Chapter 8

13 5 2
                                    

Ellise POV

Ng marealize ko kung gaano na katagal ang titigan namin ay umiwas ako ng tingin..

Geezzz!

Nakakahiya!

Narinig ko pa ang bahagya nyang pag ubo

" Asan si Hunter? " tanong ko para mabawasan ang awkwardness

" He's sleeping "

Napatango ako, uuwi na ba ako? Or pupuntahan si Hunter?

" Are you hungry? "

mabilis akong nag angat ng tingin ng magtanong sya.. Iksakto namang kumalam ang sikmura ko..

Geezzz!

Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon!

Ayaw makisama ng tiyan ko!

Narinig ko syang tumawa ng mahina

merong nakakatawa?

" i guess your hungry, Let's go"

nauna syang naglakad kaya sumunod ako agad..

inaasahan kong tutulongan nya ako pero hindi, tch!

Wag assuming teh!

Sumabay na rin sya kumain, habang kumakain ay nagtanong ako..

" ikaw yung nagbuhat sa akin, kanina?"

umiling sya,So sino?

" one of my bodyguards "sagot nya
" i just call one of my private doctor to treat your wound"

" s-salamat" geezzz! Bat nautal?

"Atsaka, nakasunod kaba sa amin? Paano mo nalaman ang nangyari saamin? At paano mo natawagan ang bodyguard mo kung hindi mo naman alam ang nangyare diba?"kunot noong tanong ko

Dameng tanong teh!

napa ismid sya bago magsalita " i have my ways" tipid na sagot nya?

Seriously?!

Okay okay, move on na tayo dun

" Kaninong damit to? " tanong ko pa at tinuro ang suot ko

Bahagya pa syang umubo bago sumagot

" Mine "

Mabilis kung inabot ang tubig dahil nabilaokan ako..

Kung sabagay wala akong gamit dito, dahil kung matutulog man ako dito ay magdadala ako..

Pagkatapos namin kumain ay, pinuntahan ko muna saglit sa kwarto si Hunter..

Natutulog sya ng mahimbing..

Lumabas na rin ako ng kwarto para magpa alam na uuwi na, dahil baka hinahanap na ako nina Sam at Madi. Nag sabi kasi akong uuwi din pagkatapos..

"Uuwi na ako, bukas ko na lang ulit dadalawin si Hunter, atsaka itong damit mo lalabhan ko na lang ibabalik ko sayo bukas" paalam ko kay tristan..

" You can sleep here we have a guestrooms, and besides it's almost eight in the evening" sagot nya

madilim na nga sa labas, ilang oras ba akong tulog?

Sobrang tagal ba?

Hindi na ako tumaggi dahil baka sungitan pa ako nito..

Ng makarating ako sa guestroom, nag punas punas lang muna ako dahil masakit pa ang sugat ko. May nakahanda na ring damit at buti na lang lahat ay t-shirts at mga pajamas..

Malaki ang guestroom nila pang pamilya na nga e. Mas malaki nga lang ang kwarto ko hehe..

Medyo gabi na rin siguro tulog na sila maliban sa mga kasambahay dito at mga guardya..

Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina nila, hindi talaga ako makakatulog pag walang gatas men..

Ewan ko ba, nasanay na kasi ako e..

Humanap ako sa refrigerator nila kung merong gatas, at ayun nakahanap din..

nagsalin ako ng gatas sa isang baso at ininom.

" What are you doing here? "

Halos lumabas ang puso ko ng may magsalita sa likod ko, nabilaokan pa ako ng gatas.

Gezz! Nakakahiya kana! Ellise!

Uubo ubo pa ako ng humarap kay..tristan

Inabutan nya ako ng tubig at tissue na tinanggap ko naman.

" Bakit ka ba nanggugulat!? "tanong ko ng maka recover.

" Tss"

Eh?

" Saka babayaran ko yung gatas" ani ko na pinangunutan ako ng noo

" We are not poor" sagot nya, sabagay mayaman nga pala sila.

" You can drink and eat what you want here" sabi nya..

Uminom pa ako ng gatas, hanggang sa makatatlo akong baso..

Habang sya naka upo at naka cross arm na titigan ako..

Nailang tuloy ako..

" Matutulog na ako, Goodnight " paalam ko at umalis..

Nahiga na ako sa malambot nilang kama..

Habang nakatitig sa kisame, pumasok sa isip ko si tristan..

Ang weird nya?

Ewan, basta weird sya..

-Next Morning -



Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko.

Ano bayan!

Bumangon na ako at tinignan ang oras

Fvck!

10:00 am na?!

Ganun ba ako katagal na natulog?!

Ilang oras rin akong nag ayos dahil sa sugat kung sariwa pa..

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni tristan para magpaalam..

Kumatok ako pero walang sumagot, pero mayroong taong sumagot sa likod na muntik ng magpatalon sa akin..

"what do you need?"

Hinarap ko naman kung sino iyon,

si tristan men, si tristan the mushroom

Kung saan saan kasi sumusulpot

"a-ahh magpapa alam lang akong uuwi na" sabi ko

" Ate! Alex!" sigaw ni hunter at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

Fvck yung sugat ko..

napapikit ako dahil sa kirot, geezzz!

" Ate ayos ka lang ba?" tanong ni hunter

" ayos lang ako, ikaw ba?"

"ayos na ayos ate! "

kahit ganun ang nangyari ay parang hindi manlang sya natakot?

Hindi ba sya na trauma? Or whatever?

"Hunter go to yuna ang play with her, you're ate alex is okay" ani naman ni tristan

Dali dali namang umalis ang bata, halatang excited makipaglaro

" Mang Canor is waiting for you he will drove to your house, a-and the t-shirt is up to you whether you throw it away or wear it" aangal na sana ako pero umalis na sya agad

Really?!

Hindi pa nga ako pumapayag!

Pesteng mushroom!

















Tons of SecretWhere stories live. Discover now