Cyrah's POV
Well, MU na nga kami.. Nagdecide kami na magkaroon ng call sign. At yun ay 'bae' .
Wala lang nakiuso lang..
Kinabukasan nag talo agad kami ng dahil sa twitter. Pinipilit niya na ako yung nag unfollow sakanya . Pero sabi ko siya.
Ang babaw ng pagtatalo namin noh? pero syempre hindi kami nagtapos ng dahil lang dun. Mahal ata namin ang isa't- isa.
Sweet naman kami sa isa't-isa. Nagkikita din naman kami sa school. At palagi kaming nag chachat.
One day, may nakita akong tinag na picture sakanya with a girl.
Nacurious ako kaya tinanong ko siya at nag selos ako. Sabi niya wala lang daw yun. Friend lng sila. Pero nakakainis yung comments eh. Kaya mas nag selos ako.
"Haha, boyfriend niya ba yan? pumupuso si claire."
"Oo, nagmotor sila feeling BF na sla. Ang haba ng hair ni ate claire mo abot hanggng EDSA."
"Aww keleg"
Nag react din naman si Miguel sa mga comments.
"hala hindi :3 "Nagtampo talaga ako saknya dahil kami nga wala pang picture tapos ung girl na un meron na. Feeling ko type siya nung Girl.
Inadd ko yung girl. Inaccept naman niya. Gusto ko lang malaman niya na taken na ung puso ni miguel at akin siya.
Selfish na kung selfish pero may karapatan ako. Khit MU lang kami.
Ang sungit ko kay Miguel at this moment.
Miguel: Hahaha trip kami ni Ninang gusto maging kami kaso ayaw ko naman sakanya eh :)
Me: Go . Be with her. :)
Miguel: Hala ganyan ka na?
Miguel: Kaibigan ko lang naman yun ehh :/ wag ka magalit :/
Miguel: Galit ka na bae? Nu bayan wag ka na magalit :(Nirequest kong gawin niyang profile picture yun. Pero i crop niya yung girl.
Ayaw niya kasi daw baka mapagkamalan pa ng iba na Girlfriend niya yun. Eh ang pogi niya kaya dun. Panira lang yung girl.
Miguel: Wag ka n masungit bae
Me: Masungit talaga ako. Sabi ko sayo eh di mo pa ako kilala.
Miguel: hindi. mas sumungit ka nung nakita mo yung picture namin nung kaibigan ko.
Me: Manhid ka bae....
Next chapter next week. :)
Enjoy!