5:00 am
Mabilis na lumipas ang oras habang nagtatrabaho bilang cashier si Vasco sa Seben Eleben. Maaga pa dumating ang boss nito upang makipagpalit ng shift. "Oh kamusta ang benta ?" Tanung ng may-ari ng Store kay Vasco ng makapasok ito.
"Ok naman boss, wala na pala tayong stocks ng liquor drinks."
"Hindi ka naman siguro nag benta sa mga minor tama?." Kunot noo na tanung nito.
"Ou naman boss, alam ko pong bawal yun para sa mga minors."
"Ok."sabit nito at may iniabot na sobre kay Vasco.
"Thank you boss."
"Cge na, umalis kana dyan at ako na ang naka schedule ngayon."
Nakangiting lumabas ng store si Vasco habang pinagmamasdan ang pera nitong kinita sa pag papart time job , suot pa nito ang uniform ng seben eleben. Hindi na ito nag palit ng damit , iniisip niyang pagdating na lang siya ng bahay magpapalit.
Habang naglalakad ay napansin ni Vasco sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na mukha.
Hindi nito masyado makilala ang babae kaya sinundan niya ito at pumasok ang babae sa loob ng isang caffeteria.
Naisip bigla ni Vasco na uminom ng kape, total matagal tagal na din itong hindi nakakainom ng kape.
Nang makapasok sa loob ng cafeteria ay napatingin si Vasco sa paligid nito. Napaka unti ng tao at napatingin ito sa babaeng sinusundan niya. Nadismaya siya sa nakita akala kase nito ay si jane ang babae pero hindi pala namalik mata lang pala ito. Pero napaisip ito may kamukha kase talaga yung babae nasa dulo ng upuan , parang nakita na niya ito sa isang poster.
"Anu po sainyo sir?" Tanung ng isang lalake na nagbabantay sa counter rito.
"A..e.. ayun oh!" Tarantang turo ni vasco sa kapeng nakapaskil sa taas.
"Black coffee , Small/Medium/Large."
"Kahit anu na lang." Tugon nito sabay kamot sa ulo.
"First time niyo po ba dito sa Caffe namin?"
"Ou e, pasensya na."
"Kung ganun po dapat subukan ninyo ang special namin rito ang Black Choco Coffee."
Napakamot sa ulo si vasco." Sige ayan na lang bibilhin ko medium cup lang."
"3mins on the way na "
Umupo si Vasco malapit sa duluhan ng upuan . Tanaw nito sa pwesto ang babaeng sinusundan niya kanina pero naka mask na ito at naka sumbrero. Pasimple niya itong tinignan ,pansin nito ang pagkakahawig na mata ng babae sa poster sa labas.
Hinayaan na lamang ni Vasco ang kanyang na puna. Ayaw na nitong pagkaaksayahan pa ito ng oras na tanungin pa ito. Ang nasa isip lang nito ang kapeng nasa harapan niya. Dahan dahan niyang nilasap ang malasang Black coffee choco na kanyang inorder. Matamis at may katamtamang pait ng kape swak swak sa kanyang panlasa. Inaalala pa nito kung matutulog paba siya.
Dahil sa totoo lang ay kahit hindi siya matulog ay ok lang. Matulog man o hindi ay di nakakaapekto ng masama ito sa kanyang katawan dahil na din sa secreto nitong kapangyarihan. Napapaisip ito kong may mga reborner paba sa mundong ito bukod sa kanya. Napahigop ito uli sa kape habang nag-iisip ng mabanga siya ng babae.
"Sorry! ." Pagpahingi ng paumanhin ng babae rito at nagmadaling umalis na parang ma hinahabol. Buti na lamang ay hindi lubos na natapon ang kapeng iniinom ni vasco.
Hindi na masyado pinagtuunan ito ng pansin ni vasco. Nang dumako sa dulo ang paningin nito ay napansin na nitong wala na ang babaeng kanina lamang ay nakaupo doon. Muli ay nilasap ni Vasco ang kapeng natira sa baso nito. Napangiti na lang ito matagal tagal na rin kase niyang na miss uminom ng kape. Tumayo ito at iniwan ang bayad sa mesa ng mapansin nito ang liwanag sa upuan ng umalis na babae. Liwanag ng isang cellphone. Mukhang naiwan nito dahil sa pagmamadali.
BINABASA MO ANG
MAFIA BOSS REBORN(On Going)
AcciónMahabang panahon din, namuno at naging makapangyarihan si Vermin .Matagumpay nitong nagapi ang mga mga malalakas na angkan sa pilipinas at maging sa ibang parte ng mundo kaya nabansagan itong "Mafia Boss/King". Hindi nito lubos na akalain na pagtatr...