6: Oo

488 14 17
                                    

Tahimik na naiyak si Asher sa kanyang kwarto, hindi niya mapigilang umiyak. Nagsisisi siya kung bakit hindi pwede ang isinagot niya kay Gian.



"Ang tanga mo Asher.. Ang tanga-tanga mo!! Nakakainis ka!!" mahinang bigkas ni Asher sa sarili habang sinasabunutan ang sariling buhok.



Bakit ba kasi humindi siya? Ang tanong lang naman ni Gian ay kung pwedeng manligaw.



"Pwede mo namang sabihin na Oo pwede, ligaw pa lang naman e." bulong niya ulit niya sa sarili.



Naiiyak siya dahil sa panghihinayang, at nang makita niya kung paano nasaktan si Gian. Makintab ang mga mata noon ni Gian na parang kaunti na lang ay may tutulo ng luha, pero ngumiti lamang ang lalaki ng pilit. "Ah ganoon ba, okay lang." tapos umalis na ito bitbit ang kanyang backpack at gitara.



Alam ni Asher na nasaktan niya si Gian at alam niyang hindi na mauulit pa ang napaka espesyal na ginawa para sa kanya ng lalaki.



Tumutulo na naman tuloy ang mga lua ni Asher, sa simple niyang pag hindi ay nasaktan niya ang sarili pati na rin si Gian.



"Kaibigan ko kasi si Rochelle, kasi ang tunay na kaibigan iniisip ang nararamdaman ng isa't-isa." pampakunswelo niya sa sarili.


Oo dahil kay Rochelle, alam niyang nasaktan si Rochelle ng malaman na siya pala ang gusto ni Gian, hindi niya kayang makita ang kaibigang naiyak sa isang tabi dahil ang taong gusto niya ay may gusto na palang iba.



Nabigla si Asher ng mag vibrate ang kanyang cellphone.



Nang makita niya kung kanino galing ang mensahe ay hindi niya maiwasan kabahan at biglang nanlamig ang kanyang mga kamay.



From: Classmate Gian


Hwag mo ng isipn ang ngyri kanina, bka ndi ka makatulog ng maayos niyan. Ok lng ako, sorry kung nabigla kta knina, hindi ko n kasi kyang itgo yung nrramdaman ko sau, pero slamat dn kasi nging totoo k sa sgot mo, hwag kang mag-alala ppgilan ko na tong nrramdaman ko sau. Goodnyt :)



Naiyak muli si Asher, kahit nasaktan na niya ang damdamin ni Gian siya pa rin ang naiisip nito, pero ang hindi niya lang matanggap ang huling mensahe nito.



"pipigilan ko na 'tong nararamdaman ko sayo..." binasa muli ni Asher. "Huwag Gian please.. huwag..."



Nakatulog si Asher na naiyak, dahil sa desisyon na lubos niyang pinaghihinayangan.

Eyes of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon