2: Ngiti

428 8 0
                                    

Nakaraan...

Eskwelahan. Huwebes. Hindi mapigilan ni Gian na mabwiset sa sarili. ilang araw na niyang nakakatabi si Asher pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito nakakausap. Gusto niya itong kausapin pero natatakot siya na baka hindi siya nito pansinin, o kaya naman tignan lang siya nito at hindi magsasalita kagaya ng ginawa niya rito noong nagtanong ito kung may nakaupo ba sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Napatuwid ng upo si Gian nang makita niyang paparating na ang nilalaman ng kanyang isipan. "Good morning sa inyo!" masiglang bati ng babae sa mga kaklase nito. Napangiti tuloy si Gian. Tila nawala ang pagkabwiset niya. Nakita na naman kasi niya ang mala-anghel na ngiti ni Asher.

Nang inilapag ni Asher ang bag sa upuan, hindi inaasahan ni Gian na mapapatingin si Asher sa kanya. "Goodmorning Gian." 

Tila pumalakpak ang tenga ni Gian, sa kauna-unahang pagkakataon ay binaggit ni Asher ang pangalan niya. "G-good morning din." medyo nauutal na ganting bati nito. Nginitian siya ng babae at pumunta sa pwesto nila Joy at Rochelle para makipagkwentuhan. Ganito ang eksena tuwing umaga, kaysa umupo sa tabi niya habang wala pang guro, ay lilipat muna ito ng upuan para makipag-usap. Paano nga bang hindi lilipat? Hindi naman kasi kinakausap ni Gian.

Napabuga ng hangin si Gian. Kailan kaya niya makakausap si Asher na siya mismo ang nag-oopen ng topic. Baka hindi niya matuloy ang naiisip niyang plano. Ang plano pa man din niya ay imbitahan ang kaklase sa kaarawan ng kanyang ina, ipapakilala bilang kaibigan. Pero sa oras na umuwi na si Asher, saka niya sasabihin sa ina na ang babaing yun ang liligawan, na si Asher ang babaing napupusuan.

Pero paano niya gagawin yun kung simpleng pag-sabi lang lamang niya ng good morning ay nauutal pa siya.

"Hoy! Problemado ka na naman diyan!" malakas na sambit ni Carlo, napukaw tuloy ang atensyon ng iba nilang kaklase.

"hindi nu!" simpleng sagot nito.

"Alam kong problemado ka, kasi mas gwapo ako sayo! Sorry na.. pinanganak akong ganto. Anong magagawa ko?" malakas na sambit uli ni Carlo. Nagtawanan ang mga kaklaseng nakikinig sa kanila. Miski si Gian ay natawa na lang din sa kaibigan, ang aga-aga at sinasapian na naman agad ito ng kabaliwan.

"Hoy Carlo! Ang kapal talaga ng mukha mo!" hindi napigilan ni Joy makisabat dahil naiinis na naman ito sa kayabangan ng lalaki.

"Bakit Joy? Sinabi ko ba sayo na ang kapal ng taba mo?" at sinabayan pa ito ng malakas na tawa ni Carlo, dahil dito tumayo si Joy at sinabunutan si Carlo. Kung kanina ay mangilan-ngilan lang ang nakikitawa, ngayon ay ang buong klase na.

Nakitawa rin si Gian, pero hindi nakatakas sa mga mata niya ang malakas na pagtawa ni Asher. Ayan na naman yung nararamdaman niya. Lumalakas ang tibok ng puso nito, tila umiwalas ang paligid, tila ang tawa lang ni Asher ang naririnig.

Naitigil lang ang asaran at tawanan nang pumasok na ang kanilang guro, bumalik na si Asher sa kanyang tunay na upuan kaya muling napatuwid ng upo si Gian.

Eyes of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon