inorder kung kape at tumingin ulit sa likuran niya, iiwas ko na sana aking paningin nang mag angat nang mata ang nag iisang lalaki sa lugar na iyon na nag mamay ari nang asul na mga mata. Para akong tumakbo nang milya milaya sa lakas nang tibok nang puso ko.
It's been 5 years yet the feelings still the same, walang nag babago kailan kaya ako makakahon nito?Nagugulat niya akong tinitigan, nabitin ang ngiti ko na igagawad sana sa kanya nang bigla niya akong pagkunutan nang noo at umiwas nang tingin.
"Hoy! Ano sabi Ang tinitingnan mo diyaan sa likod! Multo ba-..." Hindi niya natuloy ang sasabihin nang paglingon niya ay..
"Ayy multo nang nakaraan pala" nang aasar niyang sambit bago bumaling sa akin." Infairness ang ganda talaga nang fiance niya no?" Nang aasar pa lalong dagdag niya.
I sigh heavily and look at my cousin flatly. I agree he had a very sophisticated, gorgeous, and rich fiancee. Sobrang layo sa isang tulad kong simpleng tao lang naman.
I sigh heavily when all the memories in the past drown my mind again.
It all started with a SMILE and end with a CRY.
BINABASA MO ANG
It all Started with a Series 2: It's all started with a SMILE
RomancePeace started with a SMILE. That is why LEXIE ARAYELLAH always smiled in every person she encounter. Then she meet a mysterious blue eyed guy whom she mistaken to a poor student. Lexie feel inlove to Ion Daive Storm in the process of knowing him...