Chapter 6
Tatiana
"Aalis na po kami, sir Nicolo." Magalang kong sagot. Katabi ko si Alecia habang inaayos ang mga pinapauwing pagkain sa amin ng lolo ni Nicolas.
"Walang anuman, iha. Alam kong kulang pa iyang pagkain na yan para sa tulong ninyo kanina. Nakakagulat biglang dumagsa ang mga customers."
Napangiti ako. Hindi ko kasi tinanggap ang perang inaalok nila sa amin.
We worked because we wanted to. And not just because I want Nicolas to forgive me.
Nakaupo kami ni Alecia sa counter habang umiinom ng tea na inihanda ni Ate Linda sa amin.
"Tadaima." Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko na naman si Nicolas.
Namula ang buong mukha ko. Naalala kong nagyakapan kami kanina dahil naiyak na lang ako.
May trust issues daw kasi siya since teenager. Alam niyang OA raw ang reaction nya pero, still, it's his feelings.
Mabuti na lang at napatawad niya na ako kanina. Hinawakan ko ang kamay ko. Naalala kong para akong nakuryente nang hinawakan ko ang kamay niya.
Ayaw ko ring bitawan ang kamay niya kanina pero tinawag na kasi siya para umalis.
"Ate Linda, pakisuyo rin ng tea. Kapagod." Tumabi sa akin si Nicolas habang nakikita kong nakatitig na naman si Alecia sa kanya.
Agad kong binalingan si Alecia.
"Hey, stop it. Wala siyang ginagawa. Alam mo naman ang gagawin ko pag I needed help, right?"
"Sorry, miss Tatiana. I really cannot help it but I will try."
"Thank you." Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Okaerinasai." I faced him and greeted him. Nanlalaki ang mga mata niya.
"Uh, yes. Thanks. Kamusta ang shop kanina?" Casual niyang tanong habang sumisimsim ng tea.
"Ayon, biglang dumagsa ang mga tao. Nakakangawit sa legs."
"I know. Okay lang ba ang legs mo? Nahilot mo na ba? Ask ate Linda, may ointment yon lagi."
"Oh. No, no. No need. I'm fine. Magfofoot spa na lang ako bukas."
"So, di na kayo pupunta rito?" Monotonous niyang tanong.
"Uhm, are we welcome here? You are the reason why I am here."
Napabuga naman ng tea si Nicolas.
"Fuck."
"Are you okay?!" Agad kong kinuha ang tissue ko sa bag at pinunasan siya.
"I'm fine." Pigil niya sa akin.
"No. Baka mapaso ka." I keep on wiping his face and his clothes.
He stopped by holding my hand. He stared at me.
"Hey, I am okay. Thank you." He smiled.
Nagtitigan lang kami nang may tumikhim.
Agad kong binawi ang kamay ko.
"Here, more tissues pa." Alok ko. Kumuha naman siya.
"You are welcome here. Just do not make any scene like what your puppy did."
"What did you just call me?" I saw Alecia was beside Nicolas now. She is raging mad!
"What? Are you deaf?" Matapang na sabat ni Nicolas.
"Oh. You are really asking for it." Umiling iling si Alecia.
Pipigilan ko na sana sila nang may magbukas na naman ng pinto.
YOU ARE READING
Invisible String
RomanceREAD! AT! YOUR! OWN! RISK! Tatiana wanted to be free at least once in her life before her arranged marriage with her best friend, Philip. She chose Japan as her escape place to experience freedom. Little did she know, her life will change when he m...