Chapter 12

23 1 1
                                    

Cyrah's POV

"Hala yung eyeglass ko naiwan ko. Baka hindi ko mapanood ng maayos ung play." banggit ko sa mga kaklase ko.

"Magsi-tayo po tayo para sa Pambansang Awit. " sabi ng organizer.

"Bayang magiliw, Perlas ng silanganan..~"

Natapos na ang introduction.

Nagsimula nang pumasok ang mga kabataang magtatanghal..

"Sino ka ba Jose Rizal? Sino ka ba Jose rizal?~" panimulang awit ng mga magtatanghal.

Ito ay Musical Play na kung saan ang mga magtatanghal ay mga kabataan.

Na-eexcite ako sa maaaring mangyari o sa daloy ng play.

Maganda naman yung props, yung background at ang pag-arte ng mga characters. Nakakakuha sila ng atensyon ng mga manunuod dahil sa nakakabighaning talento nila.

Nang itanghal at ipakita ang mga naging kasintahan ni Rizal ay lubos na nagpasaya sa mga tao. Bawat babae ay kumanta. Isa na sa mga kinanta ang 'let it go' na hango sa palabas na frozen. Kinanta rin dito ang wrecking ball at Kung ako nalang sana at marami pang love songs.

Lubos nitong napatawa at napa aktibo ang mga manunuod. Bilib ako sa kanila sa pag arte.

Pagkatapos ipakilala ang nga kasintahan ni Rizal, inantok na ako dahil madrama na yung sumunod na scene.

Nagulat ako ng may sumigaw at nag babaan mula sa stage at umikot sa mga upuan ang mga bayani at mga katipunero na kasama sa play. Ito ay sina Juan Luna, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo at marami pang iba.

May mga ka school mate naman kami na kasama sa play kaya mas na eenjoy namin ang panunuod.

May dumaan sa harap namin na isang lalaki at yun ay si Michael. Siya ay ka school mate namin kaya nakilala namin siya.

"Aww!" Napalingon ako sa likod ko. Nabangga ako ng isang lalaki na kasama sa play.Lumapit siya sakin at hinawakan ako.

"Sorry po. Sorry po"

Napatingin ako sakanya. Natameme ako kasi ang pogi niya.

"okay lang po . " *sabay ngiti*.

Umalis na siya at bumalik na sa taas.

"Uy may naka bangga saakin. Ang pogi nyaaaa!!! :''> " chika ko agad kay Cassandra at sa iba pa naming kaklase.

"Weh? sino dyan?" tanong ni Ann na kasama namin manuod ng play.

Hindi ko masyadong makita dahil wala akong salamin. Hindi ko masyadong makilala sa stage.

"Ayun!" nakita ko din at tinuro ko kaagad saknila.
"Wait. pogi ba? o sadyang malabo na talaga yung mata ko?"  dagdag ko.
"Uy pogi. infairness. xD " sagot ni Ann.

OwwEmmJiii!! Crush ko na sya. hahaha. Mahilig ako sa pogi. Madalas, Physical appearance lang ang nagugustuhan ko sa isang guy.

From that time until the end of the play, sakanya nalang ako nakatingin.

Namatay na si Jose Rizal sa play kaya naisip ko na patapos na. Pagkalipas ng ilang minuto. Ipinakilala na ang mga characters. Gusto ko malaman yung name ni kuyang nakabangga saakin.

Ipinakikilala na ang mga nagtanghal..

"Mga Katipunero't Katipunera:
-Nicko Manzano
- Merly Almazan
-Grace Cruz
-Mark Santos

Mga bayani:
-Ismael Lorenzo as Emilio Aguinaldo
-Francis Carpio as Andres Bonifacio
-Gerald Gabriel as Juan Luna...."

"Ayun Gerald Gabriel. *type agad ng name sa phone then save*.
"...at  Jeremy Dela Cruz as Jose Rizal"

"Woooh" *applause* *standing ovation*

Ang galing nila umarte. Na -amaze ako.

Noong nalaman kong pwede mag papicture a characters.. Hinanap ko kaagad si Gerald. Maliit lang siya. Akala ko 15 years old palang sya. Nang bigla siyang dumaan sa harap ko  Kinulit ko sila Cassandra na magpapapicture ako kay Gerald. Pumayag naman sila kaya nilapitan namin sa Gerald. 

"Kuya, pwede pong pa-picture? " tanong ko kay Gerald.
"sure" ang tanging sagot niya.

Tumabi ako sakanya at sumama din ung iba kong kaklase sa picture. Nagulat ako nang akbayan niya ako. Hindi ako nakahinga this time kasi kinikilig ako. Baliw na baliw ako sa mga nangyari.

Gusto ko kami lang dalawa sa picture kaya lumapit ulit ako sakanya para magpapicture ng kami lang dalawa. Pumayag naman siya at inakbayan nanaman niya ako.

"Thank you po! :)" sabi ko.

"Thank you din! " sagot niya.

Umalis na kami sa Teatro at bumalik kami sa school..

-

enjoy reading! ^-^

Nandito lang ako..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon