Lumaki nga si Drew Morisette na puno ng kalungkutan. Hindi nga siya nakakita ng pagmamahal sa kaniyang ama, at sa kaniyang dalawang kapatid. Ang tanging kakampi lamang niya ay ang kaniyang kapatid na si Drew I at ang kaniyang ina na si Richelda. Dahil doon naging malayo ang loob niya sa mga tao, at sa mga lalake. Wala siyang pinagtitiwalaan dahil sa nakikita niyang kaapihan na nararanasan ng kaniyang ina. Dahil doon bagamat naging magandang dalaga si Drew Morissette, hindi nga siya magkakaroon ng kasintahan.
Hanggang sa dumating nga ang araw na siya ay nasa kolehiyo na ay wala siyang sinasagot bagama’t maraming nanliligaw. Pinasyahan nga ng kaniyang ama na pag-aralin siya sa University of Sto. Tomas para mag take ng kurso na makakatulong sa pamamahala ng kanilang kompanya.
Isang araw nga habang naglalakad siya sa hall ng university ay nabangga siya ng isang grupo ng kalalakehan. Mga varsity player ng basketball. Natumba nga siya at tumingin siya sa lalake na nakabangga sa kaniya. Tinignan lang din siya nito, at nagpatuloy sa paglalakad. Tumayo nga si Drew Morisette at tinignan ang mga varsity ng masama.
Naglalakad nga muli ang mga varsity ng humarang sa kanilang harap si Drew Morisette. Tumigil sila nang mapansing ito ang babaeng nakabangga nila. Tinignan sila ni Drew Morisette at unti-unting lumapit. Nang makalapit nga si Drew Morisette ay sinampal niya ang lalakeng bumangga sa kaniya. Malutong nga ang pagkakasampal sa kaniya. Sinabi nga ni Drew Morisette.
That shall teach you respect. –sabi ni Drew Morisette
Umalis nga si Drew Morisette sa kanilang harapan. Nagalit nga ang kaniyang sinampal na lalake ang pangalan niya ay Peter. Sinabi niya nga sa kaniyang sarili na gaganti siya kay Drew Morisette. Nang makita niya si Drew Morissette ay hinila niya ito sa locker room nila at isinandal sa pader ng pwersahan.
Alam mo ba na wala pang ibang sumasampal sa akin, ikaw pa lang! –sabi ni Peter
So? –sabi ni Drew Morisette
No one, slaps me in the face! –sabi ni Peter
Akto ngang susuntukin ni Peter si Drew Morisette nang magsalita si Drew Morisette.
Ano susuntukin mo ako? Sige gawin mo.Ganyan naman kayo lagi mga lalaki, nanakit ng babae. –sabi ni Drew Morisette.
Tinignan nga ni Peter ang mga mata ni Drew Morisette. Bigla ngang nawala ang tapang at galit niya. Ito nga ay dahil gumigiid ang mga luha sa mata ni Drew Morissette. Hindi dahil sa natatakot siya kay Peter. Ito ay dahil naaalala niya ang kaniyang ina.
Pumasok nga ang ilang kasamahan ni Peter at nakitang ang pag-akmang panununtok nito kay Drew Morissette. Bigla ngang umalis si Drew Morissette sa locker room. Naiwan naman si Peter na tulala hanggang sa tapikin siya ng kaniyang bestfriend na si Leo.
Umalis nga sila locker room upang magpractice ng basketball. Wala pa rin nga sa wisyo si Peter at hindi focus, dahil sa sinabi ni Drew Morisette. Dahil nga doon ay napagalitan siya ng kanilang coach. Pinatigil muna siya sa practice.
Matapos nga ang practice ay pinuntahan ni Leo si Peter. Kinausap nga siya nito:
Tila may gumugulo sa isip mo Peter –sabi ni Leo
Leo, bully ba ako? –sabi ni Peter
Bakit mo naitanong? –sabi ni Leo
Bully ba ako? –sabi ni Peter
Hindi naman, pero ang ulo mo madaling mag-init, at ang kamay mo masyadong magaan. Pero hindi ka bully. –sabi ni Leo
At naglakad nga muli sila papunta sa gate, at muli ay nagkasalubong sila ni Drew Morisette. Nagbigay daan nga si Peter upang hindi niya mabangga muli ang dalaga. At dumaan si Drew Morisette. Nang malagpasan na siya, ay biglang tinawag ni Peter si Drew Morisette.
Sandali! –sabi ni Peter
Lumingon sa kaniya si Drew Morisette. Niyaya nga ni Peter na pumunta sila sa isang coffee shop.
Drew Morisette, ang pangalan mo? –sabi ni Peter
Paano mo nalaman? –sabi ni Drew Morisette
Tinignan ko kasi yung ID mo. –sabi ni Peter
Bakit tayo nandito? –sabi ni Drew Morisette
Hindi naging maganda ang unang pagkikita natin. I just like to clear things up. –sabi ni Peter
Hmmm. –sabi ni Drew Morisette
I do not hurt woman, even though what had happened to us recently. –sabi ni Peter
And. –sabi ni Drew Morisette
Mayroon lang talaga akong temper, I just wanna apologize too, ako nga pala si Peter. –sabi ni Peter
Hmm. You know I dont really care, who you are, and what your beliefs is. I accept your apologies, and thanks for the coffee. –sabi ni Drew Morisette
At umalis nga si Drew Morisette sa coffee shop. Tinignan niya nga siya habang lumalakad palabas. At yun nga ang kanilang naging unang pagkikita.
BINABASA MO ANG
STORY NO. 5 (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPREQUEL/SEQUEL TO STORY NO.1 and 4 Lahat ng tanong ay masasagot na Lahat ng kasinungalingan ay magtatapos na To fully understand this story, because this a sequel and a prequel. You might also take your time to read STORY NO. 1 http://www.wattpad.co...