Chapter 2

45 1 0
                                    

Mountain Shrine

Nangitim ang kalangitan Kasabay nito ang pagkulog at malakas na kidlat. "Mukhang may bagyong paparating" wika ng monghe (monk) na nagbabantay sa Mountain Shrine. Nagpapanic at naghahanda na ang mga tao sa Shrine para sa parating na masamang panahon.

Ngunit mas ikinabahala ni Master Shao ang mga pangyayari. Si Shao ang pinuno ng mga monghe at eksperto pag dating sa pag-papalaya ng masasamang espirito.

Agad na nag punta si Shao sa silid na kung saan ang nababalot ng mga talisman pang-laban sa masamang espirito. Makikita sa gitna nito ang isang Sisidlan na Banga (urn) may marka itong Phoenix at napupuno ng mga sinulid na pula. Sinimulan itong dasalan ni Shao at mas lalong lumala ang sama ng pahanon at lakas ng kidlat. Ikinabigla ni shao ng mabasag ang sisidlan na may marka ng Phoenix kasabay nito ang pag bukas ng pintuan kasama ang malakas na hangin. Sumilay ang ngiti sa labi ni Shao Alam nito na hindi ito isang masamang espirito "kaibigan" bukambibig nito at muling nagdasal.

------

Takot na takot na lumabas ang driver na nakabanga kay Vasco. Iniisip nito kung hihingi siya ng tulong o tatakbohan na lamang ang nangyari. Sinubukan nitong lumapit sa taong nabanga nito laking gulat nito nang bumuklat ang mata nito.

"B-b-bbooy?" Takot na tawag ng driver sa lalaking nahandusay sa kalsada. Sinubukan pa nitong batuhin ng maliit na bato para tiyakin kung buhay ba ito o baka namamalikmata lang siya sa nakita.

Nang bumangon ang lalaking nasagasaan nito ay agad agad itong nag sign of the cross at nag dasal. "Diyos ko!" Ani nito.

-----

Vasco Pov

Napamulat ako at pinagmasdan ang paligid. Lumingon ako sa lahat ng sulok at bumangon mula sa aking hinihigaang kalsada.

Napakaraming dugong nagkalat mula sa aking hinigaan.

"Anu naman kaya ito?" Bulong ko sa aking sarili kabay ng paghawak ko sa ulo ko. Ramdam kong basang basa ako pero hindi na tubig kundi ng dugo. Alam kong dugo ito dahil masangsang ang amoy.

Nagtataka na lang ako kung bakit takot na takot ang lalakeng nag dadrive ng kotse. Nangangatog ang tohod nito at napa upo sa kalsada.
"Boy Ok ka lang ba?" Takot na tanung nito. Tumango na lang ako Bago ko ito iniwan. Dali dali itong pumunta sakin para e abot ang pera. Halata ang kaba sa mukha nito pero? Bakit? Bago ko pa abotin ang pera ay tumabok na ito ng mabilis deretso sa kotse nito. Naiwan ang pera sa sahig at nagtataka parin sa ako sa mga nangyayari. Pinulot ko na lng ang pera tutal sayang din naman to.

Ngumiti ako habang naglalakad at sinabi sa aking sarili na hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong ito. Ang aking pangalawang buhay.

Napakamot ako sa ulo ko napansin ko kasing ambigat ng katawan ko. "The heck" sambit ko habang pinipisil ang taba sa aking tiyanan. Ou nga pala wala na ako sa dati kong katawan. Katawan to ng. . . . "Vasco nim" . . . Dahan dahan sumalin sa alaala ni Vermin ang lahat ng memorya sa buhay ni Vasco.

-------

Ramdam ni Vermin lahat ng mga paghihirap nito nung buhay pa ito. Kaya ipinangako ni Vermin sa ngalan ng katawan ni Vasco na aalagaan niya ang nanay nito at susubukang mag simula uliy ng isang normal na buhay. Hindi hangad ni Vermin na maghigante sa mga nang api kay Vasco. Pero ipinapangako niyang kapag na ulit pa ang mga nangyari at makita niya ang mga kumag na nang api kay Vasco ay dudurugin niya ito. "Simula ngayon Ako na Si Vasco, at kakalimutan ko na ang nakaraan kong pangalang Vermin"wika nito sa sarili.

Sinimulan nang lumakad ni Vasco pauwi sa tinirahan nitong maliit na bahay. Bigla itong ginutom habang naglalakad at dahil na din sa naamoy nitong pagkain. "Matagal tagal na din akung kumakain" ani nito. At dumiretso sa isang Maliit at medyu maruming stall ng Batchoyan. Matandang babae ang tindera nito.

MAFIA BOSS REBORN(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon