Part 5. The Slave's Reward

95 2 0
                                    

Kakagising nga lang ni Peter sa isang magandang umaga. Agad siyang bumaba sa boarding house, nag-toothbrush, naligo, nagbihis, at saka nag-almusal. Matapos noon ay umalis na siya patungo sa eskwelahan. Nang bigla ngang may tumawag sa kaniyang cellphone at ang numero ay hindi niya kilala. Dinecline niya nga ang tawag, pumara siya ng jeep upang magtungo na ng UST, siya nga ay nakatira sa Sta. Mesa.

Nang nasa jeep na nga ay patuloy na tumatawag ang hindi kilalang caller. Sa inis ni Peter ay sinilent niya ito. Pagbaba niya sa harap ng university ay tumatawag pa rin ang caller. Nainis nga si Peter at sinagot na ito.

Sino ka ba? bakit ang kulit-kulit mo at tawag ka ng tawag. Bwisit! –sabi ni Peter

Sino ako, makulit, bwisit. ASAN KA PETER, MAGPAKITA KA SA AKIN AT TUTURUAN KITA NG LEKSYON! –galit na sagot ni Drew Morisette

Tinanggal nga ni Peter ang cellphone sa kaniyang tenga. Nalaman niya nga na si Drew Morisette ang tumatawag. Ang kaniyang bagong panginoon. Wala nga siyang balak tuparin ang kasunduan nila ni Drew Morisette sa laro na kanilang pinaglabanan. Kaya nga ng magbihis si Drew Morisette ay agad siyang tumakas, at hindi na pumasok ng buong araw na iyon. Akala niya nga ay isang joke lang ang lahat.

Patuloy nga siyang naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Sa di kalayuan ay natanaw niya si Drew Morisette. Halatang mainit ang ulo at nagpapabalik-balik ng lakad. Nagtago nga siya. Sinilip niya nga uli si Drew Morisette, ngunit nakita siya nito. At naging simula nga ito ng mahabang habulan.

Hanggang sa nailigaw niya si Drew Morisette. Sumilip nga siya mula sa kaniyang pinagtataguan, at napabuntong hininga dahil wala na rin si Drew Morisette na humahabol sa kaniya. O yun ang akala niya. Laking gulat niya nga ng biglang lumitaw sa kaniyang likuran si Drew Morisette.

Hinawakan nga ni Drew Morisette ang buhok ni Peter at sinabunutan. Matapos noon ay binatukan siya ng tatlong beses.

Tatakasan mo po ako ha. Makulit, Bwisit. –sabi ni Drew Morisette

Sorry po. –sabi ni Peter

Sorry po what? –sabi ni Drew Morisette

Sorry po Maam. –sabi ni Peter

Tara na pumunta na tayo sa canteen, nagutom ako sa paghabol sa iyo. –sabi ni Drew Morisette

At pumunta nga sila sa canteen. Umorder nga ng maraming pagkain si Drew Morisette. Natulala nga si Peter nang makita kung paano lumamon ng pagkain. Matapos noon ay umalis na sila. Ibinilin nga niya na puntahan siya sa kaniyang klase matapos ng sa kaniya. Ginawa nga ito ni Peter. Ngunit nasa lugar nga siya na hindi makikita ng marami, kundi ni Drew Morisette lamang. Nag-text nga sa kaniya si Drew Morisette.

Pumunta ka nga sa pinto na malapit sa blackboard at kumaway ka sa akin ng nakangiti –text ni Drew Morisette

At ginawa nga ni Peter ang inutos ni Drew Morisette. Kumaway nga siya may pintuan. Ngunit umalis din siya kaagad dahil nahiya siya. Marami nga ang kinilig at nainggit kay Drew Morisette, dahil sa ginawa ni Peter, na inutos rin naman niya. Nang matapos nga ang klase ay nag-utos muli si Drew Morisette, ngunit sa anyong humihiling.

Peter, pwede mo ba akong buhatin sa likod mo –utos ni Drew Morisette

Ayaw nga ni Peter, ngunit pinandilatan siya ng mata ni Drew Morisette. Walang nagawa si Peter kundi sundin ang utos sa kaniya. At pinasakay niya sa kaniyang likod si Drew Morisette. Kalagitnaan nga ng paglalakad nila ay biglang sinabi ni Drew Morisette.

Pumunta tayo doon sa krus. Gusto kong makita ang ating university mula sa isang mataas na view. –sabi ni Drew Morisette

Habang buhat kita? –tanong ni Peter

STORY NO. 5 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon