Part 8. Her Fiery Wrath Unleashed

119 2 0
                                    

Ilang araw na nga mula ng mailibing si Peter ay hindi pa rin umuuwi si Drew Morisette sa kanilang bahay, o mansion. Maging sa kaniyang condo unit ay wala siya. Dahil dito ang kaniyang ina na si Richelda ay lubos na nag-aalala.

Si Don David din ay nag-aalala. Hindi para kay Drew Morisette. Kundi dahil sa kasunduan nila Don Saul. Pinangangamabahan niyang baka isabotahe ni Drew Morisette ang kasunduan dahil sa kaniyang hindi paglitaw. Kinausap nga ni Richelda si Drew I.

May impormasyon ka ba kung nasaan ang kapatid mo. Nag-aalala na talaga ako. –sabi ni Richelda

Ako man Ma. Pero hayaan na muna natin siya. Nagluluksa pa siya para kay Peter. –sabi ni Drew I

Bakit kailangang maulit sa kaniya ang nangyari sa akin. –sabi ni Richelda

Anong naulit Ma? –tanong ni Drew I

Wala, wag mo nang alamin. –sabi ni Richelda.

Naalala nga ni Richelda kung paano siya ginahasa noon ni David, na ang naging bunga nga ay si Drew Morisette. Hindi nga ito alam ng kahit sino sa mga anak ni Richelda at David. Isang araw nga ay sama-samang nag-almusal ang buong pamilya ni Don David, maliban lamang kay Drew Morisette. Ang araw ngang iyon ay ang ika-40 araw ng kamatayan ni Peter. Nagtanong nga si Don David kay Drew I kung may impormasyon siya kay Drew Morisette.

May alam ka na ba kung nasaan ang kapatid mo? Kailangan na niyang magpakita at bumalik dito. –sabi ni Don David

Wala pa pero sigurado ako... –sabi ni Drew I

Hindi pa nga natatapos magsalita si Drew I, nang biglang may nagsalita na gugulat sa kanila.

Huwag na kayong mag-abala pa. I’m here. –sabi ni Drew Morisette

At si Drew Morisette nga ay biglang lumitaw. Suot niya nga ay isang matingkad na pulang damit. Ang kaniyang buhok ay kaniya ring pinaputulan. Ang kaniyang labi ay pinapula ng lipstick. Nanibago nga silang lahat sa bagong anyo ng kanilang bunso. Ang kaniyang mood ay masaya, at tila naka move-on na kay Peter.

Pwede ba akong umupo? –sabi ni Drew Morisette

At sumalo si Drew Morisette sa almusal ng pamilya nila. Bagaman kumakain, ay patuloy na minamasdan ni Richelda ang kaniyang bunso. Nararamdaman niya na may kakaiba kay Drew Morisette.

Kuya, i-set mo nga ako ng meeting kay Hanz. –sabi ni Drew Morisette

Nasamid nga si Drew II, nang marinig ito kay Drew Morisette

Kay Hanz, bakit mo gustong makipag-usap sa kaniya. –sabi ni Drew I

Gusto ko ng i-finalize ang mga detalye ng kasal. Gusto ko nang makasal sa lalong madaling panahon. Ayaw kong maabutan ng paglaki ng aking tiyan. –sabi ni Drew Morisette

Buntis ka? –sabi ni Richelda

Opo. –sabi ni Drew Morisette

Natuwa nga si Don David sa balitang iyon. Nagtataka naman si Richelda, maging si Drew I, kung bakit parang masaya pa si Drew Morisette. Sa kabila ng ang dahilan ng pagbubuntis na iyon ay isang mapait na pangyayari sa kaniyang buhay.

At inihatid nga ni Drew I si Drew Morisette sa meeting place nila ni Hanz. Nauna nga siya sa lugar. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating si Hanz. Malugod siyang binati ni Drew Morisette

Hanz, nice to see you –sabi ni Drew Morisette

Nice to see you too. –sabi ni Hanz

STORY NO. 5 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon