1: Pagtatagpo

577 14 2
                                    

NAKARAAN..

Lubos na kinakabahan si Asher. Bakit naman kasi kailangan pa nilang lumipat ng bahay? Ayan tuloy, kailangan niya rin lumipat ng school. kailangan niyang makisama sa mga bagong kaklase. Third year high school na ito at kalagitnaan na ng school year.

"Naku.. Sure na sure ako na close na yung mga yun sa isa't-isa, tanggapin kaya nila ako bilang bagong kaklase? Sana naman mababait sila." Bulong ni Asher sa sarili, suot-suot niya ang bagong uniporme.

"Hoy Asher Jane! Aba, ano na? Diyan ka na lang sa kwarto mo habang buhay? Unang araw mo pa lang sa pagpasok sa bagong eskwelehan. Gusto mo late ka na agad. Bilisan mo! At ihahatid pa kita!" Napangiwi si Asher sa sigaw ng kanyang inang si Melissa. Ang aga-aga pa lang kung makasigaw ito akala mo'y wala ng bukas at lalo na nang binanggit ang kanyang buong pangalan. Ang gusto niya 'Asher' lang ang itawag sa kanya.

"Opo, Nay! Ito nga't lalabas na.. at pwede ba Nay! Huwag nga po kayong magsisigaw. Mamaya matakot ang mga bago nating kapitbahay sa inyo, eh." sambit ni Asher bago lumabas ng kwarto.

Eskwelahan. "Anak, mag-aral kang maigi ah! At para makita mo agad yung room mo magtanong ka muna sa guard. Oh, siya sige una na ko. Hindi na kita susunduin pauwi ah! isang sakay lang naman ng jeep, eh."

Tumango si Asher. "Opo Nay, natandaan ko naman agad." Humalik muna ang kanyang ina bago ito umalis at sumakay ng jeep pauwi.

 

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Paulit-ulit na ginagawa ni Asher bago tuluyang pumasok sa loob ng malaking gate ng kanyang bagong paaralan. Grabe ang kabang nararamdaman niya. Paano ba naman kasi, parang lahat ng mga estudyante ay may mga kaibigang kasabay at kakwentuhan. Samantalang siya, mag-isa. "Sana magkaroon din agad ako ng kaibigan dito." bulong niya sa sarili bago siya pumunta sa guard house.

 "kuya, alam niyo ba yung room ng 3rd yr. ilang-ilang." nakangiting tanong ni Asher sa guard.

"Transferee?" 

Tumango siya sa sinabi ng guard, ngumiti ito sa kanya bago ito sumagot. "Doon sa english building, third floor, room 132." sabay turo ng guard sa sky blue building.

Nagpasalamat muna siya bago binaybay ang itinurong building ni kuyang guard.

Nang pumasok na siya sa room 132. Lahat ng tao sa klase ay nakatingin sa kanya. Paano nga bang hindi siya titigan? Eh, transferee siya! Bagong mukha! Pero hindi niya pinahalatang kinakabahan at naiilang sa mga bagong kaklase.

Halos puno na ang classroom, inaantay na lang talaga ang unang guro ng klase. Napansin niyang may bakanteng upuan sa third row. Naglakad sira papunta doon at kinalabit ang lalaking katabi ng bakanteng upuan.

Nang tumingin ito sa kanya. Nagulat si Asher. Paano ba naman hindi magugulat. Ang gwapo kasi! Mayroon itong nangungusap na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Nadagdagan pa ang kagwapuhan nito dahil sa malaking nunal sa dulo ng kanang kilay nito. Ang gwapo talaga!

Eyes of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon