Shaun POV
"Pahingi ano ba! " sigaw ko kay Dax dahil ang damot nya sa pagkain
Gutom na ako!
" Kanina ka pa! Bumili ka ng sayo! " singhal nya.
" Wala ka namang ginagawa diyan kaya pahingi na! "
" ih! Asa ka! "
Peste naman!
" Hoy! Dalian nyo na magtrabaho mamaya maya pupunta na dito si Hades " ani ni Azer
" Ano may balita na ba diyan Kenzo?" tanong ni Azer habang nakaharap sa dalawang computer
" Meron na, may nagbalita sa akin na patay na 'yong dalawang miyembro ng aztecs"
" Pucha! Sino?! " nakakunot na tanong ni Azer
Pftt! Mukha syang papatay ng tao HAHAHA
" Ewan! Basta may nagsabi sa akin na patay na 'yung dalawa." sagot ni Kirro
" Unahin muna natin kung bakit nadamay si Hunter doon sa Parking lot kung saan nabaril 'yung nagbabantay kay Hunter" ani naman ni Azer
Mabuti pa nga.
Noong malaman ni Hades 'yung nangyari sa kapatid nya ipinahanap nya kaagad sa amin kung sino ang gumawa no'n.
Galit na galit pa sya no'n ng sabihin sa amin. Kahit ako kung mangyari yun sa kapatid ko baka makapatay lang ako.
Napatayo kami ng biglang bumukas ng malakas ang malaking pintuan.
Si Hades.
Umupo sya sa swivel chair niyang mas mahal pa sa buhay ko.
" Aztecs ang pangalan ng grupo. Namatay ang dalawang miyembro na sina Cay at Erin. Ajo ang pangalan ng lider nila" balita ni Azer
Ibinigay naman ni Dax ang brown envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Aztecs.
" Who killed? " nakakunot na tanong ni Hades habang nakatingin sa mga papel.
" We are still figuring out " sagot ko
English yan!
Gumagaling na ako BWAHAHAHA
narinig kung napa ismid si Dax.
Palibhasa hindi maruno mag english!
Pagkatapos ng diskusyon namin ay nagsimula na ang pag babangayan namin.
" San mo nakuha yu'ng english mo? " tanong sa akin ni Kirro
" Tsh! Ede sa akin! "
Napanguso pa ako dahil nagtawanan sila. Bakit? Mali ba yu'ng english ko yu'ng grammar?
" Naks Naman! Gumagaling na ang tropa natin" sigaw ni Kenzo at tumawa ng malakas sinabayan pa yu'n ng mga kumag.
Azer POV
Pinagpawisan ako habang tinitignan ni Hades ang laman ng envelope.
" Paano kung ang pumatay sa dalawang miyembro ng Aztecs ay ang babaeng nabaril sa parking lot na kasama ngayon ng kapatid mo?" Ani ko
He frowned and look at me. Tumingin ulit sya sa mga papel at napakunot ang kanyang noo.
" Maybe"tipid na sagot nya.
" Alamin mo ang dahilan kung bakit pinupuntirya nila si Alex"