sa sulok ng aking kama maririnig ang aking mga hikbi,sa isang tela ng aking damit maaaninag ang aking nakatagong luha,sa loob ng isang silid nakapiit ang aking mga bilanggong emosyon,na sa loob ng labin-pitong taon ay pinipilit kong binibigyang sulosyon.
hindi ko mawari sa aking isipan kung ano ba talaga ang aking mga pagkukulang,hindi ko lubos maiwasan na tanungin sa sarili 'ano bang mali saakin?',bakit tila ako'y puno ng pasakit na kailanman hindi ko gustong makamit,bakit ako ang nagdusa sa ganitong klaseng sistema na inyong ginawa.
ginamit mo ako at ang boses ko para makuha mo ang gusto mo,pinabayaan mO akong mapuno ng sakit , galit at hinagpis ang puso ko,nandiyan ka nga sa tabi ko hindi ko naman maramdaman ang presensya mo ,ikaw nga ang kasama ko sa mga taong ito;ni minsan hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal mo.
sa gabi-gabing pagputok ng luha ko na masaganang umaagos mula saking mga mata , nais kong magtanong; 'nasaan ka?',sa bawat sakit na naramdaman ko sa panlalait ng iba , nais kolang na malaman; 'saan ka pumaroon at sa tabi koy wala ka?',sa bawat pagkakataong kailangan ko ang isang kagaya mo , 'bakit wala ka?'.
ilan lamang iyan sa mga tanong na paulit-ulit umuukit sa isipan ko ,ilan lamang iyan sa milyong mga tanong na hanggang ngayon ay wala paring tugon ,ang mga tanong na yaan ay pilit ko na lamang ibinabaon ng sanay saaking muling paggising ay wala na ang sakit ng ating kahapon,nang sa aking muling pagmimilay-milay ay maramdam ko ang katiting ng iyong ginintuang pagmamahal ,na aking inaasam-asam sa loob ng labinpitong-taon.
NALS
02-24-21