Part 11. Drew Morisette Effect

88 1 0
                                    

Nagtungo nga sa hospital ang mag-asawang Richelda at David upang kumustahin ang kanilang anak na si Drew II. Nawalan nga siya ng malay bunga ng pagod at bugbog na kaniyang natamo sa naghihiganti niyang kapatid. Kapiling niya nga si Michelle, na magdamag siyang binantayan, nang dumating ang kaniyang mga magulang. Nandoon din nga si Drew I na nagdala sa kanila sa hospital. Noon nga ay wala pa ring malay si Drew II. Lumabas nga ang mag-ama upang pag-usapan si Drew Morisette.

Nagbago na ang isip ko, mananatili si Morisette as EVP ng Triple D Corporation. Hanggang doon na lang siya. Huwag mo siyang iaangat Drew. Hindi ko na siya bibigyan pa ng ibayong kapangyarihan na maaari niyang gamitin laban sa akin. –sabi ni Don David

Huli na ang lahat para diyan. Kahit pa pigilin mo siya, wala ka ng magagawa. Hawak niya na ang majority ng board. Kung magpatawag siya ng election, at patalsikin ako magwawagi siya. Pag nalaman pa ito ni Drew Morisette, tiyak lalo siyang mapopoot sa inyo. –sabi ni Drew I

Hindi ko na sana siya binigyan ng kapangyarihan noon. Nagsisisi tuloy ako. Ibinigay ko pa sa kaniya kung nasaan ang tunay na kapangyarihan, sa mafia. –sabi ni Don David

Kahit hindi niyo ibigay, kukunin at kukunin niya pa rin ito sa inyo. Ang galit niya sa inyo ay hindi katumbas ng kaniyang galit kay Hanz at The Second. Napakalaki ng galit sa inyo, dahil sa hindi niyo pagbibigay pansin sa kaniya, at panghahadlang. Tatanungin ko kayo. Totoo bang inutusan niyo ang babaeng naging dahilan kung bakit nabaldado noon si Drew Morisette? Totoo ba? –sabi ni Drew I

Saan mo nalaman iyan? –tanong ni Don David

Kay Drew Morisette. Totoo ba na nagawa niyo iyon sa sarili niyong anak? –tanong ni Drew I

Iba ang tingin ko noon kay Drew Morisette. Dahil siya ay babae lamang, ang nais ko sa kaniya, ay mag-aral lang, at maihanap ng isang matinong mapapangasawa. Ayaw ko siyang lumihis doon, ayaw ko siyang maging dakila sa ibang bagay. Kaya’t ng nakikita kong umaangat siya sa larangan ng palakasan. Hinadlangan ko siya. Inutusan ko ang isa sa miyembro ng kalabang team na dalihin siya sa puntong hindi na siya makakapaglaro muli. Nare-realize ko ngayon, na iyon ay isang malaking pagkakamali. –sabi ni Don David

Doon nag-umpisa ang lahat ng galit, na lalo lang pinatindi ng kamatayan ni Peter, at Peter Drew. Itong gagawin niyo ngayon, magpapaigting lang ito ng matindi niyang galit sa inyo. Huwag niyo ng gawin. –sabi ni Drew I

Isang tao nga ni Drew Morisette ang nakikinig sa usapan nila Drew I at Don David. Ipinasa niya ang kaalaman sa mga pinuno ng tauhan, na ipinarating ng kanilang pinuno kay Drew Morisette. Nang malaman nga ito ni Drew Morisette:

Ganoon ba. Makikipaglaro ako sa iyo Pa. Hindi ko aagawin ang kapangyarihan kay Kuya. Pero ipapakita ko sa iyo na hindi tama ang iyong iniisip na gawin. –sabi ni Drew Morisette

Tinanong nga ni Don David si Drew I kung paano niya nalaman ang mga bagay na iyon kay Drew Morisette.

Noong nawala nga si Drew Morisette, kung saan tayong lahat ay nag-alala. Ang mga tao niya ay naghatid ng impormasyon sa kaniya. Sinundan ko sila. At nandoon nga si Drew Morisette. Nasa loob siya ng isang kwarto nakatitig sa isang bagay na hindi ko makita. Nang umalis siya, pumasok ako sa kwarto. Isang taong pugot ang ulo ang nandoon. Hinala ko, iyon ang lider ng grupong pinagpapatay ni Drew Morisette. Si Ricardo Mariano. –sabi ni Drew I

Ricardo Mariano. Sandali, siya ang anak ni Enrico Mariano. Ang Hari ng Maynila! –sabi ni Don David

Alam ko iyon Pa, at ang ginawa ni DM, ay deklarasyon ng gera laban sa mga Mariano. –sabi ni Drew I

Maski ang Papa sa kaniyang kadakilaan at katapangan. Hindi niya nilabanan ang mga Mariano. Nakakabahala na talaga si Drew Morisette. –sabi ni Don David

STORY NO. 5 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon