Chapter 6

16 5 2
                                    

Ellise POV

Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Hunter, nakarinig naman ako ng putok ng baril at iksaktong nasa harap na ako ni Hunter..

" Atee.."

Shit!

" okay ka lang? " tanong ko at tumango ito kasabay non ang malakas nyang pag iyak..

Hinarap ko ang lalaking nagpaputok ng baril at pinag sisipa ito hanggang sa mawalan ng buhay..

" Ate! May tama ka! " sigaw ni Hunter sabay iyak..

Tinignan ko naman yung gilid beywang kong may tama, mas mabuti ng ako ang natamaan kesa si Hunter..

Ang puti kong damit ay unti unting nabalutan ng dugo..

Lumapit ako kay Hunter

" Okay lang ako, Pumasok kana sa kotse ako ang magmamaneho para maka uwi na tayo" sabi ko kahit na hinang hina na..

Sumunod naman ito, isang hakbang palang ang nagagawa ko pero parang pipikit na ako at mawawalan ng malay..

Napahawak ako sa beywang ko ng sumakit ito, napahawak ako sa pintuan ng kotse ng umikot at manlabo ang paningin ko..

Gezzz!

Sumasakit na rin ang ulo ko na para bang mabibiyak na, alam kung sa oras na to matutumba na ako..

Pero bago yun mangyare may kamay na humawak sa akin at binuhat ako,

do_ob

nakapikit na ako dahil hindi ko na kayang imulat pa ang mga mata ko..

At habang buhat nya ako, ramdam ko ang maingat nyang pag buhat sa akin iyon bang sinisigurado nyang hindi ako mahuhulog..

Tapos kung buhatin ako parang papel lang?

Sa sobrang sakit ng beywang at ulo ko ay tuluyan na ngang nilamon ako ng antok..

Nagising ako sa isang kwarto, inaasahan kung sa ospital ako dinala 'nong bumuhat sa akin pero hindi..

Kulay itim na may halong pula ang kwartong ito, maganda ang pagkakadesenyo at halatang pang lalake ang kwartong ito..

Iba na rin ang suot kung damit, nagamot na rin ang sugat ko..

Wala akong maramdamang sakit sa ibang parte ng katawan ko maliban sa sugat ko, kaya panatag akong walang ginawang masama ang tumulong sa akin..

Mabilis akong napa upo ng maalalang may bata akong kasama..

Asan si Hunter?

Shit!

Tumayo ako kahit na masakit ang sugat ko, asan na si Hunter?!

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla itong bumukas, mabuti na lang at nasa gilid ako kundi sa sahig ang bagsak ko

kaya lang muntik na akong bumagsak, na mabilis naman nahawakan ng kung sino ang kamay ko ay hinila papalapit sa kanya..

Arghhh! yung sugat ko peste!

Humawak ako sa sugat ko at lumayo sa taong hinila ako..

Napatingin naman ako sa kanya..

tumigil ang mundo ko ng makita sya, sa pangalawang beses

Para namang May nag play ng music at sinasabayan nito ang titig namin

Come with me and you'll be ~~

Titig namin na para bang matagal na naming kilala ang isa't isa

In a world of pure imagination ~~

ang mga mata naming may sariling mundo at nagkaka intindihan sila..

Take a look and you'll see
Into your imagination ~~

Hindi ko alam kung ilang minuto pa kaming nagtititigan, kahit na sa pangalawang beses ko palang sya nakita, gustong gusto na yata ng mata ko na makita sya

We'll begin with a spin ~~

Ang mga mata nyang hinihipnotismo ako, masarap titigan, siguro kung tititigan ko ito buong araw ay hindi ako magsasawa..

Travelling in the world of my creation
What we'll see will defy explanation ~~









Ito yung song..

Title: Pure imaginations





Tons of SecretWhere stories live. Discover now