Chapter 6

32 2 2
                                    

Cyrah's POV

May pasok kami ngayon..

Lesson dito, Lesson doon..Quiz dito, Quiz doon. Parang normal school day lang.

Uwian na din. Palabas na kami sa school ng makita ko si Miguel sa guardhouse. Umuulan din kasi kaya siguro nag aantay siya ng sundo niya.

Kasama ko si Rica. Siya ay isa sa aking mga kaklase. Noong nakita ko siyang nasa guardhouse, nagyaya ako pabalik sa room kunwari may nakalimutan ako. Hinanap ko na din ung mga kaibigan ko.

Pagkabalik ko sa guardhouse, nandun na ang mga kaibigan ko. At....

Nandun pa din si Miguel.

"Oh? Nandito lang pala kayo? tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Kanina pa. Hinihintay ka nga namin eh." sagot ni Cassandra.

*Hanap sa bag*

"Wait lang. Hindi ko makita yung payong ko." sagot ko na lalong nagpatagal samin.

Kinakabahan ako kasi andun si Miguel pati ung mga kaklase niya.

Hinihintay namin na tumila yung ulan. Nagulat ako ng biglang bumulong si Alexia kay Mikaela na kaklase ni Miguel. At binulong niya din ito kay Miguel.

Mas nagulat ako nung sumagot si Miguel.

"Oo."

"Huy, anong sinabi mo?!" tinanong ko si Alexia.

"Wala.." panunuksong sagot niya sakin.

"Sige ganyanan eh." Pagtatampong sagot ko.

Hindi niya ako natiis kaya nagsabi na din..

"Hindi beh. joke lng."
"Tinanong ko kung kapag ba nagkagusto ka ulit sakanya, may pag-asa pa ba?"

"Ehh?!! bakit?" gulat na gulat kong tanong at may pagka-inis din. Medyo nagalit din ako kay Alexia nung time na yun.

"Oo nga daw eh! sabi nya. It means may chance ka beh!" patuloy niyang panunukso sakin.

"Uuwi na ako" sabi ko sakanila. Nagalit talaga kasi ako dahil hindi ko naman talaga sinabi. Pero bumalik naman yung feelings ko kay Miguel that time kaya hiyang hiya ako.

Sinundan nila ako dahil nagmadali akong maglakad. Nahabol nila ako.. Pero tahimik lang ako. Kaya umuwi na lng kami.

Pagkauwi ko nabasa ko na nag message si Miguel sakin.

Miguel: Sino na nga pala crush mo?
Me: Secret
Miguel: Weee.. sino nga? Para alam ko..

Ilang mins. din ako di nagreply. Napagisipan ko  na siguro this is the right time para magsabi na ako.

Miguel: Huyyyy!

Nagchat ulit siya.

Me: Haha..okay lng kalat na naman eh. :) ikaw.. :) haha.. saya noh. Pero di masyado..

Miguel: wew.

Me: Wag mo na nga pala intindihin yung pinasabi nun ni Alexia kay Mikaela ah.

Miguel: Nasagot ko na nga eh.

Me: Anong sagot mo?

Miguel: Oo.

This time mas nagkaroon na ng Awkwardness. Madalas din kasing magkasama ung section nila tsaka section namin sa isang room kapag may school activity.

Hindi ako makatagal sa lugar kung nasaan siya kasi naiilang ako sakanya.

kinabukasan..

Umalis kami ng room at papunta kami sa canteen nang makasalubong namin yung tropa nila.

Nagulat ako ng bigla niya akong sinanggi pag daan niya. Paglingon ko, bigla niya akong nginitian. With matching two malalim na dimples.

*Yieee Kiligmatsss :''>*

----------

Next time na yung next update..Una palang yan.. ;) Thank You sa Pagbabasa. HOPE YOU LIKE IT. ENJOY!

Nandito lang ako..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon