5: Pagtatapat

431 13 6
                                    

"Maibaaaa.. Taya!"


"Ahh! Ikaw ang taya!"


Tahimik na pinapanood ni Enzo ang mga batang naglalaro sa harap ng bahay ng kanyang kaibigan. Habang si Asher ay wala nang ginawa kundi tignan ang hawak niyang cellphone.


"Ayos pala dito sa bago niyong bahay, ang daming bata." nakangiting sambit ni Enzo.


"Ang saya nilang panoorin nu?" bigkas ulit ni Enzo. Nagtataka siya kung bakit hindi sumasagot ang kaibigan. Kaya tinignan niya ito, doon niya lang napansin ang panay tingin nito sa hawak na cellphone.


"May inaanatay ka bang text?"


Doon lamanng lumingon si Asher. "Wala naman.. bakit?" takang tanong nito.


"Wala naman? Kaya pala panay ang tingin mo diyan sa cellphone mo!" umiling-iling lamang si Enzo.


"Anu ba yan! Wala talaga akong matago sayo.. Oo, may inaantay akong text, kakainis kasi, eh. Kanina pa yun hanggang ngayon wala pa ring reply." Ang totoo, si Gian talaga ang tinutukoy na katext ni Asher. Hindi na kasi ito nagreply mula nang sinabi niya na bisita niya ngayong araw si Enzo. Hindi siya sanay na ganoon ang binata, madalas kasi magsasabi ito pag hindi na siya makakasagot sa mga mensahe niya.



"Lalaki ba yan?" nakangising tanong ni Enzo.



Nahihiyang tumango naman si Asher.



"Crush mo?"



Hindi alam ni Asher kung sasagot ba siya sa tanong ng kaibigan, alam niya kasing aasarin lamang siya nito. Pero mukhang ito na rin ang tamang oras para pag-usapan ang matagal na niyang gustong ihingi ng payo.


"Oo, crush ko." napakagat labi pa si Asher ang habang sinasabi yun.


"Awts! Akala ko ako lang ang crush mo? Meron na palang iba?" nagkukunyaring nasasaktan si Enzo, may pahawak-hawak pa siya sa dibdib na akala mo'y tunay na nasasaktan.


"Syempre, ikaw ang original, pero Doc, parang nahihirapan ako sa situation ko." pag-uumpisa ni Asher.


"Bakit naman?"



"Itago na lang natin sa pangalang "Gee" ang tinutukoy ko. Si Gee kasi napaka-bait na tao, noong una akala ko suplado pero nagkamali pala ako. Alam mo ba.. Ang sweet rin niya, parang pakiramdam ko.. Pinaparamdam niyang espesyal ako. Ayoko sanang mag assume dahil hindi maganda yun, pero hindi ko maiwasan, eh." pagtatapat ni Asher sa kanyang kuya slash crush slush kaibigan.



Hindi umiimik si Enzo, inaantay lang ang mga susunod na sasabihin ni Asher.

Eyes of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon