⚠️ : Be aware, there are technical and mechanical errors ahead.
╱╳╲
❝ Hindi Na Ako❞
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako
Syempre may mga araw din na nalulungkot ako
Katulad nalang ngayon nandito ako sa may bintana
Nagmumuni muni at nagbabalik tanaw ng ating mga ala-ala
Na nakapagpasaya sa akin nung mga panahong tayo pa
At nakakasakit sa akin ngayong tayo'y tapos na
Hindi ko rin alam kung bakit binabalik balikan ko pa ang mga ito
Kahit alam ko naman sa sarili ko na mayroon ka nang bago
Alam kong kailangan ko nang ibaon sa limot itong aking pag-ibig
Pero ewan ko ba hindi ko ito magawa kahit hindi na ako ang iyong iniibig♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ January 28, 2021