Chapter 5

11 1 0
                                    

Chapter 5

Nicolas

Nakahilata na ako at handa nang matulog dahil sa sobrang daming nangyari ngayong araw.

Masyado ko na namang pinairal ang pagtitiwala ko para sa iba na nadisappoint lang din ako sa huli.



Mahilig akong tumulong sa tao. Kahit sinong kaya kong tulungan, tutulungan ko. Nature ko na iyon.



Ayaw ko lang maranasan nila ang naranasan ko noon kaya handa akong tumulong sa iba kahit sa maliit na bagay.



"Hanggang ngayon, siya pa rin ang nasa isip ko." Napabuntong hininga ako.



Naiisip ko na naman si Tatiana. Nagsinungaling siya. Ganoon kabilis nawala ang nabuild kong tiwala sa kanya.


"Oh, Bakit gising ka pa?" Napaangat ako ng tingin kay ate Linda na lagi kaming chinecheck kung okay kami bago matulog. Napangiti ako.

"Ang daming nangyari ngayon, ate. Pero thank you kasi inaalagaan mo si lolo." Natawa naman siya.


"Nako, kayo na ang pamilya ko rito. Dahil sa inyo, kaya nairaos ko ang buhay ng pamilya ko sa Pilipinas."


"Kamusta na pala sila, ate?" Napaupo naman ako.



Umupo siya malapit sa upuan ng bedside table habang umiinom ng kape.




"Ayon. Nakagraduate na ng college yung panganay kong babae. Nako! Kung tumino tino ka lang, ipapabugaw ko iyong anak ko na yon. Type ka non eh!" Tumawa naman ako.



"Ang awkward mo kausap kahit kailan, ate Linda. Bat gising ka pa rin?"


"Hinihintay ko ang lolo mong umidlip. Kakatapos lang niyang magmeryenda. Alam mo naman, hindi pwedeng nanghihina yon."


"Tama. Sige, ate Linda, laklakin mo na yan at matulog ka na."


"Sus. Itong batang ito. Iniisip mo lang yung chicks mo kanina!"

"Shut up, ate. You are fired."


"Yie. Kaya pala di ka makatulog ha. Sino type mo don? Yung blondina o yung red hair?"


"ATE LINDA! JUST LEAVE! UGH!" Naalala ko na naman kasi si Tatiana.

Naiiling na hinalikan ako sa noo ni ate Linda saka umalis. Parang nanay at katropa ko na si Ate Linda kaya ganon ang trato namin sa isat isa.



Napabuntong hininga ako. Pinipilit kong matulog pero binubulabog ako ng isip ko dahil sa Tatiana na yan.

........

"Hoy! Baka gusto mong dumilat na dyan, Nicolas! May shooting ang team! Kingina ka!"

May hambalos na kasama ang sigaw ng babae na yon. Naiinis kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong ang Pashnea Photography team pala ito.


Mas lalong nagising ang diwa ko.

"Shit!" Napatayo ako bigla.

"Oo shit ka, Nicolas! Kailangan pa naming iinvade ang kwarto mo para lang gumising ka!"

"Ano, napagod ba kakasex, totoy?" My boss teased me.


"Sir!" Napasigaw ako.


Tumawa naman sila. I have a team and we are aiming for the award at the exhibit that will be held at Philippines.



Invisible StringWhere stories live. Discover now