Cyrah's POV
Typing...
Me: Hello po!! :) Congrats po ulit :))
Him: hey :) thank you! :D thank you for watching rin, nood po kayo ulit sa next show namin jesus christ superstar ako po yung judas :)
Me: kailan po?
Him: next year pa. maybe mga april
Me: Ahhh, mga ilang taon ka na po?
Him: 17 na ako sa monday
---Akala ko 15 years old palang siya nung nakita ko siya sa play. Ang liit kasi eh.
Me: Weeh? Hahaha! ADVANCE HAPPY BIRTHDAY po kuyaa.. stay handsome ^-^
Him: hahahaha. thank you. thank you. okay ba yung show?
Me: opo. galing! galing! :'> naaalala mo pa po ako?
Him: yup. naalala kita.Oh my gosh. Naalala niya pa ako.
Pinaalala ko sakanya yung time n nabangga niya ako. Pinaalala ko sakanya kung paano niya ako nabangga. At kung paano ko siya nakilala. Nag sorry naman ulit siya dahil dun. Kinilig tuloy ako. Feeling ko ang gentleman niya. Kahit sa chat lang yun. Feeling ko ganun din naman sa personal.
Niyaya niya akong manuod ng next play nila dahil isa siya sa lead role. Natapos din yung night na yun na pag uusap namin. Sobrang tuwang tuwa talaga ako dahil hindi lang niya ako inaccept, kinausap niya pa ako. Akala ko snob siya. Pero hindi. Mabait siya.
Lumipas ang ilang araw..
Birthday na niya.. Hindi man kami close pero nag effort akong mag nobela o mag message sakanya ng mahaba para sa birthday niya. Dun sa nobela ko, nakalagay dun kung pano ko ulit siya nakilala at umamin ako sakanya na crush ko siya pero infatuation lang yun.
Ako yung tipo ng girl na madaling ma-fall sa lalaki lalo na kapag pogi. Kasi mas madalas ako mag base sa Physical Appearance ng isang tao o isang guy para magustuhan ko siya. Mabilis din akong maturn-off kung yung guy na yun ay may pinakitang ka- weirdohan o yung hindi talaga kanais-nais.
Hiningi ko yung number niya kahit alam kong girl ako at ang panget sa girl na siya yung kumukuha ng number nung guy. Alam ko ding panget n parang ung girl yung nanliligaw sa guy. Pero ganun ako eh. Basta mahal ko, ipaglalaban ko.
Good news, nakuha ko na yung number niya. Bad news, sira pala phone niya.
Halos every other day kami nagchachat.. Kasi nakakahiya naman kung araw-araw.
Kapag nasa school ako, wala akong ibang bukam-bibig kundi siya. Lagi akong kinikilig every time na pag uusapan siya. May mga kaklase din akong napopogian sakanya at gusto siya mameet. Iniisip ko kung papuntahin ko kaya sya sa school. Hmm. Parang nakakahiya naman. Ang kapal na masyado ng mukha ko nun. Tsaka hindi pa naman kami close masyado nakakahiya. Tsaka pano pag ni-reject nya ako s pagyaya ko sakanya? diba mas nakakahiya? Hmmm..
Ano kayang gagawin ko??