"diba , ikaw yung uminom ng kapeng inorder ko?"ani ni vasco rito at inaalis ang kamay nito na naka kapit sa braso niya.
"Matagal na yun! , tulungan mo ako please." Inalis nito ang mask na suot nito. "May sumusunod sakin."
"Ide tumawag ka ng pulis." Tugon ni Vasco rito.
Kumapit ito ulit sa braso ni vasco. "Please ikaw lang makakatulong sakin, kasabwat nila ang pulis na malapit rito. Sinubukan ko nang tumawag pero wala din silang ginagawa. Kailangan kong makapunta sa papa ko para humungi ng tulong." Ani nito kay Vasco.
"Pwede mo naman gawin yun mag isa." Inalis nito ulit sa pagkakapit ang kamay nito pero muli lang itong kumakapit.
" Ayan na siya!!!"takot na napakapit ito lalo kay Vasco.
Tumingin sa paligid si Vasco. Nakita nitong papalapit sa kinaroroonan nila isang matangkad at malaking lalake naka suot ng itim na tuxedo.
Hinawakan nito ang balikat ni Vasco ng nahigpit. "Bata! Mas mabuti pang umalis kana dito." Galit na wika nito.
Inialis ni Vasco ang kamay nitong nakadapo sa balikat niya. "Aalis naman talaga ako." Pagkabanggit niya nito ay lalo lang humigpit sa pagkakapit ang sa braso nito.
"Anu ganun na lang yun , iiwan mo ako dito? No way!" Wika nito na nakakapit sa braso ni Vasco.
Napahinga na lang ng malalim so Vasco. Mukhang di niya maiiwasan ang gulong ito. Iniisip na nito kung panu ba niya malalabanan itong pagkalaki-laki na humahabol rito. Mala incredible hulk ang pangangatawan at malaka kapre ang taas , malapit na nga itong maging maligno sa itsura nito.
"Hoy! Hoy!." Malakas na sigaw sa hindi kalayuan. "Gabing gabi na, Alam niyo bang bawal mag pagala gala dito ng gabi. Maraming masasamang nilala na gumagala dito mag siuwian na kayo." Wika ng tanod ng lumapit ito sa kanila.
Nilingon ito ng humabol kay nika. " May problema ba?." Maangas na tugon nito sa tanod.
Bigla na lang namutla ang tanod ng makita niya ito ng malapitan. "A-e w-wala hehe." Nauutal na tugon nito kasabay ng pag lakad nito ng mabilis.
Hinila ni Anika si Vasco, sakto kaseng may napadaan na taxi sa lugar na iyon na lubos na pinagtataka ni Vasco.
"Teka anu ba!." Wika ni Vasco.Binuksan ni Anika ang pintuan sa kaliwang bahi ng pinto ng taxi at pinilit na hinihila si Vasco.
"Anu ba? Bilis sakay na."
Wala na ngang nagawa si Vasco at sumakay na lang ito sa taxi. Ang ipinagtataka lang nito ay kung bakit hindi man lang sila pinigilan o hinabol ng lalaking iyun.
"Alam mo parang may mali." Wika ni Vasco rito.
"Ikaw tong mali, ang bagal bagal mong sumakay pano kung naabutan tayo non?, Pasalamat kana lang at hinila kita pasakay dito. " Tugon nito
"Pasalamat?." Natawa ng bahagya si Vasco. " Alam mo dapat pauwi na ako samin. Wala sana akung problema ngayon kung di mo ako dinamay."
"Grabe ka naman, maatim mo ba na iwanan na lang ako doon? Huhu." Umarte pa itong naiiyak.
Hindi na lang ito pinansin ni Vasco sa halip ay pinagmasdan nito ang tanawin sa bintana ng taxi.
BINABASA MO ANG
MAFIA BOSS REBORN(On Going)
ActionMahabang panahon din, namuno at naging makapangyarihan si Vermin .Matagumpay nitong nagapi ang mga mga malalakas na angkan sa pilipinas at maging sa ibang parte ng mundo kaya nabansagan itong "Mafia Boss/King". Hindi nito lubos na akalain na pagtatr...