CHAPTER 45: REVELATION
NAMSHEN
"You already know the truth." gulat na wika ni Tita Agnes matapos ko na itanong kung ano ang naging dahilan para magkaroon ng sakit si Oyan.
Umiwas ng tingin si Tita Agnes at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga damit. Mas lumapit ako sa puwesto niya at pinakiramdaman ang mga galaw nito.
"May kinalaman ba ako kaya lumabas ang sakit ni Oyan? Kung meron, bakit po? Ano po ang kinalaman ko sa pagkakaroon niya ng sakit?" puno ng pagtataka na tanong ko.
Pilit na umiiwas si Tita Agnes na harapin ako kaya hinawakan ko siya sa balikat.
"Tita Agnes, please. Ayokong mabuhay na puno ng pagtatanong. Gusto kong malaman kung bakit, bakit may nakita akong larawan ng apat na lalake sa kwarto ni Oyan at may isinama sa drawing.. Isang babae na kamukha ko." pagku-kwento ko ng mga bagay na nakita ko nuong unang beses na nakapasok ako sa kwarto ni Oyan.
Nang sabihin ko iyon ay mukhang naliwanagan si Tita Agnes at siya na mismo ang humarap sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata bago hinawakan ang isang braso ko at inalalayan ako sa sofa.
Mabuti na lang at walang tao kaya walang makakarinig kung ano ang mga pag-uusapan namin.
Nanatili siyang nakaharap sa akin ngunit may distansya sa kinauupuan naming dalawa. Mukhang hindi siya komportable na sabihin ang mga ikukwento niya sa akin.
"Matalik na magkaibigan sina Nicardo at ang ama ni Oyan na si Ronaldo. Kaya hindi nakapagtataka na naging magkaibigan ang mga pamilya ng Salvador at Cristobal. Nagkaroon ng apat na anak si Ronaldo sa kapatid kong si Miranda." panimula niya na pinagtaka ko.
"Apat? Ang kwento ni Oyan ay dalawa lang sila ng nakababata niyang kapatid." naguguluhang tanong ko.
Tipid na tumango si Tita Agnes.
"Dahil iyon ang pinaalala sa kanila ni Miranda. Matapos mamatay ni Ronaldo ay naging mas malapit ang pamilya niyo sa pamilya nila Oyan dahil ang ama mo ang tumutulong kay Miranda para mapamahalaan ang naiwang negosyo ng namayapa nitong asawa. Madalas kayong bumibisita sa bahay nila dahil iyon ang play time niyong magkakapatid. Ang makasama ang apat kong pamangkin ang pinakapahinga niyo kapag bakasyon o walang pasok." kita ko ang saya sa mga mata ni Tita Agnes habang nagku-kwento.Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya dahil wala akong maalala ngunit ramdam ko na may kulang sa alaala ko habang pinapakinggan siya.
"Naging kaibigan ng kambal na sina Rhoy at Prinz ang nakakatanda mong kapatid na si Nina dahil sila ang magkaka-edad. Samantalang kayong apat naman nina Oyan, Renz at ang kuya mo ang mas madalas magsama. Naalala ko pa nuong palagi mong sinasabi na bawal sa pamilya niyo ang mahihina kaya pilit pinapakita ni Oyan na malakas at matapang siya sa harapan mo. Doon ko nasabi na mahalaga ka sa pamangkin ko." mas naging interesado ako sa pakikinig nang marinig ko ang mga pangalan namin ni Oyan.
Ang ganda ng simula ng pagku-kwento ni Tita Agnes ngunit nababahala ako sa mga susunod na parte nito.
"Habang nagkakaisa ang dalawang pamilya. May nabubuo na palang tensyon mula sa ate mo, at sa dalawang nakakatandang kapatid ni Oyan. Nagkagusto ang kambal sa ate mo at doon nagsimulang magkagulo ang lahat," binitin niya ang pagkukwento dahil tinitingnan niya ang magiging reaksyon ko ngunit pinanatili ko na kalmado at buong atensyon ang ibinigay sa pakikinig.
Pinagsiklop niya ang mga kamay bago itinuloy ang istorya.
"Minahal ni Nina ang panganay na si Rhoy at nagkaroon sila ng relasyon. Si Rhoy ay palaging laman ng mga gulo kaya ayaw sa kan'ya ni Miranda. Hindi matanggap ng mahilig sa babaeng si Prinz ang nangyari kaya may ginawa siya na ikinagalit ng lahat.." naging seryoso ang mukha ni Tita Agnes, "Ginahasa niya si Nina. Gusto silang ipakasal ng mga magulang niyo ngunit ayaw nila Nina at Rhoy dahil tanggap ni Rhoy kung may mabubuo sa ginawa ng kaniyang kakambal. Sobra ang galit ni Prinz kaya pinilit niya ang kaniyang ina na paglayuin ang dalawa ngunit wala na ring nagawa si Miranda."

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...