3 days before Valentine's day
Tama nga ang sinabi ni Ms. Reynoso. Maganda pala itong facial wash sa mukha. Pansin ko agad na kumu-konti na lang ang mga pimples sa mukha ko. Kaunti na lang at baka maging pimple-free na ako. Nasa facial wash lang pala ang sagot, eh. Sana matagal ko na itong na-discover.
Matapos kong mag-ayos at kumain ay pinuntahan ko na si Pinkie para sabay kaming pumasok sa school. Nang narating ko ang bahay nila ay nagulat ako dahil si Blue ang nakita kong nakatayo sa labas ng gate nila.
"Nasaan na si Pinkie?" tanong ko sa kanya.
"Absent. May sakit."
"Ha? Teka, titignan ko muna siya."
"Huwag na. Natutulog na siya. At saka male-late na tayo." Bigla naman niyang hinila ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Engot talaga itong si Blue. Kita niyang concerned lang naman ako sa kapatid niya.
Nang nakalayo na kami sa bahay nila, saka ko lang napansin na hawak-hawak pa pala niya ang kamay ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakawak niya, ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.
At bigla akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko. Ano ito? Bakit masarap sa pakiramdam ang kuryenteng iyon?
"Uhm, Blue," simula ko, "'yung kamay ko..."
"Ano'ng problema sa kamay mo?"
Hawak mo kasi, eh. Pero hindi ko masabi iyon. Ewan ko ba, parang ayaw kong bitiwan niya ang kamay ko. Hanggang sa pagpasok namin sa eskwelahan at pag-akyat sa building namin papuntang classroom ko ay hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Pinagtitinginan nga kami ng mga estudyante, eh. Alam kasi nila ang mutual hatred namin ni Blue sa isa't isa. Kaya naman ay nagtataka sila marahil kung ano ang nangyari at ka-holding hands ko si Blue.
Narating namin ang classroom ko, at saka lang niya binitiwan ang kamay ko. "Text mo 'ko 'pag tapos na ang klase mo mamaya," ang sabi niya bago siya umalis.
Naiwan naman akong nakanganga. Namaligno ba si Blue?
***
Malungkot talaga kapag absent sa klase ang best friend mo. Tulad ngayon, buong araw akong malungkot at nag-aalala para kay bestie. Kumusta na kaya siya? May sakit pa kaya siya? Dalawin ko kaya siya pagkatapos ng klase? May project pa naman na isu-submit bukas. Kawawa naman si bestfriend.
Nang matapos na ang klase ay lumabas na ako ng classroom at nagmamadaling lumabas ng gate. Kailangan ko kasing puntahan si bestie para ipahiram sa kanya ang mga notes ko. Mabilis akong naglalakad nang may sumigaw sa pangalan ko.
"Hoy Kath!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Blue na tumatakbo papalapit sa akin. Patay. Nakalimutan ko siyang i-text sa pagmamadali ko.
"Bakit hindi ka nag-text?" bulalas nito nang nakalapit na sa akin.
"Sorry, nakalimutan ko!"
"Tsk! Matanda ka na ba para maging ulyanin? Tara na nga!"
Hayun, hinawakan na naman niya ang kamay ko. Mukhang bad mood pa rin ito. At kung aawayin ko siya, baka maging monster pa ito dahil sa sobrang bad mood niya. Kaya idinaan ko na lang sa biro. "Best friend naman, eh. Ikaw, ha. Pasimple ka kung makatsansing sa akin."
Bigla nitong binitiwan ang kamay ko na para bang napaso ito. "Nadala lang ako ng matinding emosyon, okay?"
"Sabi mo, eh," sagot ko. Pero palihim akong napangiti. Kunwari pa ito. If I know, may gusto ito sa akin, eh.
BINABASA MO ANG
Dyosa ng mga Panget
HumorSi Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng nanay niya. Ngunit bakit kaya wala pa ring lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya? At higit sa lahat, fifteen days and counting na lang ba...